021
Halos hindi ako mapakali dahil kay Jin Ichijo na sobrang misteryoso ng mga kinikilos. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko mahinuha ang mga sinasabi niya. Fine, gusto ko ang pagiging suportado niya sa akin pero kung sa'yo niya ialok ang support niya, kahit na gusto mo, kahit na tanggapin mo, makakaramdam ka pa rin ng mali. May hindi tama sa kinikilos at mga sinasabi ni Jin. Parang ginagawa niya lang iyon dahil may nagawa siyang hindi maganda sa akin. Parang bumabawi siya. Pero kahit anong isip ko, wala akong maalalang ginawa niyang nakasama sa akin. Hindi kami ganoon ka-close at hindi kami sobrang magkakilala. Wala pa ngang isang buwan nang makilala ko siya.
Bakit ganito na lang siya kung kumilos sa akin? Alam niyang nagkasala kami ni Ethan kay Cass, sa batas, at sa Diyos, pero ni hindi man lang siya nagpakita ng galit nang malaman niya iyon. Kapamilya niya si Cass. Pamangkin niya iyon kahit hindi niya kadugo. Pero bakit wala siyang ginawang pagtatanggol o ano pa man dito? Mas nakaramdam pa ako ng konting galit nang malaman niyang hindi gumamit ng condom si Ethan at sa posibilidad na mabuntis ako. At ang isa pa, alam niya na ang nangyari sa amin ni Ethan bago pa lang niya makita ang dugo at underwears ko. Sinabi kaya ni Ethan?
Pinunasan ko ang pawis sa aking noo. Mas lalo atang tumataas ang lagnat ko sa kakaisip. Dapat siguro ay tanungin ko na lang si Jin. He's too mysterious and dangerous. I don't know his true motives. Why is he being like this?
I couldn't sort out my thoughts about Jin so I decided to take a nap again.
"Bakit siya nagkasakit? Grabe, nandito tayo para magbakasyon at magsaya tapos magkakasakit pa siya." Naalimpungatan ako sa malakas na boses ni Estella.
"Shh.. 'Yong boses mo nga, Estella," mahina pero may awtoridad na wika ni Cass.
Gusto kong idilat ang mga mata ko sa ingay na naririnig ko pero pinangunahan ako ng kaba. Napamura ako sa isip ko dahil sa boses na iyon. Nandito si Cass sa kwarto ko!
Pahapyaw kong dinilat ang mata ko at ang una kong nadatnan ay si Ethan na nakasandal sa pader at tinatanaw ako. Umangat ang labi niya nang makitang gising na ako. Napansin ata ni Cass 'yon kaya nilapitan niya ko.
"Akiko!" Umupo siya sa kama. "Ano? Kumusta pakiramdam mo? Masakit pa ba?"
Umiling ako sakanya. Masakit pa ang ulo ko at ang buong katawan ko pero ayoko iyon sabihin. At ano? Masakit pa ba? Goodness, yes! My lower part is still sore.
Nanuyo ang lalamunan ko sa huling tanong ni Cass. Anong ibig sabihin niyang masakit pa ba? Tama ba ako ng hinala o sadyang paranoid lang ako dahil nakagawa ako ng kasalanan sakanya? Teka... ang ibig sabihin ba niya sa tanong na 'yon ay kung masakit pa iyong lower part ko dahil first time ko o 'yong tinutukoy niya eh iyong sakit ko? Darn! I don't know!
Balisa akong napasulyap sa nakasandal na si Ethan. Kumunot ang noo ko nang mapansing putok ang labi niya. He muttered the word eat to me and pointed the food on my bedside table. Nanatili ang titig ko sa labi niya. Tinakpan niya iyon ng kamay niya. Nagtatanong ang mga mata ko habang tinitignan siya.
BINABASA MO ANG
Save Me, Death
RomanceNepomuceno Siblings #1 Si Akiko Nepomuceno ay isang babaeng nakaranas ng akala niyang 'happily ever after' na. Akala niya panghabang buhay na ang kasiyahang natatamo niya ngunit hindi niya inakala na magagawa sakanya iyon ng taong akala niya ay ma...