Aila's POV
Umuwi muna si manang para kumuha ng gamit ni Alex. Kasama nya si kuya Danny na umuwi sa tunay nilang bahay. Ako na lang muna ang naiwan para mabantayan si Alex.
"Ano ba nangyari sayo? Una hindi ka nagpaalam na mag-eenroll ka ade sana nakasama ako para naitour mo ako sa school nyo. Tapos ngayon ano? Unconscious ka? Paano yung dadalhan ko ng supplies sa kabilang isla sino makakasama ko? Nakakasar ka naman eh. Bakit kasi hindi ka nag-iingat. Bilisan mong gumising ha! kasi by next week uuwi na ako. Hindi na kita makakausap. Wala ng mangungulit sayo sige ka"
"Aila, naririnig ka nya" nilingon ko ang nagsalita sa likod ko. Si Bryan nakasaklay sya.
"Bryan, ano ang nangyari sa inyo? Sabi ni Nay Linda mag-eenrol lang kayo hindi ba?"
"Tapos na kami pumunta sa school. Nasa tricycle na kami pauwi ng may humaharurot na bus ang sumalubong sa amin. Nagprisinta si Alex na sya ang magmaneho. Napakiusapan naman yung driver. Nasa likod yung driver habang kaming tatlo ay nagsiksikan sa loob. Malakas yung pagkakabangga kaya tumilampon si Alex"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.
'Di ko napigilan ang sarili ko. Hinampas ko sa braso si Alex. Oo alam kong injured sya eh kasalanan pala nya.
"Kasalanan mo pala eh bakit naman kasi nagprisinta pa. Diba nagdodoktor ka? Dapat ikaw ang gumagamot hindi iyang ikaw ang nakaratay jan" hinampas ko pa maka-isa.
"Aila, tigilan mo 'yan baka lalo pang makasama"
"Sorry"
"Wag mo na sya sisihin. Andyan na eh"
"Tsk! Ano ba kasi naisip at sya nagdrive"
"Gusto kasi nya na mabilis maka-uwi. May ibibigay daw sayo"
"Ha? Ibibigay?"
"Oo"
"Ano 'yon?"
Ako pa iniisip nya? Pwede namang hindi sya magmadali kahit may ibibigay sya sa'kin.
"Sandali, kukunin ko" lumabas sya at bumalik sa kwarto nila.
Tiningnan ko sya.
Hoy ikaw bilisan mong gumising jan. Lagot ka sa'kin nagugilty ako sa sinabi ni Bryan."Eto" abot nya sa'kin ng paper bag.
Binuklat ko yung loob para tingnan kung ano yung laman at "dahilan" ng pagkakabangga nila. Jacket?.
Nagtatanong na tumingin ako kay Bryan. Habang hawak sa kamay ko yung jacket.
"University Jacket namin 'yan ipapabaon daw nya sayo pag-alis mo. Remembrance. Alam mo, ngayon lang sya nag-abala para sa isang babae. Ngayon ko lang rin sya narinig na nanghingi ng tulong para lang magsorry sayo. Kung sa ibang babae 'yon pababayaan ka na lang nya. Kung minsan nga ay babae pa ang humihingi ng tawad sa kanya kahit na sya ang nagkamali. Espesyal ang tingin nya sa'yo iba sa pangkaraniwang babae na nakakasalamuha nya. Inlove na haha. Tinamaan din sa wakas"
"Pwede namang hindi magmadali hindi ba?"
"Sumilip daw sya sa kwarto mo kagabi, nakita nya na naglalagay ka ng gamit sa maleta mo. Akala nya eh aalis ka na kinabukasan. Kaya lang ay hindi pupwedeng ipagpaliban ang pag-eenroll namin. Nung pauwi ay nagmadali sya kaya nagprisintang magmaneho para maabutan ka" mahaba nyang paliwanag.
So ako yata talaga ang may kasalanan.
"Dapat kasi nagtanong na lang eh. P-pero espesyal? Inlove? Paanong?"
Napaisip ako sa mga sinabi ni Bryan. Inlove? Sa'kin. Hindi ko alam. Pero may parte sa'kin na natutuwa at may parte rin na nagtatanong. Bakit ang bilis? Ganun ba talaga? Walang process.
Umalis muna si Bryan. Babalik na lang daw sya ulit mamaya.
ZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzz
"Anak, Aila! Aila! Wake up"
nakatulog pala ako.
"Dad? Kelan po kayo dumating?"
"Kanina pa anak"
Tiningnan ko yung bed ni Alex. Asan sya?
"Dad, si Alex po?" nanatili pa ring nakatingin si Daddy sa'kin.
"Dad?" tanong ko pa ulit.
"Wala na sya anak"
W-wala na? P-patay na?
Hindi ko na napigilan ang maiyak. Hindi ko pa nasabing crush ko sya. Oo na aaminin ko na gusto ko sya. Ano ba 'yan minsan na lang magkagusto nawala pa. Hindi ba pwedeng pinaamin muna ako ni God bago sya kunin.
Lord naman eh. Bakit lahat na lang kinukuha nyo. Ganun ba talaga? Kung kelan masaya ka tsaka mapuputol. Bakit ganon. I guess, hindi tama tong ginagawa ko na sinisisi kayo. Dont worry po thankful po ako na nakapiling ko po sila(mommy and alex) . 'Yun nga lang po mabilis nyo na syang pinaakyat jan. Pakikamusta na lang po ako sa kanila.
"Aila! Aila!"
And everthing went black.