Chapter 25

210 20 4
                                    

Kinabukasan naabutan ni Mazee at Dallas ang sila Eis at Chi na tahimik sa isang lamesa para mag almusal. Agad na napuna ni Mazee na maga ang mata ni Chi. Si Eiz naman ay halatang walang gana at hindi ngumingiti. Alam nya malungkot at may problema ang mga kaibigan nya. Wala si Taylor at Brielle sa paligid.

Pilit silang ngumiti nang saluhan sila ni Mazee at Dallas. Maya maya pa ay naisipan ni Dallas na iwan muna sila dahil alam nyang kailangan ng dalawa ang tulong ni Mazee.

"I have some things to do babe, I'll look for Taylor." sabi nito kay Mazee at hinalikan sa pisngi.

"Are you done eating?" tanong nya dito.

"Yes, I am. I'll see you later." nakangiti nyang sabi at saka umalis na. Nakatingin lang si Mazee habang papalayo na si Dallas at nang di na ito makita ay nagsimulang magsalita.

"You too look like a mess now." hindi mapigilang komento ni Mazee.

"We know." sabay nilang sagot at bahagyang ngumiti.

"Pero, ako tulog lang ako kagabi. Hindi ko pala talaga kayang uminom ng marami. Pag gising ko may katabi na akong aswang na gusto pa akong sermonan." naiiritang sabi nito. "Ibang babae naman ang nasa isip."

"What worse is to be called by someone's name." mapait na sabi ni Chi. Napatingin sa kanya yong dalawang kaibigan. Alam nila na sobrang sakit ng pinagdadaanan ni Chi dahil mahirap ang sitwasyon nya. Muling tumulo ang luha sa mga mata nya at pinilit nyang pahirin.

"What do you want to do now?" alalang tanong ni Mazee sa mga kaibigan nya.

"Ubos na ako, Mazee.." hikbi ni Chi. Hinawakan nya ang kamay nito habang si Eis naman at tinatapik sya sa braso. "Gusto ko lang naman sana magpahinga, pero bakit mas napagod ako?"

"Sorry, Chi. Kung alam ko lang sana di nalang dito ang bi-nook ko." hingi ng paumanhin ni Eis. Napailing si Chi sa kanya na sinasabi na hindi nya kasalanan.

"Hindi naman natin alam takbo ng utak nila." halos mahina nyang sabi.

"Don muna kayo mag stay sa bahay ko sa Makati kung gusto nyo. Andon sila nanay na caretaker ko sa bahay. Hindi kayo magugulo nila Taylor at Brielle don. Pwede natin sila i-blacklist sa subdivision." komento ni Mazee. "I wish I can be with both of you, pero may iaasikaso pa ako."

"Thank you sa offer, Mazee pero..okay lang ako." sabi ni Chi. "I will be fine."

"Whatever you want. But, in case you want." syang sabi ni Mazee at kinuha ang phone saka may minessage na address at pangalan nang mga caretaker ni Mazee sa bahay nya sa Makati. "I've sent my address and my house care taker's name in both of you. You can stay there anytime and whenever you want."

Ngumiti ang dalawa nyang kaibigan sa kanya.

"Or, maybe sa New York baka gusto nyo rin magtago?" di nya maiwasang magbiro at natawa yong dalawa.

"Hindi namin kaya." natatawang sabi ni Eis. "Kung above minimum wager ka lang tulad ko, iyak na. Hanggang pangarap lang yan."

"Same here.. kahit nga magkanda  kuba na ako mga work, di ako magkakaroon ng bahay."

"I've been telling you guys that I have a job offer." pilit ni Mazee sa kanila pero tumawa lang sila dahil gusto nilang pareho na umunlad sa sarili nilang mga paa bagamat maganda ang offer ni Mazee sa kanila. They want to prove themselves even it was to difficult on their job status.

"Maglalakad lakad muna ako. Gusto muna mag isip isip." paalam ni Chi sa kanila.

"Sige, Chi. Ako naman babalik muna sa room, sobrang inaantok talaga ako." paalam naman naman ni Eis sa kanila.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now