"I had noticed that you're very close with Alliana more than your brothers. That's nice." Sabi ni mommy habang nagluluto. Nakaupo ako sa harapan niya.
"Ang bait ni Alliana mommy. I think she's the nicest person that I have met." Sabi ko sa pinaka-sinserong paraan.
"Yes, she's nice. But not all the times people are nice." Ani mommy at saglit na pinatikim sa akin ang niluluto niyang sinigang. Napa-thumbs up kaagad ako nang matikman iyon.
"Kuya Primiel likes her so much. Pansin mo ba, mommy, parang ngayon lang siya na-inlove ng todo. Kapag kasi may pinapakilala siyang bagong babae, hindi ko feel, eh." Chika ko. Ganito kami ka-close ni mommy sa isa't isa.
"Ewan ko diyan sa Kuya mo kung ano ang trip niya sa buhay. You know what, kay Alliana lang din ako natuwa sa dinami ba naman ng babae ng Kuya mo." Chika din ni mommy.
"I like her too." Ngumiti ako. "To be my sister in law."
Nginitian ako ni mommy. "I'm happy that you and Alliana had easily got along with each other."
Paanong hindi, ang bait kasi ni Alliana. Maybe, she's the nicest person I had met in my life.
"Sana, hindi siya sasaktan nang kahit sinong lalake. Even my brothers." I uttered.
Umagree naman si mommy.
Alam din ni mommy kung gaano ka-babaero si Kuya Primiel, eh, kaya hindi din siguro siya kumbinsido na magseseryoso si Kuya!
For the past few days, pansin na pansin ko ang pagka-busy nang dalawa kong Kuya. They don't even accompany me to the mall now that they used to do. Naiintindihan ko naman, ayaw ko namang magtampo nang gano'n-gano'n nalang.
Bumalik ako sa mga usuals kong ginagawa, attending endorsements, interviews, catch up with friends and especially doing sessions with Alliana. Being friends with Alliana had a great impact. Madami siyang connections kasi, eh, kaya madami din akong nakikilala dahil sa kaniya.
Nakakausap ko din Nathaniel... Ramdam ko din na bumabawi siya sa'kin. I still just don't have a courage to accept him. Kung paunti-untiin siguro at hindi minamadali, siguro oo. Magkakaayos din kami.
Ngayon, nag-request si Tita Nelly, ang mommy ni Nathaniel, na pumunta ako sa kanila. Gusto nila akong makasabay mag-lunch at makausap. I'm really happy and so lucky to have them as my second family. Nathaniel's family really treat me as their own blood.
"Tito Gov, salamat po dito, ah!" It was a chocolates and strawberries from baguio. Ang dami kong mga pasalubong na natanggap.
Hindi talaga nakakaligtaan ni Tito Nathan at Tita Nelly na padalhan ako sa tuwing may pinupuntahan silang lugar. Uuwi talaga silang mayroong ibibigay sa'kin.
Umaakto kami na parang walang problema ni Nathaniel sa harapan lang ng pamilya niya. Kapag nakaalis na sila, we are back again with our original state. Hindi nagpapansinan.
"Naisipan mo na ba kung kailan talaga ang kasal. Mas early, mas better!" Sabi ni Tita Nelly sabay palakpak. Mas excited pa siya kaysa sa'kin.
"My wife is right. Para naman magkaapo na rin ako." Dagdag pa ni Tito Gov.
Tinawanan ko lang ang mga sinabi nila. Deep inside, medyo awkward din. Knowing that Nathaniel and I really not in a good relationship with each other... Saka parehas din kasi kaming nahihiya na ipagsabi sa mga magulang namin ang patungkol sa aming dalawa.
"Mom, matagal-tagal pa ang kasal na yan. Crest and I are both busy with our works." Mabuti naman at nagsalita na si Nathaniel. Napainom ako ng tubig. 'Yan lang ang magandang ginawa niya mula pa kanina.
BINABASA MO ANG
Mga Hakbang Palayo Sayo
RomancePinag-aagawan ng dalawang kambal si Alliana Acramonte na isang supermodel. The twins are both hot as hell. They're are handsome too. But in the end, she chose the twin's little sister eventhough she's not in the choices. Mas nainlove siya sa bunson...