Brittany's POV
Bukas ay uuwi na kami pabalik sa Manila kaya ngayon ay nag-aayos na ako ng mga gamit ko. Feeling ko nga kulang pa 'yung dalawang linggo para sa bakasyon ko dito. Parang ayaw ko ngang umuwi dahil unang una, hindi pa ako kuntento. I mean, nakukulangan pa talaga ako sa 2 weeks. Pangalawa, tinatamad pa ako mag-aral. Pangatlo, sigurado akong hindi pa nakakabawi sa tulog si Mama. Alam kong pagod na sobra si Mama. Kaya nga no'ng nandito kami, hindi ko siya masyadong ginugulo. At panghuli, hindi pa kami nakakagala nang maayos ni Brent. Kung nakagala man, no'ng nag Pagudpud lang kami kasi may importante pa siyang ginagawa. Naiintindihan ko naman at hindi ako magiging sagabal dahil ang ganda ko namang sagabal kung gano'n.
Siguro bibilisan ko na lang magligpit para makagala pa ako. Ang unfair naman kasi. Halos mag i-isang taon kami nag-aral tapos 3 months lang vacation, nakakaiyak. Ireklamo ko sila sa presidente eh. Sasabihin ko padagdagan yung vacation namin ng dalawang months para kalahati ng isang school year. Bawing bawi na 'yon.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang may kumatok sa kwarto. Ang bilis naman nila mama? Kaaalis lang nila ah? Baka si tito? Pero nasa biyahe pa 'yon eh. Kung sila Ate Chantal naman, tatawagan ako no'n? Teka ba't ba ako tanong nang tanong e pwede namang buksan.
Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Pagkabukas ay nakita ko si Brent na may dala-dalang unan.
"Oh, ano meron?" tanong ko at bumalik na sa ginagawa ko. Hindi ko naman na siya kailangan i entertain dahil malaki na siya at kaya na niya sarili niya. At isa pa, welcome na welcome na siya rito dahil makapal mukha niya.
"Dito muna mag-rerest ang lola mo, bakla. Nagpaalam ako kay Nanay Cora tsaka kay Tita Rose."
"Weh?"
"Ay hindi, 'te. Nakikipagbiruan lang ako. Ihahampas ko lang sayo 'tong unan ta's aalis na ako." minsan gusto ko na siyang itakwil.
"Naninigurado lang naman. Sungit sungit. Pakutos nga isa." sabi ko at umamba na kukutusan talaga siya.
"Ops, don't touch my hairlalu. Baka magsabunutan lang tayo rito, sis."
"Hindi ko naman hahawakan buhok mo."at binigla ko ang pagkutos sa kaniya. He just rolled his eyes at me.
Hindi ko alam kung pa'no ko natagalan 'tong baklang 'to. Napakadaling mapikon. Kaunting asar mo lang, pikon ka'gad. Siya na nga nang-asar ta's siya pa galit. Sa'n kaya ako makakahanap ng taong kayang sabayan pagiging mapang-asar ko?
Inirapan pa niya ako ulit at dumiretso sa kama. Wala man lang yakap? Tangina fake friend 'to ah.
"Sino nagsabing sa kama ka matutulog bakla?"
"Sila Tita." Hindi na ako magtataka kung pumayag si Mama. Hindi naman na bago 'to.
"Sa sahig ka aba." hinatak ko siya para bumaba pero nagmatigas siya. Nakikipaglabanan pa ang gaga. Wala namang problema sa 'kin kung tabi kami, gusto ko lang siyang inisin hehe.
"Hoy bakla dito!" pagsabi ko sabay hatak sa kanya.
"Hindi ako matutulog diyan. Ewwy kaya!" lumaban siya ng hatak.
Nagsisigawan kami habang naghahatakan. Parang tug of war kaso siya na yung lubid tapos siya pa kalaban ko. Oh diba ang angas. Dalawa silbi niya.
"Aalis na lang ako." pikon na sabi niya. Akmang bubuksan na niya ang pinto nang hinatak ko siya.
Hindi niya expected kaya paglingon niya ay humarap din ang katawan niya. Na-out of balance ako kaya ang ending, bagsak kaming dalawa. Nasa ibabaw siya ta's nasa ilalim ako. Napakurap ako nang dalawang beses bago mag sink in sa'kin yung posisyon namin.
BINABASA MO ANG
Euriam Academy
Fantasy"We give knowledge, give you thought, and we will never miss the challenge. Because we, Euriam, never fall down." Euriam Academy, School of the Chosen ones