Chapter 16 - Natawa.

32K 921 159
                                    

#KAQwp

Chapter 16

 

Habang nasa byahe kami ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Makikita ko na ulit si George after 48 years. Okay, I was just overreacting pero hindi talaga maalis ang excitement ko.

Tahimik lang si King habang nasa byahe. Pag napapatingin ako sakanya ay seryoso siyang nakatingin sa daan pero napapansin ko ang higpit ng hawak niya sa manibela dahil medyo namumuti na ang knuckles niya.

Pagdating namin sa tapat ng bahay ay hindi ko na nahintay na pagbuksan niya ako. Agad akong bumaba at tumakbo papasok ng bahay, alam ko naman na susundan niya ako dahil sabi ko kanina pwede siyang pumasok sa bahay kung gusto niya. Nang makita ko si George sa couch ay napatakbo ako sakanya.

"Georgeeee! I miss youuu!" Masayang sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

Tumawa siya at yumakap pabalik. "I missed you too, Steffie!" Aniya at bahagya siyang napatigil. "Oh. Boyfriend?" Bulong niya sakin na hindi ko naman nagets.

Paghiwalay namin ay sinundan ko kung saan siya nakatingin. Kay King, na nakatayo sa tabi ng pintuan. I shook my head at kinuwit ko ang kamay ko sa braso niya. "No, silly." Sabi ko at hinila siya papunta kay King. "This is King, friend ko." Pakilala ko kay King.

Deretso ang tingin ni King kay George kaya nagpeke ako ng ubo. "Ehem. Uhm, this is Georgina Loyzaga, George for short." Pagpapakilala ko sakanilang dalawa.

Naglahad ng kamay si George. "So you're that King Tito Angelo's talking about." Aniya.

Napakunot ang noo ko. Anong King na sinasabi ni Daddy? Kinwento ba niya si King sakanila? Gosh. Nakakahiya.

"George." Tumango si King. "You're a girl." Tila wala sa sariling sabi niya.

"Of course, Im a girl!" Tumawa si George. "Wait, akala mo lalaki ako?"

Tumango si King. "I thought..." Napatigil ako ng humarap siya sakin. "...you're Queen's someone." Ani King na siyang ikinagulat ko. Akala niya lovelife ko si George? Is that why he's acting strange simula pa kanina?

Napatingin kami kay George ng tumili siya. "Oh my gosh. Totoo nga yung sabi ni Tita Yna. Nakakakilig nga kayo kahit simpleng bagay lang. Tapos Queen pa, oh gosh!" Aniya at pinaypayan yung sarili niya. "I hate you, hindi ka nagkkwento sakin." Aniya at hinampas ako sa braso.

"What's happeni-" Napatigil si Tita Jessica ng makita niya ako. "Hi Steffie!" Aniya at yumakap sakin.

Sumunod na yumakap sakin si Tito Stephen na kakapasok lang mula sa garden. "Our little Steffie." Aniya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko.

"Hi Ninong! Hi Ninang! Namiss ko po kayo!" Masayang sabi ko sakanila. Malapit din kasi ako sakanila Tito Stephen dahil pag nagbabakasyon sila dito ay lagi nila akong kasa-kasama.

"King." Nagulat kami nang magsalita si Daddy sa gilid namin. He has this serious look on his face.

Magugustuhan mo rin ang

          

"Wag mo namang takutin yung boyfriend ng anak mo." Natatawang sabi ni Tito Stephen at nakipagkamay kay King. "Stephen Loyzaga. Ninong ni Steffie. You can call me Tito Stephen." Aniya kaya kinuha naman ni King ang kamay niya. "And this is my wife, Jessica." Sabi pa niya.

"Nice to meet you po." Magalang na sabi ni King.

"Ninong! Hindi ko po boyfriend si King!" Pagaapila ko pero tinawanan lang ako ni Tito Stephen at George. Ugh! Mga bully!

The introduction goes on and on at wala na akong maintindihan kundi yung pangungulit ni George sakin tungkol kay King. "Cmon. You can tell me." Kanina pa niya ako kinukulit kung boyfriend ko ba daw si King.

I shook my head for the nth time. "Ang kulit mo Georgina! Hindi nga." Natatawang sabi ko.

She shrugged. "Whatever you say so." Sabi niya pero halatang hindi siya naniniwala. This girl, really.

Nang maghapon na ay nagpasya kami ni George mamasyal nalang sa mall. Shopping, like the old times. "I'll come with you." Deretsong sabi ni King sakin paglabas ko ng kwarto ko nang magbihis ako. Nagulat pa ako ng makita ko siyang nakasandal sa labas ng pinto ko.

Umiling ako. "Kaya na namin to. Mabobored ka lang dun." Sabi ko at inayos ang sling bag ko.

Pagbaba ko ay sumunod siya sakin. "I'll come with you." Paguulit niya sa sinabi niya na para bang wala nang makakapigil sakanya.

I rolled my eyes heavenwards. "Bahala ka. Matagal kami magshopping at madami kaming pinupuntahang boutique, mapapagod ka lang kakasunod samin." Sabi ko.

Dahil totoo naman, pag nagshopping kami ni George ay talagang shop 'til our cards drop ang peg namin. Yung kulang nalang mahati na yung cards namin kakaswipe.

"Basta sasama ako." Final na sabi niya.

Ngumuso ako at tumango. "Walang sisihan pag sumakit yang paa mo ah." Sabi ko nalang dahil mukhang kahit anong sabihin ko naman ay pursigido siyang sumama.

"Lets go?" Excited na sabi ni George paglabas ko sa may garden. Nang makita niya si King sa bandang gilid ko ay napa-O ang bibig niya. "You're coming?" Gulat na tanong niya dito.

Tumango lang si King at hindi na nagsalita. Ang akala ko ay hindi papayag si George pero nagulat ako ng pumalakpak siya. "Wow. Boyfriend duties." Aniya.

Tinusok niya pa ako sa tagiliran kaya napaigtad ako. "Georgina!" Gulat na sabi ko sa ginawa niya, tumawa lang siya at kinindatan ako.

Nagpaalam na kami kanila Daddy at nagpunta na kami sa sasakyan ni King. Naunang pumasok si George sa passenger seat kaya naman susunod din sana ako sakanya pero pinigilan ako ni King.

"Im not your driver. Stay here." Aniya at binukas ang pintuan ng shotgun seat.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon