Chapter 25

335 23 10
                                    


CHRISTIAN LAKE

KASAMA ko ang mga kaibigan kong sina Rifah, Jason at Hweb dito sa bahay. Naisipan namin mag overnight dahil wala namang pasok bukas dahil weekend na.

Pinayagan din si Rifah ng mga parents niya, kaya naman nagsayahan kami ngayon dahil matagal din namin 'tong hindi nagawa na kumpleto kami sa bahay ko at nag overnight na kami lang

Wala ang mga parents ko dahil nagbakasyon sila, celebrating their anniversary.

Nag-usap-usap kami dito sa sofa at natigil ang tawanan namin nang biglang may kumatok sa pinto. Halos manlaki ang mga mata namin habang dahan-dahan kami nagtinginan. "M-May iba ka pa bang bisita?" Mukhahg kabado na tanong ni Jason. Umiling ako. "W-Wala na, kayo lang inasahan kong pupunta dito eh." Kahit kinakabahan ay sinubukan ko pa rin kumalma.

"B-Baka multooo..." nagsigawan na kami nang sumigaw si Jason, dali-dali kaming lumapit kay Rifah at niyakap namin siya habang nanginginig kami sa takot.


"Guys kumalma nga kayo, pa'no natin malalaman kung multo o tao ba 'yan kung hindi natin titignan." Nanatiling kalmado lang si Rifah habang pailing-iling pa kaming tatlo dahil ayaw namin buksan ang pinto.

"I-Ikaw na Hweb magbukas..." tugon ko. "H-Huh? A-Anong ako? Ikaw na Jason..." pinasa niya kay Jason. "Bahala kayo dyan..." tumanggi din ito.

Dahan-dahan na inalis ni Rifah ang mga kamay namin sa kanya. "Tumigil nga kayo. Mas mabuti pa, sabay-sabay nalang tayo lumapit sa pinto." Nauna siyang tumayo, kaya kahit nakakaramdam ng takot ay dahan-dahan pa rin akong tumayo at sumunod ang dalawa.

Habang papalapit sa pinto ay pinapagitna namin ni Hweb si Jason. "I-Ikaw na magbukas..." sabi namin sa kanya. "B-Bakit ako?" Nanginig niyang tanong. "Can't you see, isang babae at dalawang bakla ang kasama mo dito, ikaw lang ang tunay na lalaki kaya ikaw na magbukas..." sagot ko.

"E-Eh bading din naman ako..." umangal pa rin siya. "Huwag ka na maraming salita, sige na buksan mo na..." tugon ni Hweb. "Sige na nga...pero kapag may mangyari sa 'kin, isasama ko talaga kayo..." halos nanginginig ang kamay ni Jason habang papalapit sa door handle.


Pinagpapawisan naman kami sa takot ni Hweb habang nanatili sa likod ni Rifah at tinitignan ang dahan-dahan na pagbukas ni Jason sa pinto. Pagbukas niya sa pinto ay agad siyang sumigaw. "Ahhhhhh!!!!" Dali-dali niya isinara ang pinto.

"A-Anong nakita mo?" Tanong ko. "H-Hindi ko alam, hindi ko nakita eh..." sinapak ni Hweb ang ulo niya sa likod. "Tanga, malamang hindi mo nakita dahil sinira mo bigla!" Mukhang inis na sabi ni Hweb.

Muli ngayon hinawakan ni Jason ang door handle. "Sama-sama na tayo sa langit..." this time ay maluwag niyang binuksan ang pinto. "Ahhh—" natigil siya sa balak niyang pagsigaw, nagtaka kami kaya dahan-dahan kami lumingon.

"S-Sam...?" Halos mahulog ang panga namin nang si Samantha lang pala ito na may hawak pa ng cake. "Hi guys..." nakangiti siyang bumati.

Nakahinga na kami ng maluwag, napahawak pa ako sa dibdib. "Jusmeyo, akala ko multo..." mahinang sabi ko.

"Kumusta kayo? It's been a long week since hindi tayo nagkita, na-miss ko kayo..." bakas ang tuwa sa mukha niya. Dali-dali siyang niyakap ni Jason. "Na-miss ka din namin..." agad akong sumali sa yakapan nila, sumunod naman si Hweb at sumali na rin si Rifah. Naging mahigpit ang yakap namin habang natatawa sa tuwa, lalo na inakala pa namin na multo si Sam lang pala.



Magkasama kami ngayon sa loob ng kwarto ko at nagusap-usap. "Welcome back Sam..." sabi ko kay Samantha na nasa tabi ko. Ngumiti naman siya. "Thank you Christian." Nilingon niya kami. "So, anong plano niyo bukas? Anong plano sa weekend?" Tanong niya.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now