Puro sigawan yung nagaganap sa paligid
" Arghhh!"
" Ahhhh"
" Umalis na tayo, bilis!"
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa digmaan na nakapalibot sakin.
Digmaan sa pagitan ng bampira at mga lobo.
Napapaatras nalang ako sa tuwing nakikita ko kung gaano ka brutal ang ginagawang pagpatay ng mga lobo sa mga kalahi kung bampira. Doon kitang kita ko kung paano nila kagat kagatin yung mga katawan ng mga kalahi ko
Napalingon ako sa likod ko ng biglang may tumilapon na malaking lobo
" Takbo Selene! Tumakbo kana, isama mo yung kapatid mo!" Agarang sigaw sakin ni papa, pagkatapos nyang suntukin ang lobo na aatake sana sakin
Napailing ako habang umiiyak
" U-Umalin na kayo habang may oras pa!" Saad niya ulit
" A-Ate" Iyak na tawag ng kapatid ko sakin
" Pa, ayoko" I sobbed " Ayokong ka" dagdag ko habang umiiyak
" Alang-alang sa lahi natin, Selene. Umalis na kayo!" Pagpupumilit ni papa habang nakikipaglaban siya sa kaharap nyang lobo
Napa atras nalang ako habang hawak-hawak ang kapatid kung umiiyak
" Arghhh! " Nagulat ako sa sigaw ni papa
Tinignan ko siya, at doon eh kita ko kung pano natanggal ang kanyang kaliwang braso dahil sa pagkagat sa kanya ng lobo
Mas lalo kaming naiyak ng kapatid ko
" P-Pa—
" Umalis na kayo Selene!" Nanghihinang utos ulit ni papa habang naiiyak na
Tinignan ko yung paligid, kaunti nalang yung mga kalahi naming bampira na buhay, nakikipaglaban parin kahit nasasaktan na sila
" A-Anak "
Napalingon ako kay papa at doon nakikita kung nanghihina na syang nakikipaglaban sa lobo
" Ate, a-alis na tayo " Aya sakin ng kapatid ko
Pinahiran ko yung luha ko at bumuntong hininga
" Umalis na kayo! " Sigaw ulit ni papa habang pinipigilan ang lobong aatake samin
" S-Sorry pa " Naiiyak kung tugon at tumakbo paalis sa lugar namin kasama ang kapatid ko
Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nag suot-suot lang kami sa kagubatan hanggang sa mapunta kami sa syudad.
Naglakad kami ng kapatid ko sa gilid ng daan hanggang sa makakita kami ng abandonadong departmento. Pumasok kami doon
" Ate " Tawag sakin ng kapatid ko pagkatapos naming pumasok sa apartment
Lumuhod ako sa kanya upang pumantay kami, saka ko pinahirap ang luha niya.
" P-Pano na tayo? " Naiiyak niyang tanong. Pinahiran ko yung luha ko at hinarap siya
" Aalagaan ka ni Ate okay? Hinding hindi kita pababayaan." Saad ko sa kanya, tumatango tango nalang siya.
Nilibot ko yung tingin ko sa paligid ng apartment hanggang sa may makita akong kama
" Matulog ka muna " Saad ko sabay turo doon sa kama, pumunta naman siya at nahiga. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako tumayo at pumunta sa bintana para tignan ang kalangitan.
Kalibugan nanaman ng buwan
Nagsimula nanamang tumulo ang luha ko at inaalala ang nangyari samin kanina.
Naubos nanaman kami.
Palagi nalang kaming talo.
" Ipaghihiganti ko kayo. " Bulong ko habang naka tingin sa bilog na buwan
" Pinapangako ko, Pa. Maghihiganti ako."
—