Chapter 01

4 0 0
                                    

Wala akong ibang maisip na gagawin so I texted Alice and asked her to fetch me here since hindi ako nagdala ng kotse out of excitement.

Ilang minuto lang rin naman ang lumipas at nandito na siya.

"Thanks Lice." I said in a tired voice na para bang pagod na pagod ako, e miski ang interview ay hindi ako pinagod.
Maybe because of that awkward scene and of course 'yung paghabol ko kay Vaugn...I mean Mr. Watson.

We're not close so I won't call him by his first name.

"No problem. How's the interview? I bet ten bucks, you passed!" Malapad ang ngiti niya.

Tss. If she only knew about how the interview went.

Eh 'yun 'yung trabahong pinapangarap ng lahat! May sweldo pero walang ginagawa.

But I am not that thick face kind of person. Kahit pa yatang sabihin mismo ng CEO na 'wag na akong pumasok o pumasok ako kahit kailan ko gusto, e hindi ko padin siya susundin. Nakakahiya naman 'yun masyado and it will be unfair to other employees.

I took a deep breath and put my whole weight on the chair.

"I passed! Though it's not surprising para sa'yo."

She smiled and we both agreed to stop by the restaurant.

We should celebrate this achievement, she said.

Hindi na ako umangal since hindi ako nag breakfast bago umalis kanina and that's when I realized kaya pala kanina pa kumakalam ang sikmura ko, kasi hindi ako nag almusal.

"Good morning ma'am!" Bati ng guard sa'min.

Nginitian namin siya saka naghanap ng table.

Nang makahanap ay agad lumapit ang waiter sa'min.

"Good morning ma'am, here's the menu po."

Pagkatapos niyang ibigay sa'min ang menu ay bumalik naman siya para maghatid ng tubig.

"Thank you." I said

It's a fine dining restaurant and I know CEO's eat here. Kaya hindi na ako nagtaka ng makita ko si Mr. Watson sa isang table kaharap ang mga mamayayaman ring tao.

Nag order na kami at agad nilantakan ang pagkain.

"So... how's your day Van?"

Napatingin ako kay Alice saka binigyan siya ng malapad na ngiti.

"Okay naman. It's not what I expected pero wala namang problema." I assure her

"That's good. Kung bakit ba naman kasi gusto pang magtrabaho?"

I know what she meant kaya inilingan ko nalang siya.

"How are you and Stan, by the way?"

"He's in condo. Iniwan ko dun. Gusto ngang sumama kaso hindi ako pumayag. Masyado siyang clingy at baka dumabog kalang if you saw us."

Tumawa kami kasi toto 'yung sinabi niya.  Stan is very clingy na kahit nasa ng pamilya ni Alice ay parang agas na nakapulupot.

"Kaya ko namang mag adjust no! And besides, I know you missed each other so bad kasi halos tatlong buwan din siya sa Singapore."

I can adjust for them. I'm trying and I'll try... I'm adjusting because I'm not used na may boyfriend na si Alice. We've been friends since grade eight until now, we're 22 kaya malaking adjustment ang ginagawa ko kasi nahati na ang oras niya and I understand it.

After we eat umuwi na kami at nadatnan namin si Stan na prenteng nakaupo habang nanonood ng The Walking Dead.

"Hey!" Bati niya sa'min. Tumango lang ako sa kanya saka humalik naman si Alice. That's what I'm talking about! Ang pag ki-kiss nila sa harap ko! Hayss...

          

"Balita ko nag apply ka raw? Natanggap ka ba?"

"Yes, Stan."

"Saang kompanya?"

"Sa W-" pinutol ko ang sasabihin ni Alice.

"None of your Biz. Bro!"

Tiningnan ko si Alice saka kinindatan. She know what I meant for that blink. Ayaw kong may makakaalam sa mga ginagawa ko.

"Bihis lang ako." Paalam ko sa dalawa

Pagkatapos kong maghihis ay naabutan ko ang dalawa sa kusina.

"Stan! Behave yourself pwede ba? Wala ka sa condo mo!" Sigaw ni Alice.

"Pwede naman kitang itira sa condo ki if you want." Si Stan na may nakakalokong ngiti kaya nakatanggap siya ng batok kay Alice.

"Ayokoooooooo nga!!!! Sa manyak mong yan? Baka nabuntis ako kinaumagahan!"

