ELLA's POV
Walang pasok today! ^____^ Holiday kasi! Ayos toh. Maaya nalang mag-movie date sila Angge. Teka nasan na ba yung phone ko?!..
Yon! Nakita ko narin.
....calling
0906*******
Hmm?! Sino to?!
"Hello?!"
"Goodmorning Babe!". Teka! Kilala ko tong boses na to ah!
"Babe your face! >.< Pano mo nalaman tong phone number ko?!".
"Tss. Bat ba laging nakasigaw ka ng nakasigaw?! Di mo man ba muna ko kakamustahin? Tssk!!"
"E bakit pa? Wala naman akong pakialam sayo! Yung totoo? Bakit ka ba tumawag?! Wow ha?!! Bilib naman ako sa pag-eefort mong tuklasin ang phone number ko!! >.<". Sino kaya buset ang nagbigay sa kanya ng numero ko?! Napakalaki nyang epal!
"Mag-ayos ka! Aalis tayo!". Sa haba ng sinabi ko, yan lang talaga ang nasabi nya? Tss.
"Bakit na naman?! Hindi ka pa ba masaya na sinunod ko ang utos mo?! Nagnew look na nga ako e, ano pa bang gusto mo?!! >.<".
"Magdate tayo!"
*silence*
A-Ano raw?!
"Seryos---"
---call ended.
Ay sh*te! BASTOS!
-------------------------------------------*
Kinakabahan ako. Sucks!! Ang O.A ko lang! -,- Pero seryoso! Kinakabahan talaga ko! First time ko lang re mafeel e, bakit kaya noh?! Hmm,.siguro dahil First time ko lang din makipagdate sa buong buhay ko.
*tok tok tok tok tok*
"Come in!"
Pumasok sa loob yung kumatok, si Mama.
"O___O E-Ellay anak! Bakit naman ganyan ang suot mo?!"
"Bakit po ma? Masyado ba kong maganda sa suot ko?!". Nakalongsleeve lang naman ako at pants ah. Grabe naman si Mama magreact!
"Magdadate kayo ni Josh, hindi magsisimba! Bakit balot na balot ka?"
Anoraw?! So it means...
"Oo alam ko na! Pinaalam ka na nya samin ng Papa mo. May boyfriend ka na pala anak ha! Kaya pala bigla ka nlang nagbago pagdating sa pananamit. Oh ito ang suotin mo!",saka nya binigay sakin ang simple sleeveless dress.
"Tapos ipares mo to! Bilisan mo ng magbihis. Baka naiinip na yun sa baba.",saka naman inabot ni Mama yung red high heel shoes na 5inch ang taas. Jusko! Sana kayanin ko to! -,- 3inch nga,hindi ko kaya e.
Gaya ng sabi ni Mama, nagpalit nga ako. Hayy Mother knows best talaga! Lalo akong naging dyosa oh! ^_____^ Char!
Lumabas ako ng C.R after kong magpalit..
"Yan! That's better! ^___^",saka sya lumapit sakin.
"Oh ma! Hinintay mo talaga akong makapagpalit ah!"
"Ambilis ng panahon, dalaga na talaga ang prinsesa namin.",saka naman nya ko niyakap.
Aww. So clingy! Ma naman eh! Makikipagdate lang po ako noh, hindi magpapakasal!
"Osya! Hatid na kita. Baka naiinip na yung boyfriend mo sa baba.",saka sya kumalas sa pagkakayakap sakin.
Nginitian ko naman sya.
"Hindi na kita paaalalahanan okay? Malaki ka na. Alam kong alam nyo na ang mga limitations nyo ni Josh. Makikipagdate ka lang okay? Hindi magpapabuntis!",sabi pa ni Mama.
"Ma! Ang exagge nyo mag-isip! Matino akong babae noh!". Ayoko pa nga talagang magboyfriend e! Kaya lang eto na nga. -,-
-------------------------------------------*
[ E N C H A N T E D K I N G D O M ]
Ansayaaaa!!! Para kong nagbalik sa pagkabata ko ngayon! 3 years ng nakakalipas ng huli kong magpunta rito eh! Hayy. Hanggang ngayon ang saya parin talaga sa lugar na to! Wag na kaya ako umuwe noh? Hahahahaha!
At syempre, hindi namin pinalagpas ang lahat ng rides! Last stop, ang PERRISWHEEL!!
"Halika na! Bilis! Ang haba ng pinila natin tas ayaw mo pang magmadaling sumakay jan!",sermon ko dito sa Josh na to.
Namumutla sya! Ewan ko ba kumbakit! -,-
"Tssk! Halika na nga!",saka ko sya pinilit tinulak papasok sa loob. Eto na!! Nakasakay na kami!! ^____^
"Waaahhhh!! Wala pa tayo sa pinakaitaas,pero ang ganda na ng view oh!! ^____^ Hayy excited na ko sa itaas! For sure, kita natin ang buong sakop ng Enchanted!!!",sabi ko.
Napatingin ako sa lalaking kasama ko ngayon. Tahimik lang sya habang nakayuko. Ang weird naman nito!
Pero teka...
"Pinagpapawisan ka! B-Bakit?". Inangat ko ang mukha nya saka ko pinunasan ang noo nya.
Mayamaya, hinawakan nya ang kamay ko. O___O sheeemsz. First holding hands ko yan dre! -,-
"Takot ako sa heights, Mika. Kaya sana hayaan mo kong nakahawak sa kamay mo.",seryoso nyang sabi. T-Tinawag nya kong Mika? W-Wala pang tumatawag sakin ng ganon! Sya palang!
-,- Pero bakit ganto kumabog ang puso ko?! Ang lakas lakas nya!! Tapos yung mukha ko, ang init! Yung parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha?! Parang may nararamdaman rin akong kuryente na dumadaloy sa mga mata namin!! HABANG NAKATINGIN AKO SA KANYAAA!!! Juskooo! FIRST time ko lang to mafeel lahat! Normal pa ba ko? O ito na yung sinasabi nilang 'kinikilig?'. Kinikilig ba ako?! -,- waaah! Answer me!
--------------------------------------------
[AN: Sorry sa wrong grammars & typo, kung meron man. Please Read. Vote. Comment. :**]
BINABASA MO ANG
relationTRIP TO REALationship
FanfictionMikaElla "Ellay/Ella" Bartolome, (Sharlene San Pedro) isang cool at astig na babae. Pati pormahan nya,astig din. Kaya nung high school plang napagkamalan ng syang tomboy. Pero boyish lang sya manamit dahil ang puso at buong pagkatao nya,babaeng baba...