CHAPTER 16: COMEBACK

6 0 0
                                    

Franz's POV

Monday, A typical, annoying starter of the week. Minsan nakakatamad na ngang pumasok eh, pero sabi nga it's for our better future. Pero kase naman eh! pwedeng tuesday agad? pwede? chaar lang. I better get going, baka malate na naman ako, nakooooo~ patay ako neto kay Miss Makadada. Ayoko nang makarinig pa ng sermon dun! haha

"Franz!" Oh bat si mama nakasigaw? agang aga eh nagsusumigaw na naman sa baba. Better go down, Ang ingay na naman nun eh

"Oh ma bakit?" Parang wala lang yung pagsigaw nya kanina ah. Magaling na nanay.

"Si Vaughn, nasa labas. Yiiiie~ anak ha! ikaw ha! ang haba ng buhok mo abot edsa. HAHAHAHAHA!" nakooooo ang mama.

"Ma naman! ayan ka na naman eh! mang asar ka pa tsaka hello! susunduin lang humaba agad buhok?" And there She's making face. Hahaha, dun ko sya minsan natatalo sa barahan eh.

"Oh sya ma, Im going, bye!*kiss sa pisngi*"

Naabutan ko si Vaughn sa Labas na nakasandal sa kotse nya, may kotse pang nalalaman eh ang lapit lang ng school saamin. pumoporma ang loko. hahahaha!

"Anong meron sayo? why're you posing like a cool guy? seriously Vaughn , hindi mo bagay, mukha kang tukmol, tsaka hoy! malapit lang po ang school, pakotse kotse ka pang nalalaman. Hahaha!" Medyo pagtataray ko sakanya. Hahaha.

"Wala naman, makahoy ka ah, hahahaha. Hindi pala bagay ah? oh sige bukas magdadala ako ng bike, mag aala stairway to heaven tayo. Hahahaha!" Minsan talaga di ko alam kung normal pa ba 'tong taong to. The fact that he's courting me, parang kaibigan parin yung dating niya. Ayaw daw niya kaseng maging awkward ang atmosphere pag kaming dalawa lang. Tsaka di sya masyadong sweet. Minsan minsan lang yan. Haha

Sumakay na ako sa kotse niya. Ilang beses na rin naman akong nakasakay dito at ang bango parin talaga. Gusto ko mang magkaroon ng sariling kotse kaso wala akong talent sa pagdadrive. Minsan narin akong tinuruan ni Vaughn kaso wala talaga eh.

"A penny for your thoughts?" Biglang sabi netong mokong na 'to.

"Iniisip ko lang kung sasagutin ba kita o hindi." Let me have some joke on you byy. Haha! I faced him with my straight look face.

"O-oy! wag kang ganyan! ang hirap kayang magconfess sa maraming tao! Princess naman. Wag kang ganyan. Pero tiwala naman akong mapapaOo kita eh. Tiwala lang :P" Hindi parin talaga to nawawalan ng positive thoughts. Hahaha. Eto yung isang nagustuhan ko sakanya eh. Siya yung Mood lifter pag wala ako sa mood.

"Hahaha! Ewan ko sayo. You're so full of yourself eh no?" May pinaglalaban naman kase ang mokong Haha.

"Syempre naman, wala ng ibang susuporta sa sarili ko edi ako nalang. Hahaha!" Nakalulon ata to ng isang stand fan eh. Medyo mahangin talaga pero atleast nasa lugar naman yung pagiging mahangin nya. Tsaka samin lang naman siya nag Gagaganyan.

Sa sobrang daldal namin, Di namin namalayang nasa school na kami. Hanggang sa pagbaba ng kotse nagdudumaldal parin tong taong kasama ko. Ako naman Oo lang ako ng Oo kase busy ako sa phone ko, tinetext ko si Mike kung nasan na siya. Sabi ko kaseng isabay na siya kaso sabi ni Vaughn ayaw ni Mike sumabay samin kaya pinabayaan nalang niya.

