[TFT] Chapter Twenty-Four

222 8 0
                                    

Chapter Twenty-four

Nagulat ako sa sinabi ni Trent. Ang inaasahan kong sasabihin niya ay mahal niya si Marie pero bakit iba ang naririnig kong pinagsasabi niya?

Gulong-gulong ang isip at puso ko. Mixed emotions flooded within me. Kailangan ko munang lumayo at makapagisip-isip.

I glanced at him for the last time. Nakaupo siya sa tabi ko habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at parang wala na ito sa kanyang sarili. Sinamantala ko ito upang makatakas. Kailangan kong mapag-isa. Bigla akong tumayo at walang lingon-likod na tumakbo palabas ng aking kubo.

"Para sa'n 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Nag-pa-practice lang kaming mangharana. Sige na, bumalik ka na do'n sa JB mo." Sabi nito.

"Nagpa-practice mangharana? Para saan? Para kanino?" Tanong ko na binalewala ang pantataboy nito.

" Para kay Marie." Nakayukong sagot nito.

Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang usapan naming ito. Pinaglalaruan mo ba ang mga damdamin namin, Trent? Ano ba ang nagawa namin sa'yo? Ba't mo ginagawa sa'min 'to?

Takbo pa rin ako nang takbo. Hindi ko alintana na sobrang nananakit na ang mga paa ko. Nakayapak pa rin ako habang tinatakbo ko ang kalsada. Ramdam kong nasugat ang mga paa ko dahil sa mga shells na naapakan ko kanina habang walang habas kong sinuong ang hanggang tuhod na tubig alat.

"Sharleeeeneeee!" Narinig kong sigaw ni JB kasunod ng malakas na busina ng sasakyan.

Tila binuhusan ako nang malamig na tubig nang makita ko si JB na bumagsak sa lupa. Dali-dali akong lumapit sa kanya habang nagkukumahog naman ang lalaking nakabangga sa kanya.

"I'm sorry Miss. Hindi ko sinasadya ... akala ko kasi nakita mo na paparating ako." Sabi nito habang tinutulungan akong buhatin si JB na tila hira na hirap kumilos.

"Mamaya na tayo mag-usap. Ang importante, madala natin sa ospital si JB." Sagot ko dito.

Tumango lang ang lalaki at pagkatapos ay isinakay si JB sa backseat.

"Ano'ng nararamdaman mo?" Tanong ko sa kanya habang nakaunan siya sa'kin.

"Masakit ang mga binti ko." Sagot nito.

Hindi naman ito nawalan ng malay pero marami itong galos sa katawan.

Ilang sandali lang ay nakarating naman kami sa pinakamalapit na ospital. Kinakabahang-napaupo ako sa labas ng emergency room.

Hindi ko naisip na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari, lalo lang nadagdagan ang aking mga alalahanin. Hindi ko na talaga alam kung ano ang aking iisipin. Ba't kailangang maging ganito kahirap? Ba't kailangan kong maranasan ang ganitong sitwasyon? Dahil na rin siguro sa bigat ng aking nararamdaman ay tuluyan na 'kong napaiyak.

"Miss? Ikaw ba ang kasama ni Mr.Rojo?" Tanong ng doktor na umasikaso dito.

"Opo. Kamusta na po siya?" Nag-aalalang tanong ko.

"We have performed radiographic imaging and based on the result, he has a leg fracture kaya kinailangan naming mag perform ng bone grafting to repair the damage bone. He's life is not at stake but he will not be able to walk for a month or two ... depende sa kung ga'no katagal ang magiging recovery niya." Pagpapaliwanag ng doktor.

"Salamat po dok." Ang tanging nasabi ko bago ito tuluyang nawala sa paningin ko.

Maya-maya pa ay lumabas na ng operating room ang mga hospital staffs para ilipat ng kwarto si JB. I-ti-next ko naman si Marie kung ano ang room number ng kwartong lilipatan nito.

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon