Chapter 40

24.1K 287 14
                                    


"Yiem." Pinisil ko ang kanyang kamay. Marahan naman siyang natawa.

Kinakabahan kasi ako. Hindi ko maiwasan. Napapa-overthink pa ako na baka sampal ang bumungad sa aki  mula kay Tita Fely. Alam ko kasing may  pagkamaldita ito kaya hindi ko maiwasan na makaramdam nang kaba.

"Honey, kalma. Kasama mo naman ako. Nanginginig ang kamay mo," he said softly.

"Kinakabahan ako, e. Anong magagawa mo? Mamaya sampalin niya ako bigla." Napatawa siya sa sinabi ko.

I glared at him pero ninakawan niya lang ako nang halik sa labi.

"Hindi naman nanampal basta si  mommy. Relax. I got you," he said nad winked at me. Napairap na lang ako.

"Kapag talaga. Ikaw ang masasampal ko," I said to him. He just chuckled.

Hinawakan niya na ako sa baywang at sabay kaming pumasok sa mansyon nang kanyang mga magulang. Grabe pa rin ang kabang nararamdaman ko.

Si Tita Fely na kasi ang makakaharap ko ulit. Kahit na maldita ako ay talo pa din ako pagdating kay Tita Fely dahil iba pa rin ang malditang mayroon siya base sa mga kuwento niya sa akin noon.

"Good afternoon po," magalang na bati ko agad.

Agad nag-angat nang tingin sa akin si Tita Fely. Napangiti siya nang makita ako.

"Good afternoon, Iha. Have a sit," mahinhin na aniya.

Agad namang akong pinanghila nang upuan ni Yiem bago siya umupo malapit lang sa tabi ko.

"Kumusta na, Iha? Ang tagal mong nawala kaya itong si Yiem ay halos magpakamatay na," saad ni Tita Fely na pagak na natawa.

"Mom!" Saway ni Yiem pero tinawanan lang siya ng kanyang ina.

"Oh bakit? Totoo naman. Nasa hospital kami ng daddy niya tapos pumunta roon na umiiyak at sumisigaw na iniwan daw siya nang babaeng mahal niya," kuwento pa ni tita.

Napalingon ako kay Yiem na ang tainga ay namumula. At kapag gano'n ay alam kong nahihiya siya.

"Mommy naman... H'wag mo nang ikuwento kay Lexia. Baka pagtawanan niya ako." Saway ni Yiem sa ina ngunit ang boses ay malambing.

Napakalambing talaga hindi lang sa akin kundi maging sa kanyang ina.

"Why, anak? Mas mabuti nang malaman ni Lexia para malaman ko ang reaksyon niya," mahinahon na saad ni tita.

Kung iba siguro ang makakarinig nang sinabi niya ay baka maging iba ang dating nito sa kanila. Pero sa akin ay natuwa pa ako dahil alam kong inaasar niya lamang si Yiem na naasar naman.

"Sigaw 'yan nang sigaw iha nang iniwan mo raw siya. Ano daw ba ang nagawa niyang mali para iwanan mo siya. Kung nasasakal ka ba sa kanya. Marami siyang sinabi habang umiiyak. Akala nga namin nababaliw na," saad naman ni Tito Yieler na napailing pagkatapos. Natawa naman si Tita Fely nang pagak.

I juct chuckled a bit too. Naiimagine ko na agad ang itsura ni Yiem pero nakaramdam ako nang sakit sa dibdib dahil alam kong masakit sa kanya ang mga sinabi niya sa kanyang mga magulang habang umiiyak.

Alam kong iniisip niya na kung ano bang klaseng boyfriend siya kung bakit ko siya iniwan. Knowing him. Kilalang kilala ko na siya. Likod pa nga lang niya ay kilala ko na. Buong pagkatao niya ay kilala ko na. Halos alam ko na lahat about sa kanya maging sa bawat kilos niya.

Kabisado ko na siya.

"Mabuti naman at bumalik ka sa kanya. Magpapakamatay na ata 'yan," ani na naman ni tita.

Napainom na lamang si Yiem. Alam niyang hindi niya mapipigilan ang kanyang ina sa pagku-kuwento.

"Aminado naman ako, Honey. Umiyak talaga ako at nagsisigaw sa hospital," ani ni Yiem para mapatawa ang kanyang mga magulang nang pagak.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now