Kabanata 16

1.6K 97 10
                                    

🍓with🍫

Rinig ko ang mga maiingay sa classroom namin habang naglalakad ako. Malayo palang ako pero rinig na ang mga tawanan nila. Ganon kaingay ang section namin. Madalas kaming pagalitan dahil doon pero parang wala kaming narinig pagkatapos mangaral ng sumaway. Magulo. Magulo kami. Buti nalang at nagpagpapasenayahan pa rin nila ang kaingayan namin.

Nang nasa tapat na ako ng pinto. Walang lingon akong pumasok ng room. Walang pinansin sa mga kaklase kong maiingay at bumati sa'kin.

Halos dalawang linggo na ang makalipas simula nong hiniram ko ang camera niya at ginawa ang project ko. Dalawang linggo ko na rin siyang iniiwasan. Tuwing nakikita ko siya o nagkakasalubong ang landas namin ay agad na akong umiiwas. Sa tuwing kinakausap niya ako ay puro tango at iling lang ang natatanggap niyang sagot mula sa'kin. Alam kong nagtataka na rin siya sa pag-iwas ko at ang alam niyang dahilan ng pag hindi ko pag pansin sa kaniya ay 'yong biro niyang humihingi siya ng halik. Pero hindi.

Sa loob ng dalawang linggo puro pag-iwas lang ang ginagawa ko dahil tuwing nakikita at nararamdaman ko ang presensya niya, bumibilis ang tibok ng puso ko at kinakabahang gumalaw. Walang pinagbago sa nakaraan ang nararamdaman ko.

Umasa akong normal lang ang pag tibok nito dahil sa kaniya noon. Pero napagtanto kong hindi pala. Bumubilis ito kahit anong iwas ko ng landas sa kaniya at nararamdaman ang presensya niya.

Kahit gustong gusto ko siyang iwasan sa lahat ng bagay, hindi talaga umaayon sa'kin ang tadhana dahil bukod sa magkaklase kami, kagroup ko pa ito sa photography project namin.

Hindi naman ganon ka grabe ang ginawa kong mga kasalanan dati pero bakit ganito mag parusa ni lord. Tss.

Ngayon na pipili ang President ng photography club. Tatlo lang kada grupo ang kukunin na ipepresent. At buti nalang ay kasama ang kuha ko doon. Ang kay Cynthia, Pres, at sa'kin ang pinili ng grupo. I was really happy when he announced that mine is included pero hindi ko pinakita sa kanila iyon.

Sa kabilang banda, kanina ko pa inaaninag ang lalaki na namimili, pero hindi ko talaga makita dahil naka facemask ito. Sabi ni Ma'am ay Grade 12 na ito at hilig ang photography. Kaya nakuha nito ang atensyon ko. Parang gusto ko itong tanongin sa kahit anong bagay tungkol sa photography. President ito kaya ganon nalang ang hanga ko sa kaniya.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan pero ang mata at glasses niya lang makikita. Nakabonet siya at may mga kaunting Blonde na buhok ang lumalabas sa patilya niya.

May itsura siguro ito.

Nang magsawa ako sa lalaki dahil mukhan namang wala akong pag-asang makita ang mukha niya, binaling ko nalang sa mga pictures ang atensyon ko.

Nakaframe lahat ng gawa namin sa harap. Kitang kita ko mula dito sa likod ang gawa ko na natatakpan ng malaking frame ni Cynthia. Halatang sinadya niyang takpan 'yong akin nang pina-ayos sa kaniya ang lahat kanina.

May lima ng nakuha at kabilang ang kay Pres doon. Dalawa nalang ang kailangan nila. Kinakabahan ako dahil natatakpan iyong akin. Pinagbabawal na lumapit sa harap dahil patakaran niya iyon kaya hindi ko maiwasang mabahala dahil nga natatakpan ang akin.

Nasaksihan ko kung paano napangiti si Ma'am habang nakatingin sa frame ni Cynthia na napakalaki nang hawakan iyon ng President ng Photography club. I don't even know what's his name kasi nalate ako kanina dahil nag ikot-ikot ako dito sa school.

Strawberry With Chocolate (SWITS SERIES 1)Where stories live. Discover now