Chapter 23

1.5K 20 0
                                    

{Chapter 23}

After 6 months...

"Saan po tayo pupunta mama?" nakangiti at masiglang tanong sa'kin ni Kalie habang inaayos ko ang damit niya.

"Mamamasyal ulit tayo baby," ani ko at pinulbuhan siya at inisprayhan ko din ng pabango.

"Your Tito Nezro will fetch us here and we'll going to go somewhere." Nakangiting wika ko habang inaayos ang suot kong damit sa harap ng salamin.

Tumawag kasi kagabi si Nezro sa'kin at namimilit na mamasyal daw kaming tatlo dahil namiss daw niya kami. Wala daw kasi siyang trabaho ngayong araw at ganoon din ako. Wala na nga pala akong trabaho ngayon dahil na din sa kagustuhan ni Nezro na patigilin ako sa pagtatrabaho at alagaan ko na lang daw si Kalie dahil siya na ang bahala sa amin.

Sobra-sobra ng hiya at utang na loob ko sa kaniya at hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang mga 'yun. Nagkikita pa din kami paminsan-minsan ni Selest and dumadalaw din siya dito sa bahay para makipag-chikahan sa'kin.

Aniya nang minsang makita niya si Kharl sa store ay agad na tinanong daw kung nasaan ako at kung ano-ano pa. Sariwa pa sa isip ko ang sinabi niya noon sakin...

"Alam mo bang pumunta sa store natin si Kharl?"

Napatitig naman ako sa kaniya.

"A-Ano daw ginagawa niya doon?"

"Hinahanap ka, kaya sabi ko tumigil ka muna sa pagtatrabaho para alagaan ang anak mo."

"Sinabi mo ba ang tungkol kay Nezro?"

"Hindi," aniya bago isubo ang chicharon.

Napapikit na lang ako nang mariin bago hinarap si Kalie.

"Are you excited anak?"

"Opo," aniya at tumango pa.

"Anak, nandito na sa baba si Nezro." rinig kong sigaw ni mama mula sa baba. Nagngitian naman kaming dalawa ng anak ko na para bang kinikilig and at the same time excited sa kung saan man kami mamamasyal.

"Sige ma. Pababa na kami."

Inabot ko ang kamay ni Kalie at sabay kaming bumaba ng hagdan.

"Apakaganda naman talaga ng apo ni lola eh," ani mama at agad na niyakap at pinugpog ng halik sa pisngi si Kalie. Natatawa naman ang bata sa ginagawa ni mama.

"Ehhh, lola..."

"Sige na nga at baka gabihin pa kayo sa daan. Magpahatid kayo kay Nezro ah?"

"Oo ma. Kahit naman hindi mo sabihin 'yan sigurado namang ihahatid niya kami bago siya umuwi."

"Babye po lola," ani Kalie at nagwave pa kay mama.

"Mag-enjoy ka apo."

Dumako naman ang tingin ko kay Nezro sa labas kung saan kausap niya si papa. Napalingon naman siya dito kaya napangiti ako.

"Mag-iingat kayo!" ani papa ng makalapit kami.

"Babye po lolo." ani Kalie at nagwave kay Papa. Humalik naman ako sa pisngi ni papa bago ako sumakay sa kotse ni Nezro.

"Huwag po kayong mag-alala tito, ihahatid ko po sila mamaya." Tumango lang si papa sa kaniya. Umikot naman siya sa harap bago sumakay sa driver seat.

"Are you two ready?" nakangiting aniya habang sinusuot ang seatbelt niya.

"Saan po ba tayo pupunta Tito Nez?" Kunot noong tanong ni Kalie na agad na tinanguan ko din.

"Oo nga, saan tayo pupunta?"

Magugustuhan mo rin ang

          

He just shrugged and says, " Basta. Alam kong mag-eenjoy kayong dalawa sa papasyalan natin."