"Ano? Hoy babae hindi ako manyakis no! At saka ihaharap kita sa altar na birhen!"

"Birhen mo muka mo!"

"Ingay niyo. Stan lumayas ka na nga. Para kang walang trabaho ahh." Singit ko sa usapan nila kasi naki-cringe na ako! Tumatayo na lahat ng balahibo  sa katawan ko

"Van? Kanina ka pa?" Nahihiyang tanong ni Alice. Hanggang ngayon ay nahihiya padin samantalang ilang beses ko na silang naabutan na ganito. Minsan ay naghahalikan pa aba!

"Yeah ...narinig ko lahat e."

"Babalik nalang ako mamayang dinner. Anong gusto niyo?"

"Gagastos ka pa! Napaka gastador mo talaga! Magluluto nalang kami. Bumalik ka kung gusto mo." Sabi ko bago lumabas si Stan.

Pagkaalis ni Stan ay nagtawahan kami ni Alice. Para kaming mga tanga.

Kinabukasan naman ay maaga akong nagising dahil may trabaho ako. Kahit pa sabihin sakin na huwang ng pumasok ay papasok parin ako dahil ayokong mag isa sa condo. Alice is workings too. Natanggap siya sa kompanya ni Stan.

Dito rin natulog si Stan. Ayoko sa ganun but I trust Alice. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala kay Stan pero...babae kami ni Alice, mahirap na.

Pagkarating ko sa company ay nagtanong agad ako sa information desk dahil hindi ko naman alam kung saang floor ang office ni Vau- I mean Mr. Watson.

"30th floor ma'am. Ikaw po ba ang secretary niya?" Tumango ako saka binigyan niya ako ng ID.

Vanessa Ellaine Ley Cruz
      Secretary

Bakit may third name ko pa? Ang haba naman.

"Thank you"

Naglakad ako papalapit sa elevator pero sira yata.

Wtf! Don't tell me mag hahagdan ako papuntang 30th floor? Oh god!  I guess yes.

Nagsimula akong umakyat at hindi paman ako nangangalahati ay tagaktak na ang pawis ko. Kahit yata wala akong putok ay mangangamoy ako dahil sa pawis.

Halos laglag ang dila ko ng marating ko ang 30th floor.
Nag iisa lang ang kwarto doon kaya nasisiguro kong iyon na ang office ni Mr. Watson.

Gusto ko ng umupo kaya kumatok agad ako at binuksan ang pinto.

Parang lahat ng pagod ko ay nawala kasabay ng dugo sa katawan ko.

Mr. Watson's butt is facing me and there's a woman's leg on his shoulder.

"Oh shit; I'm sorry." Sabi ko saka mabilis na lumabas ng kwarto.

What did I just witnessed? O my god! Lupa kainin mo ako ..... Gusto ko ng umalis sa floor na iyon ang kaso ay sobrang pagod ko pa at hindi pa kaya ng paa ko ang humakbang.

Is this the reason why under maintenance ang elevator? Para walang maka akyat dito? What the hell!!!!

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at agad akong kinabahan. Yumuko ako at nakita ko ang pulang takong ng babae.

"I'm sorry po." Sabi ko pero nakayuko parin. Hindi ko kayang tumingin sa kanya o sa kanila.

"Pshh! You ruined my day!" Nilagpasan niya ako saka dumiretso sa elevator. Bumukas iyon at pumasok siya.

So tama ako? Intentionally ang pag under maintenance ng elevator? Putangina! Sana pala naghintay nalang ako sa lobby o kaya ay nagtanong.

May tumikhim sa likuran ko at panibagong kaba na naman ang naramdaman ko.

Alam kong si Mr. Watson siya kaya mas lalo akong kinabahan.

"How's my butt?"

Seriously? Itatanong niya sakin yan?

"Hey! I'm asking here."

"Stop asking and I'm not interested! Alam mo bang nakakapagod umakayat ng hagdan! Halos lumabas lahat ng ugat sa katawan ko na tapos 'yun ang maabutan ko?!" Inis kong sabi.

"Ayy sorry na carried away lang sir." Sabi ko ng narealize na boss ko pala siya. Tanginang boss 'to!

Humalakhak siya ng pagka lakas lakas o baka nag echo lang.

FUEL AND FIRE Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt