Haeven's POV
After two years ago....
"Huy beh!! Akala ko kasama mo si Vince?"saad sakin ni Rio.
Si Rio, sya ang baklang naging bestfriend ko dito sa Cebu. At yung Vince na sinasabi nya? Sya yung vince na kaibigan nila kuya na crush na crush ko before. Hindi ko nga akalain na magiging magkaklase kami dito sa Cebu ni Vince. Hindi ko naman kasi alam na business partner pala ng mommy nya si Tita tin kaya nag lipat din sila dito.
"May inasikaso si Reidan at Vince eh.."sagot ko kay Rio. Andito kami ngayon sa dance studio.
"Ay may pinapatanong pala si Ma'am Nel, kung gusto daw natin sa cheerdance competition sa manila? Gusto nya daw kasi tayo isali. Ano? Gora ba tayo beh? Chance na natin para pasikatin ang Cebu!! at lalo na tayong mga USC dancers!!"aniya.
"Sa Manila?!"gulat kong tanong sa kanya.
Simula kasi nang pumunta ako dito sa Cebu ay hindi pa ako nakakauwi sa Manila. Tagal ko na nga hindi nakikita si Mama at kuya rayven kasi hindi nila ako pinupuntahan dito sa Cebu pero si kuya serven binibisita nya ako once a year.
"National competition ba yun beh?"tanong ko.
"Dili ko pa sure beh."
Hindi naman siguro masama kung sasali kami diba? Simula kasi nung sa USC na ako nag aral ay nakasali din ako sa group ng dancers doon gaya nung sa FEU pa ako nag aaral tapos lagi din kami sa lumalaban sa mga contest sa ibang school o sa ibang lugar dito sa visaya kaya medyo nagulat ako na sa manila na kami gusto isali ng Dean sa school namin.
"Kelan yan gaganapin?"
"Sabi nila Ma'am, diba February ngayon tas gaganapin daw ang cheerdance sa manila ay sa second week ng May kaya dapat kung sasali tayo, mapalista na para makapractice na. Pero beh na sayo ang desisyon sabi ni Ma'am kasi ikaw baga ang pinalit nyang leader ng USC dancers!!"
Tinitigan ko sya at hindi ko alam ang isasagot ko.
"Ano na beh? Ayaw mo ba? Magsabi ka lang."
"Hindi naman, nagdadalawang isip lang."
Tumaas ang kilay nya."Ay wow bakit?? Kasi.. siguro baka makita mo dun si ex mo?"pang aasar nya.
Halos kasi lahat ng tungkol sakin nakwento ko kay Rio eh at sa iba pa naming kaibigan, kaya alam nya yung about kay..
nevermind.
"Gaga, hindi!"
"Ay wehhh.."sinundot nya ang tagiliran ko.
"Hindi nga!"
"Magpaligaw ka na kase kay Kevin o kaya kay Vince or dun sa mga nagkakagusto sayo sa school natin para makamove on ka na beh!"
"Excuse me lang Rio ha? Nakamove na ako noh! At saka bakit naiba yung topic?"
Humalakhak sya."Oh sorry naman bff, so ano ba desisyon? Sasali ga tayo? Para makapag pameeting na si Dean sating mga USC dancers."aniya.
YOU ARE READING
Unexpected Feelings
Teen FictionChent Haeven K. Monterial is the type of girl who has an angelic attitude because of her kindness, has an angelic face because of her beauty and simplicity, and her cute smile, laugh and voice are also angelic, kaya halos maraming lalaki ang nahuhul...