CHAPTER 25

753 24 0
                                    

“HI, MILLIE!” bati ko rito kahit alam ko namang hindi pa rin ako nito papansinin. At tama nga ako, nilagpasan lang ako nito habang nakatayo ako sa gilid ng pinto ng classroom namin.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere saka laglag ang mga balikat at malungkot na pumasok na rin at naglakad papunta sa puwesto ko. I even glanced at Rufo, who was already in front and looking at Millie and me. I smiled at him narrowly and sadly, then sat down in my chair.

Nagsimula siyang mag-discuss. Naka-focus at nakikinig naman ako sa mga sinasabi niya, but I still can’t help but think about my friend who is right behind me. This is the second day that Millie and I have not been okay, and I miss her so much. Hindi talaga ako sanay na hindi kami okay!

Hanggang sa natapos ang first subject namin.

“Millie, tara sa canteen!”

Napatingin ako sa isang classmate namin na babae na tinawag si Millie. Tiningnan ko rin ang kaibigan ko.

“Sige. Wala kasi akong kasabay,” wika nito at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Nakadama na naman ako ng kirot sa puso ko.

“Ms. Andres!”

Millie stopped walking towards the door when Rufo called her. Napatingin ako sa kaniya at kay Millie rin.

“Yes, Sir?” seryosong sagot ni Millie.

“Can I talk to you for a minute?”

“Bakit po, Sir? May importante po ba kayong sasabihin sa akin?” hindi pa rin nagbabago ang seryosong mukha nito.

Saglit akong tinapunan ng tingin ni Rufo bago siya ulit nagsalita. “In my office.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang lumabas ng classroom.

Nakita ko naman ang pagbuntong-hininga ng malalim ni Millie bago ito napipilitang sumunod kay Rufo.

Kakausapin niya ba si Millie tungkol sa nangyari no'ng isang araw?

Gusto ko sanang sumunod din sa kanila para marinig ko ang pag-uusapan nila, pero hindi ko na lamang ginawa. Lumabas na rin ako sa classroom at nagtungo sa canteen. Mag-isa akong kumain kagaya kahapon. At pagkatapos ng break namin ay bumalik na ako sa second subject namin. And just like yesterday, my whole day became quiet and sad again.

After our afternoon class, before I went to the parking lot, I went to the bathroom first. As soon as I entered the door, I saw Millie was also there. And from our reflection in the mirror, she glance at me. Hindi na sana ako tutuloy sa pag-ihi, pero sa huli ay nagpasiya na rin akong pumasok. Dumiretso ako sa loob ng cubicle. And when I came out, I saw Millie was still there in front of the sink. Wala naman itong ginagawa kun’di nakatingin lamang sa salamin.

Nag-iwas ako ng tingin at naglakad din palapit sa lababo. Sa bandang dulo pa ako nagbukas ng gripo para maghugas ng kamay ko. I wanted to speak up to talk to her, but I didn’t. Dahil alam ko naman na hindi pa rin ako nito kakausapin.

“Hindi mo ako tatanungin kung ano ang napag-usapan namin ni Mr. Montague nang ipatawag niya ako kanina sa office niya?”

Bigla akong napalingon dito nang ito ang unang nagsalita para kausapin ako. I stared at her face for a moment, then let out a gentle but deep breath. I focused my eyes again on my hands, that were still under the faucet. Saglit akong tumikhim upang tanggalin ang bolang nakabara sa lalamunan ko.

“A-Ano... Ano ang pinag-usapan ninyo?” tanong ko.

Bumuntong-hininga rin ito ng malalim. “Sinabi niya sa akin na makipagbati na ako sa ’yo dahil hindi mo naman ginustong maglihim o mag-sikreto sa akin tungkol sa kung anuman ang namamagitan sa inyong dalawa.”

PAID BY MY PROFESSOR (R18+) Book 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon