Life.
Ang tingin ko dati sa buhay noong
bata pa ako ay full of magical, exciting, maganda, mysterous at unlimited kasiyahan. Yung tipong pangfairy tale ang peg, sa kadahilanang medyo nabulag ako ng mga napapanonod ko sa Telebisyon. Siguro ganun talaga ang paningin ng ibang mga batang kompleto ang kanilang pamilya at maalwa ang buhay. Walang problema, puro saya lang. Ang sa akin naman noong paslit pa ako ay masyado akong mahilig mangarap ng gising (daydreaming) at manood ng telebisyon. Para makaiwas sa reyalidad ng buhay sa loob ng namin tahanan. Palaging nagaaway ang mga magulang ko ( sa kagagawan na rin ng aking Papa.), sa una balewala lang pero hanggang sa nasagad na ang pasensiya ng aming Mama, sa lahat ng mga pinaggagawa ng aming ama. Pinalayas niya ito, pero bago yun pinapili kaming magkapatid ng aking ina kung kanino kami sasama. Sa aming ama o sa kanya, parehas kaming hindi nakaimik, mangiyak-iyak sa mga pinagsasabi ng aming ina at sa naging desisyon nito. Nakaramdam ng pagkainip si Mama, hinaltak kaming magkapatid at inulit ang kanyang katanungan.
"Roman, kanino ka sasama? Sa Papa mo ba o sa akin?". Walang imik na itinuro nito si Mama, sunod naman akong tinanung ni ina "ikaw, Luciana. Kanino ka sasama?". Isang mahabang katahimikan ang namayani bago ako sininghala ni Mama.
"Ano sasama ka ba sa kanya? Alalahanin mo walang bahay iyang Papa mo at hindi ka niya maalagaang mabuti, kasi uunahin pa niya ang mga pinsan mo bago ikaw. Pero kung ako ang pipiliin mo hindi ka mangungumblema sa bahay at magaalaga sa iyo."
Matagal akong nanahimik bago ako nanginginig na sumagot sa mahinang boses, "ikaw po".
" anong sinabi mo?! Kanino?! Sinong ikaw?! Sagot!" Sigaw ni Mama sa akin. Napaiyak ako sa lakas ng sigaw niya.
"Sayo po, Mama. Sama po ako sayo." Umiiyak na ulit ko. Pagkatapos ay hinila niya ako papasok ng kwarto at lumabas ulit siya para magakausap ulit sila ni Papa.
Isa lang yan sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Luciana's Unforgettable Childhood Memory
Short StoryWhen the family begins to fall apart.