[CRITICAL CONDITION]
Richard’s Point Of View
“Mamili ka, Del Moral! Ang siyudad na ‘to o ang anak mo?!” Nakangiting tanong ng rebelde sa akin.
“Hayop ka!” Sigaw ko at tinutukan siya ng baril.
“Sige iputok mo, nang sumabog rin ang utak ng batang ‘to!” Hamon pa niya sa akin.
“Tatay, barilin mo na po sila.” Sabi pa ng anak ko.
“Hindi anak, hindi ko kakayanin kung mapapahamak ka.” Sabi ko. Ibinaba ko ang baril na hawak ko at tinaas ang kamay ko. “Pinagbigyan ko na kayo sa gusto ninyo. Kaya pakawalan niyo na ang anak ko.”
Pinakawalan nga nila si Kiana. At nang makalapit na si Kiana sa akin ay kaagad ko itong niyakap ng mahigpit.
“Tatay!” Umiiyak na tawag ni Kiana sa akin.
“Ligtas ka na ngayon, Anak.” Sabi ko sabay halik sa noo niya. “Magtago ka diyan sa kotse, Anak.” Utos ko sa kanya at sinunod naman niya ako, nagtago siya sa likod ng sirang pulang kotse.
“Mag-iingat ka, Papa.” Sabi pa ni Kiana sa akin.
“At tila ang magiting na sundalo ng Canalita ay sumuko!” Pangungutya pa nila sa akin at tumawa sila.
“Diyan kayo nagkakamali,” Sabi ko sabay pulot sa baril, “hindi ako susuko!” Dagdag na sabi ko at binaril silang lahat. Natamaan ko ang tatlo sa kanila pero nakaiwas ang dalawa pa sa kanila. Nabaril ako ng isa sa kanila at tumama ito sa dibdib ko.
“Tatay!” Dinig kong sigaw ni Kiana.
Lumapit sa akin ang dalawang rebelde at ngumiti na para bang nakalamang sila. “Ang dating magiting na sundalo... ngayon ay nag-aagaw buhay.” Aniya sabay tawa.
Nakita kong lumapit silang dalawa kay Kiana. “Bad ka, napakasama mo.” Sigaw pa ni Kiana at pinagsusuntok niya ang dalawang rebelde. Nakita kong walang awa din nilang pinagbabaril ang anak ko kaya naman ay sa huling pagkakataon ay bumangon ako at binaril silang dalawa.
Natumba ako pero gumapang ako papunta sa anak ko, “Kiana, Anak ko.” Niyakap ko siya at umiyak ako dahil sa nangyari sa kanya. Tumawag ako ng back-up para maligtas ang anak ko. “Bravo Team, Bravo Team,
this is Alpha Leader, nandito kami ngayon sa tapat ng simbahan, dito sa St. Laurent Cathedral. At kailangan namin ng tulong ninyo, ngayon din!” Sabi ko sa radyo.
Mabilis na sumagot ang team, [“Alpha Leader, this is Bravo Team. We’re on our way, Sir! Over.”] Tugon pa nila saka ko ibinaba ang radyo.
Hinihingal ako sa sobrang pagod, at ngayon ay yakap yakap ko ang anak ko, “Lumaban ka, Anak.” Sabi ko at hinalikan siya sa noo. “Magkakasama pa tayong apat.”
Deceryl’s Point Of View
Nakaupo ako ngayon sa may sofa, at abala ako sa pag-i-scroll sa InstaBook, at ngayon lang ay dumaan sa newsfeed ko ang profile page ng Canalita City Updates. May bago itong video post na alam ko ay news update.
“Anong na kayang update sa Canalita ngayon?” Tanong ko sa sarili.
“Nakakalungkot na araw, kapwa kong taga Canalita. Sa ngayon ay dinadala na ng medical team ang mga sugatang sundalo sa kanilang kampo dahil sa laban na naganap kanina sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo. May ibang mga namatay at may iba naman na nasa kritikal na kondisyon. Isa na nga dito ay ang Alpha Leader na si Private Del Moral na ngayon ay may tama sa dibdib at ang isang bata na may tama ng bala sa may tagiliran.” Ulat sa balita, at naibagsak ko ang tablet ko sa nakita ko.
“H-Hindi, h-hindi pwede!” Sigaw ko at hindi ko napigilan ang sarili na hindi umiyak. “Ang mag-ama ko!”
Nagmamadaling pumasok sina Cherrie at Trisha para tingnan kung ano ang nangyari sa akin. “Ate Dec, bakit ka sumisigaw? anong nangyari sayo?” Tanong pa ni Trisha sa akin.
Pinulot ni Cherrie ang tablet at napanood rin niya ang video, “Si Richard at si Kiana!” Gulat na sabi ni Cherrie. “Dec, ginagamot na sila ni Dad.” Aniya at niyakap ako.
“Magiging okay din sila, Ate.” Dagdag pa ni Trisha at niyakap din ako.
“Hindi ko kaya... hindi ko kayang mawala sila sa akin.” Humahagulhol na sabi ko.
“Shhh! Everything will be fine.” Bulong pa ni Cherrie sa akin.
“Let’s just pray na maging maayos ang kalagayan nila.” Ani Trisha at kumuha ng tubig at pinainom ako.
Nandito ako sa dalampasigan, nakaupo at naglalaro sa mga buhangin. Ito pa lang ang unang pagkakataon na nag-bakasyon kaming may kahalong lungkot at pait, dahil hindi ko kasama ang mga mahal ko. I didn’t enjoy this summer, all I got was summertime sadness.
“Masaya sana kung sama ko kayo.” Sabi ko habang sinusulat ang pangalan naming tatlo sa buhangin. “Pero magkikita pa naman tayong tatlo, mabubuo pa rin ulit ang pamilya natin. May bagong dadagdag sa pamilya natin.” Dagdag ko, at hindi ko napigilan ang sarili na umiyak.
Richard’s Point Of View
2 months later
At hindi rin nagtagal, ay natapos din ang digmaan sa Canalita nang dumating ang tulong mula sa siyudad ng Soledad. Nagpadala sila ng mahigit limang daan na sundalo at nabuwag na nga nila ang grupo ng mga rebeldeng mahigit nasa 800 ang bilang. Matapos ang giyera ay muling bumangon ang siyudad ng Canalita.
“Narito ako ngayon upang magbigay tulong sa bawat pamilyang naapektuhan ng giyera. At narito ako dahil nais kong magbigay sa inyo ng mga ayuda, at pangakong ipapaayos ko ang bawat tahanan niyo na nasira dulot ng giyera.” Sabi pa ni Mayor Carlo Acosta sa amin.
“Maraming salamat po, Mayor Acosta.” Sabi pa ng mga tao sa paligid. Papalapit sa aming mga sundalo si Mayor Acosta at sumaludo siya sa amin.
“Good job, Soldiers of Canalita, y’all fought a good fight!” Sabi pa niya sa amin.
Sumaludo rin kami sa kanya bilang paggalang, “It’s our duty to protect our city, Mayor.” Sabi pa naming lahat.
“Thank you po, Mayor Acosta. Ang bait niyo po sobra.” Sabi pa ni Kiana at niyakap si Mayor.
Nag-abot ng tulong si Mayor Acosta sa amin, tinupad niya ang mga pangako niya. Nagbigay siya ng ayuda sa amin at ngayon ay naipaayos na nga niya ang mga nasirang bahay namin. Nandito kami ngayon ng anak ko sa bahay naming gawa sa kahoy. Pumasok na ako sa loob humiga upang magpahinga.
BINABASA MO ANG
SUMMERTIME SADNESS
Mystery / ThrillerLOVE & TRUST SERIES: 001 Synopsis: The story unfolds around the passionate love story of Deceryl Del Moral and Richard Mon Del Moral, set against the backdrop of their beloved city, Canalita. Richard, a dedicated soldier, finds himself deployed to a...