KathNiel: MAGBALIK (one shot)

664 13 1
                                    

MAGBALIK

Tatlong taong nakadama ng saya at lungkot.. 

Tatlong taong may nagmahal at nag – alaga.

Pero pagkatapos ng tatlong taon, magiging kagaya pa ba kami ng dati? Yung dating magka relasyon na hindi mapag – hiwalay, yung dalawang tao na walang pakialam sa mundo basta ang importane, NAGMAMAHALAN SILA?

Pagkalipas ng tatlong taon, ang sumpaan naming WALANG HANGGAN, matutupad pa kaya naming?

--------

Tatlong taon na kaming mgkasintahan ni Daniel John Ford Padilla o DJ, mula pa noong 1st year h.s., oo alam naming maaga para sa isang relasyon, pero sadiyang mahal na mahal naming ang isa’t-isa hanggang sa umabot na sa panahong hindi na kami mapaghiwalay at umabot sa puntong COLD na ang relasyon namin

♫ Wala nang dating pagtingin

sawa na bas a ‘king lambing

wala ka namang dahilan

bakit bigla na lang nang – iwan? ♫

Sabado ngayon, tinawagan ko si DJ kagabi para magkita kami. Noong una, ayaw pa niya dahil may gagawin pa daw siya. Pero napilit ko siya.

Kath: hi babe. bati ko sa kanya nang makalapit siya sa akin. 10 mins. late siya

DJ: hello. tipid na sagot niya

Kath: saan tayo pupunta?

DJ: ikaw bahala

Kath: manood na lang tayo niyo. Diba may CD ka nung “LOVING YOU FOR NO REASON?” tara panoorin natin, maganda daw yun sabi nila Julia. sa totoo lang, napanood ko nay un, gusto ko lang makabisita ulit sa kanila at manood kasabay siya habang yakap niya ako. Dahil na rin sa hindi ako makapunta sa bahay nila dahil ayaw ni DJ. bakit? EWAN!

DJ: tss. ayoko nun, ang BADUY!

Kath: eh, saan tayo?

DJ: ewan ko sa’yo, ikaw nag – ayang lumabas tapos ako tatanungin mo kung saan tayo pupunta? sana hindi mo na lang ako tinawagan. May gagawin pa akong mas importanteng bagay kesa sa lakad na ito! sinigawan niya ako, unang beses ‘to. sakit sa puso, any second tutulo na ang luha ko. napayuko na lang ako, pinipigilang tumulo ang mga luhang nangingiligid sa mga mata ko.

Kath: sige, sa susunod na lang tayo lumabas, gawin mo muna yung mas IMPORTANTENG bagay na yan kesa sa akin. talagang diniinan ko yung IMPORTANTE, para ma realize na may mali siyang nasabi pero wala. manhid siya! tumakbo ako palayo sa kanya, tumulo na ang mga luha ko, hindi ko na napigilan.

Kung dati sobrang sweet niya sa akin. Ngayon? hindi na.

Kath: hi babe. bati ko sa kanya nung makalapi ako sa kanya

DJ: hi babe ko, baby ko, mahal ko, Kathryn ko. sabay hug sa akin

Kath: saan tayo?

DJ: ikaw bahala, kahit saan tayo pupunta…. basta kasama kita. sabay kindat sa akin.

Kath: teka DJ, siguradong wala kang gagawin? baka kasi may HW siya, ako pa maging dahilan ng pagbagsak niya

DJ: tapos ko na lahat, ginawa ko kagabi pa, para wala na akong isipin na tatapusin at para hindi ako uuwi agad. gusto ko kasama kita for the whole day na walang iniisip na iba kahit assignment man yan. ngumiti ako with matching red cheeks, kahit kailan never na fail si DJ sa pagpapakilig sa akin.

KathNiel: MAGBALIK (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon