32

2.1K 38 0
                                    

Chapter 32

"Mama?"

"Ay, butika ka!" Nagulat ako ng may tumawag sa akin kaya napalingon ako sa may likuran ko.

My children are already awake, I didn't even notice. Hindi ko din kasi napansin na nakatulala pala ako habang nagluluto. Buti na lang at hindi nasunog ang niluluto kong almusal namin at baon ng anak ko sa school nila.

May pasok na kasi sila ngayon. Kahapon lang wala dahil absent daw ang teacher nila. Mamaya ko pa sana sila gigisingin dahil hindi pa tapos ang pagluluto ko. Gusto ko kasi kapag magigising sila ay kakain na lang sila at liligo, magbibihis, sabay papasok sa school.

"Good morning, my princes and my prince," anas ko at hinalikan sila sa pisngi.

"Good morning din po, Mama," bati nila sa akin at hinalikan din nila ako sa pisngi.

"Sit down so we can eat but before that. Have you two brushed your teeth yet?" I asked.

"Yes, Mama!"

Tumango ako. "Eh, maghilamos?"

"Tapos na din po," sigaw nila pareho.

"Have you two washed your hands yet?"

I always remind my children to wash their hands. So that they don't get sick from any bacteria they have on their hands especially when they are going to eat. Gusto ko na kahit ako lang mag-isang nagpapalaki sa kanila ay malinis at maayos silang tignan.

"Done na po, Mama. Si Kuya lang po hindi," pagsusumbong na naman ng prinsesa ko kaya napanguso ang anak kong lalaki ng tingnan ko ito.

"Mama, hindi naman po kasi marumi tignan po, eh," sabi nito at pinakita pa ang kamay nito sa akin pero inilingan ko lang ito kaya naman wala itong nagawa kundi ang umalis sa upuan niya at pumunta ng banyo para maghugas ng kamay.

Nang okey na ay doon na kami nagsimulang kumain ng agahan. Tapos ko naman na ihanda ang baon nila. Kaya maliligo na lang kami pagkatapos naming kumain ng agahan at hugasan ang mga pinaggamitan namin. Nang matapos naming kumain ay nagpaalam na sa akin ang dalawa kong anak na maliligo na sila.

Kaya ng matapos akong maglinis ng mga pinggan ay nakita ko ang mga anak ko na nakabihis na at ako ang hindi. Napangiti ako ng makita ko ang anak kong lalaki na inaayos ang buhok niya. Nilalagyan niya ito ng wax na pinabili niya sa akin para daw gayahin niya 'yung pang-korean style na nakita niya lang ng nanood kami ng isang gabi ng kdrama.

Nilapitan ko ito at ako na mismo ang nag-ayos dahil nahihirapan siya. Nang matapos ay nakangiti ako nitong niyakap.

"Thanks po, Mama. I love you!" Sabay halik sa pisngi ko.

"I love you too, anak," anas ko.

'Tsaka naman ako bumaling sa anak kong babae na maiiyak na dahil hindi niya matali-tali ng maayos ang kaniyang buhok. Natawa ako dahil para siyang maiinis. Lalo na't nakita ko kasing kinakagat-kagat na niya ang suklay na hawak niya.

Hindi siya mapagpasensya. Baka mainis lang ito kapag may pasyente siyang hindi niya maintindihan kapag nagkataon.

"Mama," naiiyak nitong tawag sa akin at nilapitan ako. "Can you tali my hair?"

"Sure, my princess. Paano bang tali?" tanong ko.

Mababango na ang mga anak ko. Nakakahiya naman sa Mama nila na wala pang ligo at pawisan. Samantalang sila ay mukhang fresh na fresh na talaga.

"Dalawa pong pa ponytail," sagot nito at nilarawan pa niya sa akin 'yung gusto niyang magiging kalalabasan ng tali niya kaya naman tumango ako.

When I made sure my children were ready, I took a shower. I just take a quick shower because my children are almost late. I quickly fixed myself up. Hindi na ako naglagay ng kolorete sa mukha dahil una pa lang ay hindi na talaga ako no'n gumagamit.

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon