CHAPTER 8

32 2 0
                                    

Chapter 8: Spy

Sa maikling panahon na nakasama ko si mommy, hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa akin na huwag akong gagawa ng ilegal na bagay. Bukod sa mapapahamak ako, masisira rin ang iniingatang pangalan ni dad sa politika.

Dapat daw maging katulad ako ni dad. Sumusunod sa batas at umiiwas sa ilegal na gawain. Dahil kapag sinubukan kong sumuway sa batas, sila mismong dalawa ni dad ang magpapakulong sa akin.

Itinatak ko iyon sa isip ko. At kahit wala na si mommy, hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangaral niya. Dahil ayaw kong ipakulong ako mismo ng magulang ko. At mas lalong, ayaw kong biguin si mommy.

“She’s really part of our group—”

“Liar! You’re such a liar, Billy!” I shouted. “Bakit ka gumagawa ng kuwento? Bakit mo ako sinisiraan?”

My eyes were clouded with tears. Sobrang sama ng loob ko ngayon. Is this my karma? Masiyado akong nagtiwala at hindi ako nag-ingat kaya napahamak ako ngayon.

Ano nang gagawin ko? Paano kung maniwala sila kay Billy? Wala akong ibang testigo at alam ko ring hindi ako papanigan ng madrasta ko.

“Elli, huwag ka nang magsinungaling. Umamin na lang tayo para mas bumaba ang parusa natin—”

“No! I’m not a member of your group! I never did everything you said! Ikaw ang nagsisinungaling dito, Billy!”

“Miss Delara, calm down. Pag-usapan natin ito nang maayos. Kumalma ka muna,” sabi ng counselor. “Kailangan nating idaan ito sa maayos na paraan. Kung sinasabi mo, Miss Delara, na hindi ka nila kasama sa grupo, kailangan nang matibay na ebidensya at kung maaari ay testigo.”

Napahikbi ako. Gusto ko na lang maglaho dito sa kinauupuan ko. Gusto ko nang umalis dito. Pagkakaisahan lang nila ako. Hindi sila maniniwala sa akin. Walang gustong maniwala sa akin. 

“She’s telling the truth.”

Lahat kami ay napalingon sa pumasok at nakita ko si Zaijan. Seryoso siyang nakatingin sa counselor bago siya lumapit at iniabot ang hawak niyang papel.

“We have the list of their group since last week. Kailangan lang naming humanap ng ebidensya para mapatunayang sila nga ang nagpupuslit ng drugs dito. At wala sa listahan si Miss Delara.”

I can’t believe this. He’s really here...to save me.

“Of course. Alam kong mangyayari ‘to,” sabad ni Billy. “Close kayong dalawa kaya ililigtas mo siya, ‘di ba?”

Ayaw niya talagang tumigil? Gusto niya ba talaga akong maparusahan kahit wala naman akong kasalanan?

“You’re right, Mr. Francisco. Close nga kami ni Miss Delara. That’s why, when I found out that you two are dating, I immediately asked her to be my spy. Kaya siya nandoon sa hideout ninyo dahil inutusan ko siyang manmanan ang bawat kilos mo. Too bad, my spy got hurt,” Zaijan said before looking at me.

A tear fell from my eye. He’s lying just to save me. At kapag nalaman nilang hindi totoo ang mga sinabi niya, baka mapahamak siya.

“Is that the truth, Mr. Castillo? Although, they will still undergo through a drug test, mahalaga pa rin ang sasabihin mo dahil ikaw ang nanguna sa panghuhuli sa mga estudyanteng ‘to.”

“I’m telling the truth, ma’am.”

Marami pang sinabi ang guidance counselor pero wala na akong maintindihan. Nakahinga na ako nang maluwag dahil naniwala siya kay Zaijan. At kung magpapa-drug test kami, handa akong gawin ‘yon.

Nauna na kaming pinalabas ng step-mother ko. Tahimik lang siya pero alam kong marami siyang gustong sabihin.

“Kailan mo ba balak ayusin ang buhay mo? Kung saan-saang eskandalo ka na lang nasasangkot. Paano kung nakalabas ito sa media? Ano nang mangyayari sa reputasyon ng pamilya natin? Ang daddy mo, mahihirapan siyang ipanalo ang susunod na eleksyon kapag nagpatuloy ka sa pagsira sa pangalan niya.”

The Billionaire's Love Affair Series: President's Irresistible AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon