📜 Kabanata 23

5 1 0
                                    

📜 Kabanata 23: Assuming

"Sinudundan mo ba ako?" salitang nakapagpayanig ng mundo ko.

Alam kong nahahalata mo na ikaw ang gusto ko,
Pero ang kapal lang nang mukha mong isipin na sinundan kita rito.
Hindi naman ako isang baliw na stalker mo,
Isa lang naman akong tagahanga mo.

"Hindi" malamig na sagot ko dahil iyon naman ang totoo.

Nagulat din ako sa paraan ng pagsagot ko,
Dahil ang totoo ay nanginginig na 'ko sa bawat pagtitig mo.
Sinasabi ko lang naman sa 'yo ang totoo,
Ngunit bakit tila gugunaw ang buong mundo ko?

Ikaw ay umalis,
Naglakad nang mabilis,
At sa aking dadaanan ay lumihis.
Ako'y napabuntong hininga at sumunod na rin sa iyong pag-alis.

Isang Daang Tula Para Sa Lalaking Tulala Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon