Paki-alemero
Eashana‘s Pov
Nang makita ang ginawa ko, naalala ko kung paano kami gumawa ni Herron ng project.
Lagi kaming sabay, hindi man kami ang nagpa-partner sa ibang activities pero laging gano‘n ang nangyayari.
Dito sa k‘warto na ‘to kami madalas na tumambay. Nagtataguan kami ng gamit at Naglalaro.
Kasabay no‘n ang laging pag-hahanda ni Mama sa ‘min ng meryenda. Dito sa bahay namin siya madalas umuuwi, dahil madalas din ang pag-alis ni Tito Michael at Tita Rita para asikasuhin ang business nila.
Pakiramdam ko rin, naririnig ko ang boses namin. Hindi ko namalayan na may tumulo ng luha sa mata ko.
Hindi ko na pinunasan dahil naging sunod-sunod na. Hinihiling ko na sana maging okay na kaming dalawa.
Sana mawala na ang galit niya kay Papa.
Hindi ko na inisip pa, kasi alam ko na ako lang ang gumagawa no’n.
Totoo ba talaga ‘yong sinasabi nila na...
Mawawala rin ang pagka-kaibigan kahit gaano pa ka-tagal?
Pero ako, hindi ko kaya na hindi kami maging okay. Ayaw ko na maging ganito kami. Ayaw kong humanap siya ng iba. Ayaw kong may iba silang maging kaibigan, si Herron at si Amare.
Sila ang una kong naging kaibigan kaya gusto ko sila lang din. Napahinga ako ng malalim dahil sa nararamdaman.
Miss ko na sila.
++++++++++
Barnes Pov
Hindi ko kasama‘ng pumasok sina Keane pero nagka-sabay kami ni Eashana, napatingin siya sa ‘kin pero umiwas din nang makitang nakatingin din ako sa kan‘ya.
Nasa kan‘ya agad ang tingin ng iilan nang tuluyan na kaming makapasok.
“Nand‘yan na siya.”
“Ayaw kong magsalita nang kung ano pero hindi ko maiwasan na hindi siya katakutan.”
“Kahit sino, mag-iiba ang tingin sa kan‘ya.”
“Kung ako siya, hindi na ako mag-aaral.”
“Siguro ‘yon ang dahilan kung bakit iniwasan na rin siya nina Amare.”
“Oo nga, siguro hindi pa alam ni Amare and dahilan ni Herron kaya gano‘n, at no‘ng nalaman na niya, iniwan na nila siya.”
“S‘yempre, magka-dugo pa rin sila, kaibigan lang siya.”
Hindi ko inalis ang tingin kay Eashana na nakayukong naglalakad. Nasa likod na niya ako pero kahit na gano‘n, alam at ramdam ko ang emosyon niya.
Naka-hawak ang dalawang kamay niya sa strap ng shoulder bag niya.
Hanggang binti ang haba, kulay black at gawa sa balahibo, puyo ang stilo na may design na dalawang malalaking mata.
Halata rin‘ magaan at malambot ang bag. Sa tingin ko rin, pusa ang style. Makapal ang strap at malapad.
Marami rin ang mailalagay na gamit, sa tingin ko rin malamig ‘yon kapag hinahawakan.
BINABASA MO ANG
A Compassionate A Compassionless
RomanceAmare Monter and Eashana Esler have been friends since they were children. Always get along, have the same passion, and are always willing to assist one another. They have classes beginning in elementary school. They would have been the same with He...