Chapter 16- Little Sister

0 0 0
                                    

This is it pancit! It finally happened again, i finally know again how it feels to win a game. Yes, nanalo ang Birdies nyo. Umabot kami ng set 3 at ang last score ay 20-25, buti na lang at hindi na nila nahabol ang score namin.

Nagsigawan at naghigh five kaming birdies sa gitna. "Waaaaahhhhhh!"

Birdies! Birdies! Birdies!

Fly high birds!!

Galing nyo!!

Omsim lalo na ung libero, penge nga akong isda isda!!

Bumaba ng bleachers ang mga kaibigan ko at lumapit sa akin. "Congrats Jade!" Sabay-sabay nilang bati sa akin. Niyakap ako nila Gera, Krishna, at Alaina. Pagkahiwalay ng yakap nila sa akin ay nakita ko si Zach at James na magkatabi at nakangiti sa akin.

"Congrats Jade! I really know that you can do it!" Nakangiting bati sa akin ni James.

"Thank you! I told you, im not distracted" Mayabang kong sagot sa kanya at pareho kaming natawa.

Lumapit sa akin si Zach at ibinuka ang mga braso na parang humihingi ng yakap. Ngumiti ako sa kanya at niyakap sya.

"Sorry....." Mahinang bulong nya sa akin.

Tumingala ako at tinignan sya "my pride wins" i said and we both laughed.

"See you later!"

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. "About that, im not sure. Birthday rin ng stepsister ko ngayon but don't worry sa Lipa rin naman gaganapin, susunod na lang ako."

"Hmmmm" nakangusong sabi nya

"Arte mo!" Asar sa kanya ni Alaina.

"Im not talking to you!" Galit na sagot nito kay Alaina.

"What was that for?" Tanong ko sa kanya at ginaya ko ang pagnguso nya.

"Ikaw kasi eh, tinatanong lang naman kita kung bakit merong-" tinaasan ko sya ng kilay at buti na lang nagets nya ako. "Kung bakit merong itlog sa kwarto mo WAHAHAHAHAHAHAHA"

"What?! Itlog sa kwarto mo, Jade?" Nagulat na tanong ni Krishna at Alaina.

"I'm just joking" sambit ni Zach kila Krishna at Alaina.

Dumaan si Ace sa harap namin kasama ang ex girlfriend nyang pilay. Lumingon sya sa amin pero hindi sya tumigil sandali at batiin man lang ako.

"Una na kami ni Gera ha." Nakangiting sabi ko sa kanila at hinatak si Gera palabas ng gymnasium. Naglakad kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa labas ng school.

"Tagal naman ng driver nyo, ang init dito." Reklamo ni Gera habang nagiintay kami sa labas.

"Parating na siguro yon." Sagot ko sa kanya at sakto dahil nahagip na ng mga mata ko ang sasakyan namin "ayan na oh!" Tumigil ang sasakyan namin sa harap ko at sumakay kaming dalawa.

"What time is it? Lowbatt kasi ako." Tanong ni Gera sa akin at tinignan ko ang oras sa cellphone ko.

"It's 1:30pm."

"Aga natapos."

"Hanggang set 2 lang ang unang teams e"

"Nga pala, how are you? Aren't you feel tired or anything?" Nagsimula syang magalala.

Hidden Personality of the President Where stories live. Discover now