"Vaughn! Pahiram ngang headse-" Shit?! Bat sya nandito sa school? Bakit niya kausap si Vaughn?

"Oh Franz? ano yun? headset ba? bat ba kase iniiwan mo yung iyo? lagi mo na nga kaseng ilagay sa bag mo. Pasalamat ka lagi kong dala yung akin." Sabi niya habang hinahanap yung headset. Bat siya nandito? Bakit? Kanina pa siya nakatingin sakin. Di ko alam kung anong klaseng tingin yan. Should I feel happy? angry? because of his existence? Di ko alam. Bigla nalang ako nakaramdam ng panghihina.

"Oh eto n.. Oy princess! are you okay? is there something wrong?" Sunod sunod na tanong ni Vaughn, dahil sa bigla kong pagkapit sakanya.

"I-I'm fine. Let's go Vaughn. B-baka malate na t-tayo." Why am I stuttering? Urgh! Bat pa siya bumalik?!

"Okay? Nako nanjan ka pa pala pare. Sige We'll go ahead. See you around." Ako na mismong nanghila kay Vaughn. Ayoko nang makita siya. Di ko matagalan yung existence niya.

"Hey Franz, are you really sure your okay?" Vaughn again asked me. Halata mo naman sa mata niyang nag aalala siya eh.

"I'm fine :) Don't worry about me :)" I lied. Ayoko lang sabihin sakanya. Baka mamaya hanapin niya yun, Hot tempered tong si Vaughn. Kung galit siya sa tao, Icoconfront niya agad.

Hindi ako makapagfocus sa klase. Kahit anong turo ng teacher sa harap wala parin akong naiintindihan. Kanina ko pa tinitignan si Mike. Gustong gusto ko na siyang kausapin. Alam kong naguguluhan siya sakin. Bigla siyang pumilas ng papel, at nagsulat. She stopped writing and look at me intently. Binigay niya sa kaklase kong malapit sakin.

"May problema ka ba Franz?" Says in the paper.

"Usap tayo mamaya. I have something to say." Pinasa ko din sakanya yun. tinitignan lang niya ko pero tumingin nalang ako sa harap. Napansin ko ring kanina pa nakatingin si Vaughn sakin pero di ko nalang pinansin.

After 2 hours of lecture, agad agad kong pinuntahan si Mike sa may upuhan niya.

"Mike! Andito siya!" pambungad ko sakanya. Pero she just showed me a "Who's-who" look.

"(Sigh) Si Clyde. Nandito siya sa school. Di ko alam kung anong ginagawa niya dito pero nakita ko nalang kanina na kausap niya si Vaughn sa may hallway. Di ko na natanong si Vaughn kung anong pinag usapan nila. Sa sobrang taranta ko hinila ko nalang siya. Mike! Hindi 'to maganda :3 Kilala mo si Vaughn." Pabulong kong sabi kay Mike. Ayokong marinig ni Vaughn 'to. Mamaya hanapin niya pa yung Clyde na yun. It's not that I'm concern about Clyde. Ayoko lang na napapaaway si Vaughn.

"Hindi nga yan maganda Franz. Since alam ni Vaughn yung past mo, baka pag nagsalubong yung dalawa baka biglang combohin ni Vaughn yung sugapa mong ex. Kung mangyari man baka tulungan ko pa yang si Vaughn sa pagbugbog eh. Hahahaha!" Nakuha pa niyang magbiro. talaga naman tong babaeng to.

"Pero Franz, Ipagdasal nalang natin na sana di na makilala ni Vaughn tong si Clyde, para wala nang problema. At sana naman. SANA! SANA DI NA MANGGULO YANG CLYDE NA YAN! NAKOOO~ Pag yun naggulo, I'll show no Mercy. Kakalbuhin ko siya!" Sana nga talaga. Ayoko na ng may mag aaway dahil lang sakin. Sana di na to maungkat pa.

to be continued..

No Promises [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon