Chapter Three: The Living Husband

270 7 1
                                    


A/n:

Gabi na at wala parin si Lisa. Akala ng mga magulang niya ay nauna na siya sa mansion ng mga Jeon. Sabi kasi ng mga katulong nila ay umalis na daw ang kanilang Young Master sa kanilang mansion kaya ipinagtataka nila kung bakit wala ito dito.

"Nasaan na ang inyong anak, Mrs Manoban?" Tanong ng ina ni Somi. Ang babaeng mahal ni Lisa at ang kaniyang fiancee.

"Akala namin ay nandito na siya. We're so sorry" sabi ng ina ni Lisa

Samantala, si Somi ay nakaupo lang sa kaniyang upuan na nakayuko. Iniisip nito kung bakit wala pa si Lisa. Eh kanina nga, excited pa itong makita siya. Madaming katanungan na tumatakbo sa utak niya ngunit pinilit niya lang itong isantabi. Ayaw niyang mag-isip ng masama kay Lisa. Kilala niya si Lisa, ni minsan ay di pa siya binigo, kaya ngayon ay labis ang kaniyang pag-alala at mga katanungan sa kaniyang isipan. Baka may nangyari na sa kaniya o ano.

"Baka ayaw niyang pakasalan si Somi?" Tanong ng ama ni Somi

"Mahal ni Lisa si Somi ng sobrang-sobra at saksi tayo don. Kaya walang rason upang di siya sumipot" sagot ng ina ni Lisa.

"Lumalamig na ang pagkain at gutom na ako. Unti-unti na ring lumalalim ang gabi." Seryosong sabi ng ama ni Somi. Nakaguhit sa kaniyang mukha ang pagka-inis nito.

Ramdam na ramdam ang matinding pressure na nasa loob ng hapag-kainan.

"Baka ano ng nangyari. Hanapin niyo ang anak ko" sabi ng ama ni Lisa sa kaniyang mga bodyguards. Tumayo naman ito at lumakad na.

"Dalawang araw mula ngayon ay kasal na nila. Dapat makita na si Lisa." Sabi ng ama ni Somi sabay baba sa kubyertos.

"A-akyat muna ako sa taas" biglang sabi ni Somi at tumayo na ito sa kaniyang kinauupuan at umakyat sa taas na kung saan ang silid niya.

"Nasaan ka na, Mahal ko. Sana walang nangyari sayo ng masama"

Hindi alam ni Somi kung bakit bigla nalang sumikip ang dibdib niya at labis ang kaba nito.

"Kung ayaw niyang pakasalan ang anak namin ay sabihin niya lang" may bahid na inis na sabi ng ama ni somi saka rin ito tumayo at umalis sa hapag-kainan.

Tumayo rin ang ina ni Somi at naiwan sa mesa ang ama at ina ni Lisa. Nagkatitigan ang dalawa, at kita sa mukha nila ang pag-alala sa mga mata nila.

"Tayo na Chitthip, baka bukas ay uuuwi na si Lisa" sabi ng ama ni Lisa.

Sa silid ni Somi, nakaupo lang siya sa kaniyang kama, at labis ang pag-alala sa kaniyang dibdib. Bumuntong-hininga siya at lumapit sa veranda sa loob ng silid niya. Malamig ang hangin at kita ang buwan.

"Sana nasa maayos kang kalagayan mahal ko." Sabi niya.

"Hihintayin kita. Alam ko na bukas ay nandito ka na. Sana ay ligtas ka kung nasaan ka man"

"Mahal kita Lisa. Sayo lang ako gustong magpakasal at wala ng iba pa."

*********

Lisa Pov:

Dama ko ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. May mga ilaw na nakadikit sa pader na nagsisilbing ilaw ng silid na ito. Puno ng bahay ng gagamba, sirang kurtina, at yung hinigaan ko ay kabaong na luma na.

Bigla akong napatayo at nabutas ko pa ang sahig at nabaon ang paa ko dahilan para matumba ako.

"A-aray! Yung mukha ko! Urgh!" Reklamo kong sabi at tinanggal ang paa ko sa pagkakabaon sa sahig na gawa sa kahoy na bulok na. Napaupo ako sa sahig at hinihimas-himas ang parte ng paa ko kung nasaan iyong masakit.

I Accidentally Merried A Dead Woman (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon