ISANG linggo na rin magmula n'ong nakauwi na kami dito sa Manila. Sinama namin sila Nanay at Luna para naman maka pamasyal din sila. Si Luke naman, hay. Simula n'ong nag confessed siya sa akin ay hindi na siya muling nagpakita. Tinanong ko nga si Luna about sa Kuya niya at ang sagot niya lagi sa akin.
'Okay lang si Kuya, bestfriend.'
Naalala ko pa ang tuwang-tuwa na mukha nila Nanay lalo na si Luna nang sumakay kami sa private jet nila Zynard. Nagtatalo pa nga kami ni Vince dahil gusto ko ako ang magmamaneho ng eroplano. Siya kasi ang in-charge captain dapat n'on kaso hindi ako sumang-ayon dahil gusto ko ako ang magpalipad. Kapag naalala ko talaga 'yong epic reactions ni Vince ay natatawa talaga ako. Akala mo naman ilalagay ko sila sa peligro tsk.
Hindi mapigilan ni Luna ang tumili ng maka pasok kami sa aircraft. Alam ko naman na pangarap niyang makasakay sa eroplano at heto na nga, natupad na. Sila Nanay naman ay kitang-kita rin ang galak sa mga mukha nila.
Napalingon ako sa dalawang kambal ng halikan nila akong dalawa sa pisnge. Pinandilatan ko sila ng mata dahil wala talaga silang pinipiling lugar, mahilig sa PDA!
"What?" Inosenting tanong nila sa akin ng makita ang nakabusangot kong mukha
"Halik kayo ng halik! tandaan niyo, manliligaw ko pala-
"Tama Akira! Nakakahiya talaga!"
Napalingon naman kami kay Vince ng bigla itong sumabat. Naka wayfarer ito at naka uniform na pang piloto
"Epal" bulong ng dalawang kambal na nasa tabi ko lang.
"May sinasabi ba kayo, twins?" Maangas na tanong ni Vince sa dalawa
"Shut up Vincent! Baka sipain kita palabas ng eroplano" masungit na tugon ni Zynard.
"Hala! Ikaw ba 'yan Vince?!" Gulat na tanong ni Luna
Lumingon naman si Vince kay Luna at maangas itong tinignan
"Ah yes, Madame," nakangising sagot ni Vince
Napapailing nalang ako. Alam kong tumaas ang apog nito ngayon dahil sa pagkagulat ni Luna. Hindi naman kasi alam ni Luna na piloto pala ang palagi niyang kabardagulan.
"Hindi ko alam na piloto ka pala" namamanghang sabi ni Luna
Hindi naman matanggal-tanggal ang ngisi na nasa labi ni Vince.
Proud na proud, eh?
"Hindi ka kasi nagtanong Madame. Anyway, I would like to introduce myself to you again." nakangiting sabi ni Vince at tumikhim. “I'm Vincent Lloyd Peralez, your pilot's first officer." pagpapakilala niya at inabot ang kamay kay Luna
Nakakunot ang noo ni Luna nang tinanggap niya ito
“O-Okay? Oh siya sige na, paliparin mo na 'tong eroplano" walang pakeng tugon niya kay Vince bago bumaling sa amin at ngumiti ng matamis. "Sige bestfriend, balik na ako sa upuan ko."
Tumango naman ako sa kanya
Nang makaalis siya ay bumaling ako kay Vince na naiwang nakanganga sa kawalan kaya 'di ko mapigilang matawa
"G-Ganoon nalang 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang nakatingin sa kawalan.
Zenard tapped his shoulder.
"Huwag kasing mag assume pare," pang aasar niya
Bumaling si Vince sa amin habang nakabusangot.
"Tsk! umalis na kayo sa harapan ko! dahil papaliparin ko na 'tong eroplano niyo papuntang mars!" Asar na sabi niya
Humarang naman ako sa may cockpit kaya napakunot ang mga noo nila
"Baby, what are you doing? Let's go to our seats, na." Sabi ni Zynard sa akin pero umiling lang ako.
"I want to maneuver the aircraft." Sabi ko at ngumiti ng matamis sa kanila
Napanganga naman sila
What? Did I say something wrong?
"Nako, Akira, ayoko pang mamatay 'no!" Sabi ni Vince habang nakapamulsa.
Pinandilatan ko naman ng mata si Vince. Ang oa!
"Sweetie, hayaan muna si Vince diyan. Halika na." Seryosong sabi naman ni Zenard sa akin at lalapitan sana ako ng itinaas ko ang aking kamay upang patigilin siya sa paglapit sa akin.
"Twins, kargahin niyo na 'tong si Akira. Aminado naman akong single pa ako pero ayoko pang mamatay 'no! paano nalang 'yong mga soldiers ko sa kaloob looban ko? na gusto ko pang magkalat ng mga lahi. Sayang naman" Kunot-noong sabi ni Vince
Binatukan ko naman siya."Ang landi mo talaga!" Inis na sabi ko
"Hindi ako malandi Akira, sadyang chick magnate lang talaga ako" nakangising sabi niya at nag pogi sign pa
Ang hangin talaga
"Baby, don't be stubborn. Let's go." Ma awtoridad na sabi ni Zynard at sinenyasan ako na lumapit na sa kanilang dalawa ni Zenard.
Pero umiiling-iling lang ako sabay pa cute
"Please" nakangusong sabi ko
Napabuntong hininga naman ang dalawa at tumingin kay Vince.
"Don't tell me, papayagan niyo ang isang 'to?" Hindi makapaniwalang sabi ni Vince sabay turo sa akin
"Nandiyan ka naman to be her first officer." Seryosong sabi ni Zynard
"Let her be, Vince." Sabi naman ni Zenard.
Nagliwanag ang mukha ko ng pumayag sila. Sabi na e, hindi talaga ako matitiis n'ong dalawa.
Napakamot naman si Vince sa ulo niya.
"Fine!" pagsuko niya
Niyakap ko ang dalawang kambal at nagpasalamat.
Masaya naman akong umupo at nag seatbelt sa pwesto ng captain. Geez, I missed this!
"H-Hoy Akira, umayos ka!" Dinig kong sabi ni Vince sa akin at ramdam ko sa boses niya na kinakabahan siya
Natatawa kong binalingan ng tingin si Vince na mukhang natatae. Hindi ko 'to gagawin kong hindi ko alam ang ginagawa ko. At isa pa, hindi ko naman sila ipapamahak!
"Let's kick the tires and light the fires, First Officer Peralez." nakangising sabi ko sa kanya at 'sinuot na ang aking Rugged Air RA200.
Hindi kasi nila alam na nakaalala na ako, n'ong gabing hinaranahan ako ng kambal.
Ang problema ko lang ngayon ay kasal sila Zynard kay Callista.Hay...
BINABASA MO ANG
Girl in Red (PUBLISHED)✓
Romance(UNEDITED) Two billionaires fell in love with the girl that they saw in London. They don't know her name, and the only thing that they can remember about her is her angelic face and the fact that she was wearing a red dress that night. The twins loo...