18

9 3 0
                                    

[Ika-labin walong kabanata]

"Miss Athena, ito na po ang iyong bagong kuwarto" saad ni aleng Karina sabay bukas sa pinto nang nasabing silid at agad namang tumambad sa aking paningin ang kulay dilaw na pader. Kalmado akong nag lakad papasok sa pinto nang silid pero sandali akong natigilan dahil sa mga dekorasyon na naka paligid sa loob.

Maraming painting pero lahat iyon ay sunflower na iginuhit ng sikat na pintor, si Van Gogh. Pumanaw na ito subalit tumatak na ang kaniyang mga obra at ang ilan ay napa bilang sa mga maituturing na 'impressionism'.

"S-sino po ang dating may ari nang kuw—" hindi ko na na-ituloy ang aking sinasabi nang mapag tantong wala na pala akong kasama at kausap.
Napa kamot na lang ako sa ulo dahil paulit-ulit nanamang gugulo sa isip ko ang mga painting at ang ganitong ayos nang silid.

Isinara ko na ang pinto upang maka pag pahinga at pansamantalang na upo sa kama. Kahit ngayon lang ako rito, ramdam na ramdam ko ang magaan na atmosphera nang paligid bagay na nakaka dagdag pa sa kumportable kong pakiramdam.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ituon ang tingin sa paligid. Bakit ba kasi puro sunflower rito? Tuloy, nag sisimula nanamang mag halo-halo ang aking emosyon. Tsk, una ay saya, saya dahil paborito ko ang sunflower, pangalawa, hindi maunawaang kasabikan at ang huli ay mag ka halong sakit at lungkot. Tsk. Bakit ko nanaman ba na aalala ang lahat.
Napa ngiwi na lamang ako bago maka dama nang pagka bagot. Muli ko na lamang inilibot ang aking paningin sa paligid at saka naka ipon nang sigla upang pakialaman ang disenyo at mga gamit.

Nag simula na akong mag-libot sa katamtamang sukat nang silid. Siyempre, hindi ako maka kampante hangga't hindi ko na sisiyasat ang kabuoan nang kuwarto.

Maganda ang bawat detalye nang kuwarto, maaliwalas, presko sa paningin, malinis, mamahalin ang mga gamit, pero bakit parang may kulang? Sandali akong naka pag isip isip at isang magandang ideya ang nag laro sa aking isipan pero . . . Antok. 'yun ang naging hadlang para ipag-patuloy pa ang gawain kung kaya't agad na lamang akong lumundag sa kama at ilang minuto pa ang naka lipas nang matagpuan ang sariling may mahimbing na na tulog.

***

Third peron's POV.

"Arlo, saan mo ba ako dadalhin?" Inis na wika ni Sofia habang ma-ingat na hinahakbang ang paa upang maka iwas sa pagka-dapa. Naka piring kasi ito gamit ang mala-lapad na palad ng binata na siyang mag hahatid nang surpresa.

"Oy! Arlo ano nanaman ba kasi ito? Nai-inis na ako!" Ulit pa nito subalit nanatili lamang ang ngisi ng binita tanda nang pangiinis."Hoy! Ano kaba? Imbes kasi nandodoon ako sa bahay, gumagawa nang mga assignments and project, heto! Ina abala mo pa ako. Kaya ayan, since busy ako at inaabala mo ako, sabihin mo na kung saan tayo pupun—" natigilan sa walang humpay na pag sa-salita ang dalaga at napa pikit dulot nang matinding sinag na nangga-galing sa sasakyan.

"Saan tayo pupunta? Ha?, nako! Saan ba galing ang sasakyan na 'to? Hayst. Mamaya . . .  ninakaw mo 'no"

"Shsh, shsh, ang ingay mo talaga Sofia, ang mabuti pa, sumakay kana lang at siguradong magiging masaya 'to" giit nang binata subalit hindi parin niya nagawang makumbinse ang dalaga. Hay. 'Paano ba naman, malupet na babae ang napili mo'.

"Hindi ka sasakay" Mapag banta nitong ani subalit inirapan lamang siya nang dalaga at dahil dun, mabilisan niyang pinasan patiwarik ang dalaga na mgayon ay naka bihis uniporme parin.

You'll also like

          

Nasa gilid lamang sila nang kalsada kung kaya't may ka ingayan ang paligid. Lalo pa't nasa squatter area naka tayo ang kanilang tirahan.

"Arlo! Tarantado ka talaga! Ibaba mo ako!" Hampas nang hampas si ang dalaga sa likod nang binata subalit hindi ito natinag hanggang maiupo ang wala nang magawang si Sofia.

"Nakaka inis ka talaga!" Inis nitong sigaw na sinabayan nang pag lipad ng libro na tuluyan nang nag landing sa pag mumukha nang binata.

"Nakaka inis na pala ang mga pogi ngayon?" Pilyo naman nitong ani subalit inirapan na lamang siya ni Sofia sabay sabi nang 'Corny mo talaga'.

Dinampot ni Arlo ang libro at saka nag paandar nang kotse na na hiram lamang niya sa kaniyang kaklase sa unibersidad.

GABI na nang marating nila ang isang madilim na lugar at tanging mga huni lamang nang kuliglig ang maririnig

"Saan mo ba ako dinala? Bakit ang dilim?" May pagtatakang tanong ni Sofia subalit hindi siya nito inimik. Bagay na nakadagdag lamang sa inis na nararamdaman nito.

Pinag buksan siya ni Arlo nang pinto at sabay na tinahak ang madilim na gubat.

"Kung saan saan mo talaga ako dinadala ha! Alam mo bang marami pa akong school report na tatapusin, 'yung script sa roleplay, ako 'yung lider dun, Oo nga pala, meron pa akong tatapusing power point para sa Algebra! And 'yung essay, nag papatulong sa akin 'yung pinsan ko! Nako kanaman talaga Arlo! Pinapahamak mo ako! Kapag ako talaga na sermonan nang bwesit kong pro—" natigilan sa kadadakdak ang dalagang si Sofia nang mabalot nang mahika ang kaniyang mata.

"Arlo . . . Totoo ba 'to?" Manghang saad ni Sofia na napa kapit na sa bisig ng binata dulot nang tuwa. "Oo Sofia, totoo nga" naka ngiting tugon ni Arlo ngunit ganun na lang ang pagka bigla niya nang mag tatalon si Sofia habang naka dipa ang mga kamay.

"Arlo ang galing 'no" naka talikod siyang nag wika dahil naka pako na ang kaniyang tingin sa milyon milyong alitaptap na na bumabalot sa mapanglaw na paligid.

Naka ngiting nag lakad si Arlo palapit kay Sofia upang saluhan siya sa ligaya na nadarama. Malakas ang hangin sa lugar na iyon kung kaya't hindi maiwasang hanginin ang kanilang mga buhok, lalo na ang sa dalaga na ngayon ay nililipad na nang hangin.

"Nakaka tuwa naman sila, ano bang pangalan nang lugar na 'to? Saka pano mo 'to na discover? Ang galing mo naman, nako! Masyado mo naman akong pina pasa—" muli, hindi nanaman nagawang ma ituloy nang dalaga ang kaniyang mabilis na pag sasalita dahil na lang sa pagka mangha nang may isang alitaptap ang dumapo sa kaniyang balikat"

"Oh my god! Kukunin ko na ba siya at ikukulong sa bote?" Akma niya na sanang dadamputin ang isa na naka dapo sa kaniya nang agapan ito ni Arlo.

"No! No! Sofia! Hindi mo siya pwedeng ikulong," napa kunot naman ang noo nang dalaga sa isipin na napaka kill joy nang kasama niya. "Maikli lamang ang buhay nila at kailangan nilang maka pamuhay ng maayos kasama ang iba at ang kalikasan"

"Ang dami mo talagang alam Arlo! Pero sige na nga" napipilitan na sana ng dalagang alisin ang alitaptap nang bigla na lang itong lumipad.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now