In To You

353 53 19
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

A time to be alarmed. 

It wasn't really me, it was the entire population of the technical support representatives on this particular floor which was divided by bays. And in this particular account was my best friend Gigi.

Mas malaki ang sakop nito kaysa sa ibang account sa floor na iyon. This one was a big whole space covering the entire three hundred fifty individual stations of the Comcast North East Division or NED account that we were catering.

Kasalukuyan akong nasa production floor dahil tinawag ako ng kaibigan ko. "Kadadating mo lang dito inabala mo na agad ako. Hindi ko naman account 'to."

Ang lakas ng tawa ng niya. Kakalipat niya lang from Riordan three weeks ago. "Hindi ko alam kung sino ang tatawagin ko, friend."

"Definitely not me. Buong system ito. IT ang kailangan mo. Ano'ng oras nagsimula 'to?"

"Mga five minutes pa lang."

"Take note of the time," sabi ko sa kanya habang hinahayon ng tingin ang buong floor. 

Nagkukuwentuhan ang mga representatives dahil walang pumapasok na tawag. It was very critical. 

Nilingon ko ang platform ng Workforce and I called one of them sa pamamagitan ng kaway. 

Ayaw kong sumigaw.

Lumapit naman agad ang isang lalaki. "Ma'am?" tanong agad nito na parang nagtatakang tinawag ko.

"Nakareport na ba ito sa US?"

Tumango ang lalaki. "Yes Ma'am."

"Gem," pagtatama ko. Ayaw ko talaga ng mina-ma'am ako.

Napakamot ang lalaki pero hindi na nagsalita. 

"Nakareport na sa IT?"

"Yes po. May padating na."

Kung hindi ma'am, po naman, kainis! Tinanguan ko na lang ang lalaki. "Thanks."

Umalis agad ito sa harap ko. Parang pasong paso.

Nasa gitna kami ng production floor dahil naroon ang table ng mga supervisors at isa doon si Gigi. May pa laptop ang kumpanya para sa mga supervisors kaya walang computer sa table na iyon, pero tatlong supervisor ang naroon checking their laptops.

Down system was as good as an outage. Walang puwedeng gawin dahil walang papasok na call pero hindi puwedeng palampasin o pabayaan, lalo ng higher management. 

We could face a penalty. 

While all the other was up and about their own businesses and stories dahil walang pumapasok na tawag at parang fiesta, ang mga managers naman ay kabado.

After three minutes about fifteen IT's came and became busy in different stations. 

One of them was on the Admin PC in the front malapit sa supervisor's table kung nasaan kami at parang tumatagaktak ang pawis samantalang ang lamig-lamig.

FOREVERMORE (ONGOING) (Brett and Gem Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon