[0060]
DASAL NG ISANG ANAK
Takot ang namutawi,
Kaya’t ang salita’y hindi na sambit.
Mawala na sana itong sakit,
Sama ng pakiramdam sana’y mapawi.Sa sakit na nadarama sana’y pagalingin,
Ama, ang dasal sana’y iyong dinggin.
Sana’y sa pagmulat ng mga mata’y magaling na,
Nang ang aking ina’y ’wag ng mag-alala pa.Nawa ako’y iyong matulungan,
Ako sana’y pag-ingatan.
Pagtibayin mo nawa ang aking kalusugan,
Upang damdamin ng aking ina’y mapagaan.Alisin nawa ninyo ang sa kaniya pag-aalala,
Ayokong siya pa’y mabahala.
Bigyan nawa ninyo siya ng kapayapaan ng isipan,
Ipaunawa nawa ninyo sa kaniyang magiging maganda rin ang aking kalagayan.—binibining luha
YOU ARE READING
TILA LUHANG TULA
Poetrykoleksyon ng mga tulang tila luha na walang katapusan ang tugma