Sana Maging Masaya ka Sa kanya

25 0 0
                                    


Sana masaya ka sa kanya,
Sa pag-ibig niyong puno ng ligaya.
Kahit ako'y nasasaktan, ay sana'y maligaya ka,
Kahit hindi ako ang kasama.
Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan,
Tuwing nakikita kayong dalawa, ang puso ko'y nahihirapan.
Pero hindi ko ipakikita, aking lungkot ay itatago,
Dahil ang mahalaga'y iyong kaligayahan, kahit ako'y 'di kasama.
Naririnig ang mga tawa at ngiti niyong dalawa,
Parang kahit anong gawin, hindi na mababawi ang nakaraan.
Ngunit sa bawat araw na naglalaho,
Sana'y makahanap ka ng tunay na ligaya.
Pipilitin kong magpatuloy, magpatawad at magmahal,
Kahit sa'yong piling ay wala na'kong matatanaw.
Sana'y malaman mo, kahit ako'y nag-iisa,
Ako'y magiging masaya, kahit sa'yong tabi'y 'di na kasama.
Sana masaya ka sa kanya,
Ang puso kong ito'y kusang magpapakalayo.
Ako'y mananatili at maghihintay,
Sana'y masaya ka, hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Spoken word poetryWhere stories live. Discover now