Kabanata 29

402 23 1
                                    

Hold 

Binati ko ang mga nakakasalubong kong nurse ganon na rin ang mga pasyente na naging pamilyar na sa akin nang muli kong mabisita ang Sacred Heart Asylum.

Nakangiti man sila sa akin may bahid nang pagtataka ang kanilang mga mata. Kung dati kasi mag isa lang ako tuwing dumadalaw, ngayon meron na akong kasama. 

"Kinakabahan ako, Valir."

Nasa garden na kami nang magsalita si Vale.

"Pero…kailangan ko tumuloy, tama?"

Inilingan ko sya, "You don't need to."

Nag aaalinlangan nya akong tiningnan, "But were already here…"

Bumuntong hininga ako, "Vale, all of this will be nonsense kung 'di ka sigurado o kumportable. Makikipagkita ka kay Tita Alyana? Okay, tumuloy ka pero 'di dahil sa kailangan mo, tumuloy ka dahil gusto mo."

"Kung maisipan ko mag back out, madidismaya ka ba?" 

Pinisil ko ang kanyang kamay, "I will not think any less of you if you decide it will be too hard and you need more time. I'm on your team, remember? Ano man ang maging desisyon mo, susuportahan kita."

Hindi na umimik si Vale pero tinanaw nya ang table kung saan nakapwesto si Tita Alyana.

Nang sabihin nya sa akin na makikipagkita na sya sa kanyang ina, sobra akong natuwa dahil ako ang nakakaalam kung gaano nila kamiss ang isa't isa. 

Sa lumipas kasi na mga linggo ginawa nila akong messenger para makapagkamustahan. Naging labasan din nila ako ng saloobin, at habang  naa-appreciate ko yon dahil pinagkakatiwala nila sa akin ang kanilang vulnerability, emotionally draining sya na misan damdamin ko na yung sumusuko. 

Kaya masaya ako na nag desisyon na si Vale na kitain yung Mama nya. Pero no pressure, guilt tripping or whatsoever, kung maisipan nyang umatras, malulungkot ako ng slight pero walang pilitan na magaganap. 

Hindi ko rin kailangan problemahin na baka masaktan si Tita Alyana sa pag atras ni Vale. Wala naman kasi syang alam sa dapat na mangyayare ngayon, at sinadya kong 'di magbanggit sa kanya, para kung sakali na umiba ang ihip ng hangin, 'di sya maapektuhan. 

"What now?" tanong ko kay Vale.

"Pupuntahan ko na si Mama."

Napangiti ako, "Aantayin kita dito."

Tumango sya, "O-okay…"

"Saka Vale?"

Napahinto sya sa paglalakad para ako'y lingunin, "Ano?"  

"I'm proud of you.'' 

Ngumiti sya pabalik bago nya tinuloy ang pag lapit kay Tita Alyana. 

Likod lang ni Tita yung nakikita ko, nakatalikod kasi sya sa akin pero nang maupo si Vale sa kanyang harap, galaw palang ng balikat nya alam ko agad na sya ay nasupresa. 

Tumayo si Tita, agad syang umamba ng yakap at habang nakakanyerbos yon sa parte ni Vale sa puntong tumingin sya sa akin na animo'y humihingi ng tulong, sandali lang lumambot rin ang kanyang ekspresyon at niyakap nya na rin pabalik ang kanyang ina.

Nakakataba sila ng puso panoorin, at kahit pa stiff ang body language ni Vale nang sila'y mag usap ni Tita Alyana, nakikita ko na ang mga pader na pinalibot nya sa kanyang sarili ay unti unti ng gumuguho. 

Zoren calling…

"Hello?" 

Nag lihis ako nang tingin nang tumawag sa akin si Kuya. 

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon