Fiercia 17

157 4 0
                                    

Fiercia's PoV

Apat na araw na ang nakalipas simula ng makausap ko si Laxquer tungkol nga sa mga nalalaman niya. Dahil dun nabubuang parin ang braincells ko ngayon. Hindi niya ako tinatawagan at di rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Pagkatapos ko kasing sabihin sa kanya na gusto kong pumasok sa grupo nila,eh sakto namang may tumawag na naman sa Iphone niya---ritskid si Tanda-- naputol ang pag-uusap namin,tapos nagpaalam siya sa'kin dahil may pupuntahan daw siyang mahalaga't importante. Oh diba may pinagkaiba ba yun? Lols.

Iniwan niya ako sa Coffee Shop na may malaking question mark sa mukha. Baka siguro urgent talaga at baka nagkakagulo na. Hindi naman ako bobo para hindi maintindihan ang salitang MAFIA. Ilang beses na akong nakapanood ng palabas na sa MAFIA umiikot ang istorya at marami rin akong nababasang ganern. PUMAPATAY sila yun lang ang naiintindihan ko. Pumapatay sila para sa pera. They are ruthless. At di ko maisip na ganun talaga ang trabaho ng aking ama. At for sure alam ito ni Mama at hindi lang talaga sinabi sa'kin. Well,ano nga ba ako dati? Isang bubod pa lamang at tanging paglalaro lang ng patintero at chinese garter ang alam.

Totoo yung sinabi ko kay Laxquer na gusto kong pumasok sa Organisasyon nila. Gusto kong matuto at alam kong siya ang makakatulong sa'kin. Alam ko na ang Boss nila ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko. POSEIDON PALLAS yun ang pangalan niya. Nakakadiri at nakakasukang banggitin. Wala akong pakealam kung papasok ako sa lungga niya. Ganun naman talaga kilalanin mo muna ang kalaban mo bago mo tirahin. Alam ko rin sa pagpasok ko sa lungga niya hindi na ako makakalabas pa. Bahala ng di makalabas ng buhay basta sinisigurado kong mapapatay ko siya ay dun ako makukuntento sa paghiganti sa kanya.

Muli kong tinatawagan si Laxquer pero tanging ring lang naririnig ko. Punyemas na matanda yun bakit di niya sinasagot tawag ko?! nakakabaliw 'to!

Isa pa pala. Hindi ko pa sinosoli kay Tinik yung baril niya. Hindi ko kasi alam kung paano ibigay at di ko alam ang sasabihin ko. Hindi niya rin naman hinahanap sa'kin. Ang tanga talaga nun. Pero ang pinagtataka talaga ng inyong magandang Lola,bakit siya may ganito? Or baka pellet gun lang para takutin ako. Haisst! Ewan nakakabaliw.

Inayos ko na lang ang sarili ko dahil papasok na rin ako sa eskwelahan. Apat na araw din akong di pumasol dahil nga lutang ako. Tapos dumalaw ako kay Ninang at duon ko siya tinanong sa mga bagay-bagay. Alam niya na ganun ang trabaho ni Papa. Pero ganern parin tinago niya sa'kin nang lumaki ako. Pero wala na akong pake dun.

Tinanong ko na rin siya kung may alam ba siya sa diyamanteng ek ek na sinasabi ni Laxquer na hinahanap ngayon ng ibat-ibang organisasyon. Pero ganern parin naman talaga wala siyang alam dun dahil wala namang binabanggit sa kanya si Papa tungkol sa diyamante na yun. Kahit ako din walang alam ni wala akong clue. Nasaan na ba kasi yon?! #FindingDiamonds lol. Hahanapin ko yun pero hindi ko alam kung saan at paano.

Tiningnan ko yung TeddyBear na bigay ni Papa.

"Papa,nasaan ba?!"

Pero ayun walang sagot. Magulat ako kung sasagot yan.

Lumabas na ako ng kwarto at napansin kong nakaawang ang pinto ng kwarto ni Tinik. Nakaalis na kaya siya? Dahan-dahan naman akong pumasok yung halos wala talagang tunog. Napa buka naman yung bibig ko dahil sa ganda at laki ng kwarto niya. Mas malaki pa sa kwarto ko. Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto ng isang lalake kaya ang ganda halos kulay puti at dark blue lang lahat,tapos yung amoy so masculine. Namangha naman ako sa mga paintings sa paligid nito para akong nasa amusement park tapos parang 6 years old akong bata na ignorante.

Mas nakakuha ng atensyon ko ay yung tatlong larawan na nasa malaking picture frame sa may bandang taas ng headboard ng kama. Batang babae ang naka pinta doon na nakaupo sa isang bench na parang nasa park o playground kaso nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha. Pero parang nakita ko na sa----

By the way My name is FIERCIA ANDRADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon