Chapter 24.2
*The Date*
[Naomi's POV]
"tara na dali!! " hinila ko si Stephen papasok sa Star City.
"talagang dito tayo mag de-date?" tanong niya saakin na parang dismayado "ano tayo mga bata?!"
"wag ka na kasi mag reklamo! Enjoy kaya diyan noh! Madalas kami magpunta nila kuya dito."Tinignan ko siya ng may halong pagtataka "teka hindi ka pa ba nakakapunta dito? Or kahit saang amusement park? "
"hindi pa"
"weh? Kahit nung bata ka pa?"
"hindi pa nga! Ang kulet naman!" = =
Tinignan ko siya ng may halong awa saaking mga mata. Nakakahabang naman ang isang to. Hindi manlang niya naranasan ang sayang naidulot ng star city at iba pang amusement park sa buhay ng mga tao. Kawawang nilalang talaga ang isang to. Nadudurog ang puso ko para sa kanya. T T
"o-oy! Bat ka ganyan makatingin sakin ha?!
Napailing ang ako "wala. Tara na sa loob" sabi ko sa kanya ng may nakakaawang tinig habang awang awa din na nakatingin sa kanya.
"oy! Tigilan mo nga yang mga tingin na yan! Kinikilabutan na ko eh!!"
Natawa ako bigla sa itsura niya. Asar na asar siya eh. Wahahahahahaha.
Bumili kami ng ticket ni Stephen. Syempre libre niya eh, siya kaya nagyaya ng date. At ang pinabili ko naman sa kanya yung ride-all-you can na ticket plus winter fun land at laser blaster. Php500 din ang isa nun. Kaya nanlulumo siyang naglabas ng isang libo sa wallet niya habang bumubulong na"I can't believe this! I'll waste 1000 pesos para sa isang pambatang lugar!"
Tinawanan ko lang. Pambata pala ha? Mamaya lalamunin niya ang mga sinasabi niya! Bwahahaha.
Nung nakapasok naman kami sa loob, hinila ko agad siya doon sa mga rides.
"tara Stephen doon tayo!!" tinuro ko yung star flyer sa kanya
"gusto ko dun" napatingin ako sa kanya and nakita kong hindi siya nakatingin doon sa star flyer instead nakatingin siya doon sa mga taong nakaupo habang naka babad ang paa sa isang mini pool. Tinignan ko yung tarpaulin
"Dr. Fish?" sabi ko habang nakaturo doon.
"oo masarap ata doon nakaka relax!"
"eeeehhh! Kakagatin lang naman ng mga isda yung paa mo diyan eh! Boring! Sakay na tayo sa rides!!" hinila ko naman siya kaso ayaw niya talaga umalis doon
"eh gusto ko diyan eh! Diyan muna tayo!! mamaya na yung rides na yan!" tuloy tuloy siya naglakad papunta kay Dr. Fish. Hay ano pa nga ba magagawa ko?! Libre niya to eh.
Hinubad na namin yung mga sapatos namin then inilubog yung paa namin doon sa mini pool. Agad naman nagsilapitan yung mga isda at kinagat kagat na ang paa namin. Medyo nakakakiliti sa una pero pag sanay ka na marerelax ka talaga. Palagi namin dinadala dito si daddy pag pagod sa work kaya naman sanay narin ako dito.