Grabeng mga titig yon. Nakakatakot ang mga madi-dilim nilang mga mata. Parang bumibigat ang pakiramdam ko kapag nararamdaman ko ang mga presensya nila.
Nakakatakot.
Maaga akong gumising. Yaya minda is preparing our breakfast. Bumaba na ako at dumaretso doon.
Mabilis lang akong kumain then umalis na ako ng bahay. Martes pa lang pala ngayon. Ang bagal naman ng araw.
"Bella, sorry na sa kahapon. Patawarin mo na ako please?" Sabi ni Jacob. Nilagpasan ko lang sya. Sumusunod lang sya sa 'kin.
"Bel naman. Hindi ko naman alam na nagtatago pala silang tatlo kahapon e." Pagpapaliwanag nya. Natawa na talaga ako. Sinamaan nya ako ng tingin.
"Sobra ka kung magpaliwanag Jake." Sabi ko sa kanya.
"Pano ba naman kasi, hindi mo ako pinapansin." Malungkot nyang sabi.
"Manahimik ka na nga lang dyan. Naiingayan ako sayo e." Sabi ko sa kanya. Kaagad naman syang tumahimik.
Narating na namin itong room namin. Hindi pa naman kami late. Ahm sakto lang.
Pumunta na ako doon sa upuan ko. Meron na rin yung adviser namin.
"Papalitan na natin ang seating arrangement nyo." Sabi nya.
What? Papalitan? Much better!
"Miss Ramos, dito ka sa harap." Sabi nung adviser namin. Kaagad ko namang kinuha yung bag ko at pumunta doon.
Yes! Sa wakas hindi ko na katabi yung mokong na yon.
"Jacob dito ka sa tabi ni bella umupo." Sabi nung adviser namin.
Si Jacob ang katabi ko?
Pumunta na sya dito sa tabi ko. Ang lawak ng ngiti ng mokong na to a.
In-arrange na rin nung adviser namin yung iba pa naming kaklase. Hindi ko na pinansin yung mga weirdo naming kaklase.
"Sa wakas, nakahinga rin ako ng maayos." Saad ni Jacob.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"Para kasi akong nasasakal sa katabi ko e. Buti na lang pinalitan yung sitting arrangement natin." Saad nya. Pareho lang pala kami.
Parang nasasakal din ako sa katabi ko e. Kaya mabuti na lang talaga at pinalitan na yung sitting arrangement namin.
Nagsimula na yung klase. Ang first period namin ngayon ay math. Ang boring ng klase namin. Nakakawalang ganang mag-aral.
Nabo-bored ako sa klase kaya natulog na lang ako habang nagdi-discuss yung subject teacher namin sa harap.
Bigla akong nagising. Tumambad sakin si Jacob. Nakaharap sya sa 'kin. Natutulog lang din sya.
Umupo ako ng maayos. Wala ng mga estudyante? Nagpalingon lingon ako sa paligid. Yung magkakapatid na lang ang nandito na kasama namin ni Jacob.
Bakit hindi pa sila umaalis? Tumingin ako kila Mary. Kaya naman pala hindi pa sila umaalis ay dahil natutulog pa yung tatlo e.
Tumayo ako sa upuan ko tsaka lumabas ng room. Hindi na ako napansin nung mga wirdong lalaki na lumabas ng room.
Kumuha ako ng maiinom dito sa refrigerator. Malaki itong ref nila dito. At hindi kagaya ng ref na nasa bahay ang ref nila. Glass yung open-an nitong ref nila e.
Binuksan ko iyong kinuha ko na fruit juice at uminom doon. Uhaw na uhaw ako.
Pagkalingon ko ay nagulat ako. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.