Prologue

17 1 0
                                    

Umuulan na naman.

Lagi akong napupuno ng pagkabalisa sa tuwing nagsisimula ang panahon ng tag-ulan. Kaba ang dumadapo sa akin tuwing naririnig ko ang tunog ng mga pumapatak na mga tubig sa bubong namin. Ang libu-libong patak ng ulan na bumubuhos mula sa kulay-abo na kalangitan.

Palagi kong kailangan ihanda ang sarili ko kung sakaling tumaas na naman ang tubig sa malapit na ilog.

Buong buhay ko, dumadaan ang pamilya ko sa maraming bagyong tumatama sa Pilipinas, mula Ondoy hanggang sa Ulysses. Ilang beses man namin maranasan 'to, hindi kami nasasanay sa pagod at takot na dinadala nito.

Minsan talaga malupit ang buhay sa atin, normal 'yan. Ang mga paghihirap sa buhay ay hindi maiiwasan. Pero malalampasan natin ang bawat pagsubok ito at magpapatuloy.

Ang lahat ng bagyo na dumadaan sa buhay natin ay titila rin.

Sa kaso ko, may bagyo pa rin na patuloy na bumubuhos sa buhay ko.


Caught up in Your StormWhere stories live. Discover now