Wala akong kaide-ideya kung saan niya kami dadalhin. Knowing Nezro he loves surprises. Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya. Paminsan-minsan ko din siyang sinusulyapan at nakangiti lang siya habang nagmamaneho. Animo'y may malalim na iniisip. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa labas ng bintana.

Huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan maraming tao. Maraming bata. Naunang bumaba si Nezro at umikot para pagbuksan ako ng pinto at ganoon din kay Kalie. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid.

"Where are we, Nez?" tanong ko habang abala sa paligid ang mga mata ko.

"Ang ganda po dito," bumaba ang tingin ko kay Kalie at kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya habang nililibot ang buong paligid.

"This is called Perya," nakangiting aniya at inilahad pa ang mga kamay sa harapan na para bang isa siyang majikero.

"P-Perya?" nilingon niya naman ako.

"Hmm... Bakit hindi ka pa ba nakakapunta ng perya? It sounds like your not familiar with this kind of place." aniya at nilingon ako.

"Yes and bago lang sa paningin at pandinig ko. It seems like this place is fun and enjoyable." nakangiting ani ko bago siya tignan. Tumango-tango naman siya na para bang sumasang-ayon siya sa sinabi ko.

"Tara!" Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko kaya tinignan ko iyon. Ilang sandali pang tinitigan ko iyon hanggang sa maramdaman kong kinuha ni Kalie ang kamay ko at pinatong sa kamay ni Nezro. Sabay na bumaba ang tingin namin sa kaniya.

"Ayaw mo pa po kasing abutin kamay ni Tito Nez, ma eh." aniya at bahagyang ngumuso pa. Nagkatinginan naman kami ni Nezro at natawa dahil sa ginawa ng anak ko.

Binawi ko ang kamay ko kay Nezro at hinawakan ang kamay ni Kalie.

"Tayo dapat tatlo ang magkakahawak-kamay, anak." saad ko at ipinahawak sa kaniya ang kamay ni Nezro. Tahimik namang pinagmamasdan lang niya kami.

"Sige po mama," aniya at mas hinigpitan ang hawak sa mga kamay namin. Napangiti naman ako bago umangat ang tingin ko at tingnan si Nezro. Nagngitian kami sa isa't isa bago kami sabay-sabay na maglakad papasok sa loob ng perya.

Hindi ko alam kung saan ako lilingon o titingin sa dami ng pwedeng laruin dito. May nakikita din akong pwedeng pangregalo o pasalubong it's like mini tyangge. Marami ring stalls ng nga pagkain kung saan pwedeng bumili at kumain. May mga nakikita din akong street foods like fish balls, kikiam atbp. Ang dami ring tao at siksikan ang lahat kaya bumaba ang tingin ko kay Kalie ng marinig kong tinatawag niya ako.

"Bakit baby? May masakit ba sa'yo?"

Huminto kami sandali at pumantay ako ng taas sa kaniya. Umiling naman siya kaya umangat ang tingin ko kay Nezro bago ibalik ang tingin sa kaniya.

"Pwede mo po ba akong mabuhat? Hindi ko po kasi makita, maraming tao." aniya at ngumuso pa. Nagkatinginan ulit kami ni Nezro bago siya lumuhod sa harap ni Kalie.

"Ako na lang magbubuhat sa'yo, pwede ba 'yon?" nakangiting suhestyon niya sa anak ko na kaagad namang tumango ang bata sa kaniya.

Hinayaan ko na lang na buhatin ni Nezro si Kalie at nagsimula ulit kaming maglakad.

"Mabigat." bulong ko na ikina-lingon ni Nezro. Buhat niya si Kalie sa braso niya habang ang dalawang braso naman ng bata ay nakapalibot sa leeg niya. They look like a father-and-daughter though... Cute!

"She's not! Para lang akong nagbuhat ng isang timbang tubig," aniya at nginitian pa ako. Pasimple ko naman siyang hinampas sa braso niya na ikinatawa niya na lang din. Ang yabang din eh.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon