SOFO 11

789 22 8
                                    

MESSENGER

Eros Robin Nuevo
Active 2hrs ago

2:18 AM

Eros:
Why are you still up?

And where's my thank you?

Accept my friend request :((

4:28 AM

Franz:
May obsession ka ba sa pagt-thank you sa chat?

Nagthank you naman ako bago at pagtapos ko kainin iyong binigay mo ah

Epal nito

Thank you, Eros

Wala na akong utang na thank you ha

De wala, hindi kita i-accept baka pagpost-in mo pa ako sa timeline mo ng, "thanks for the add"

Ay talaga namang sasamain ka na sa akin

KEEP NOTES

☑ Did my part on PurComm group activity
☑ Sketched for History for World Arts
☑ Done reviewing for Understanding the self

Makakatulog na rin, sa wakas

Kakapagod ngayong araw

Gusto ko na lang bigla umiyak

Pero naalala ko, walang magagawa yung iyak ko

Madedelay lang mga gawain ko

Epal pa nitong poging naka pulot ng ID ko

Akala ata nya porket pogi sya hindi ko mapapansin ang kasaltikan nya

Pero ang bango nya, bakit ganon

Amoy baktol dapat sya

Naamoy ko kasi sya nung inilapag nya yung pagkain mula sa tray sa mismong harap ko

Sya rin nag punas ng utensils gamit yung tissue

Gusto ko pa sana tanungin kung bakit nya ako nilibre kaso baka biglang bawiin

Mahirap na. Grasya na 'yon eh

Sino ba namang hihindi lalo na't wala na akong budget para sa pangkain

Edited 4:35 AM

Symphony of Fiery OrangesWhere stories live. Discover now