Belated Happy Birthday Kapitana Bea. Hindi kasi umabot sa birthday ang update. Sana ay mas makita pa kitang maglaro sa susunod na conference ng PVL. Bihira ka na lang kasi ginamit nung nakaraan. Ganda din kasi ng nilaro ni Maddie at Nunag.
Pero mas umaasa ako na sana ay magkaroon pa ng opportunity na makapaglaro kayo together ni Jia. Would be happy to see the JiBea connection once again.
Hay, kelan kaya ulit mangyayari yun? Sana man lang bago sila magretire sa paglalaro, makita ko sila live na naglalaro na magkasama sa isang team.
Ano kaya ang mahiwagang announcement about kay Jia? Sana naman ay magandang balita. Madami kasi haka haka sa.social media eh. Hehehehe
God bless sa Choco Mucho sa sinalihan nilang league, maganda at may exposure sila sa international games. Mas lalo pa gaganda ang chemistry nila at mas mahahasa pa ang galing nila. Good for their team. Hoping na mas makakalaro na rin si Bea.
Sana kapag mga walang ganap sa PVL, sumasali ang ibang teams sa mga league sa ibang bansa. It will be good for all the players.
Sa national team kasi hindi ko alam kung ano ang trip nila eh. Taon taon bago ang line up. As a volleyball fan, nakakafrustrate. Sayang at ang gagaling pa ng mga bata ngayon at ang tatangkad. Then, yung mga seniors ay magagaling din.
Just imagine sana kung nagsabay yung mga bagong sibol na players ngayon na matatangkad gaya nina Solomon, Nisperos, Belen at iba pa. Tapos senior na sina Jaja Santiago, Alyssa tapos Jia and Kim Fajardo. May libero ka pa na Arado and Macandili. Marami din na magagaling na spiker sa seniors.
Sana nga yung mga college players na kinuha ngayon, sila pa rin sa mga susunod para mahasa na magkakasama sila. Kung ganyan na talaga ang plan nila na mga bata na. Pero syempre, depende sa nakaupo. Depende sa ihip ng hangin. Still, hoping sa mix ng mga bata at seniors sa national team.
-------------------------------------------------------
JIA POVJIA: "Okay ka lang?"
Tanong ko sa kanya, nakabusangot kasi siya.
BEA: "Hindi naman sila mabuting friend. Bakit hindi sila dadalaw?"
Maktol niya.
JIA: "Baka busy kasi sila. Alam mo naman na may training pa sila kanina. Baka napagod din."
BEA: "Huwag na sila pupunta dito kahit kelan."
Haba ng nguso. Nagawa pa talaga niyang magtampo. Gusto niya kasi dalawin siya. Feeling paimportante na naman.
JIA: "Huwag ka ngang ganyan. Kapag hindi sila busy, dinadalaw ka naman nila dito. Kayo ni baby Zia, dinadalaw naman nila kayo."
BEA: "Dapat punta sila kasi may sakit kami."
Pagpapatuloy niya. Makasabi ng may sakit eh magaling naman na siya.
JIA: "Mukhang okay ka naman na. Wala ka naman ng sakit."
BEA: "Eh paano si baby Zia? Bakit ayaw nila dalaw?"
Dinamay pa ang anak. Siya lang naman ang may gusto na dumalaw.
JIA: "Hindi kita masasagot sa bagay na yan. Basta ang alam ko lang, busy sila or baka pagod sila kaya nagpahinga na lang siguro."
BEA: "Ayaw ko na silang friend."
Napakamot na lang ako sa ulo. Feeling niya sobrang close na siya sa teammates ko. Makapagsabi ng friend, wagas. Assumerang alien.
JIA: "Ayan subo na lang kita. Huli na yan ah."
Napakunot naman ang noo niya. Gusto pa kasi niya kumain. Kaya lang ay nakarami na siya ng ice cream.
BEA: "Bakit huli na?"
YOU ARE READING
FALLEN
FanfictionRead the first parts (1 to 31) of the story from the account haikyuseigaku.