IVAN
Hindi ko alam na pupuntahan niya pala ako sa paaralan kung saan ako nag-aaral kaya nagulat at nahinto ako ng makita siya.
Ngumiti ako kalaunan at nilapitan siya upang yakapin.
"I miss you babe" tangina, lagi ko siyang namimiss kahit nagkita pa lang kami kanina.
Kumalas ako sa kanya kaya binati niya ang mga kaibigan ko. Mariin kong tinignan ang mga ito ng binati din nila si Zia ko. Ipinulupot ko ang kanang kamay ko sa bewang niya. Tangina, nakakaselos.
"Is she your friend, Ivan?"
Gulat akong napatingin kay Ziarra ng magtanong siya. Malambot ang boses niya at alam ko ang tono na iyon. Para akong matatae na ewan dahil 'yong tinutukoy niya ay yung babaeng hindi ko alam kung bakit nandito sa harap namin. Sino ba 'yan? bakit bigla nalang sumusulpot?
"I don't know her babe. I don't even know that she's exist"
Ng tignan ko ang babae ay nakatingin siya kay Ziarra bago nagpaalam na umalis. Sino ba 'yon?
Narinig ko namang tumawa ng mahina ang mga kaibigan ko. Anong nakakatawa?
"Angas mo talaga Ziarra" si Quan
Nakita kong umirap si Ziarra kaya napaawang ang labi ko. Tangina, bakit parang gusto ko ulit siyang makitang umirap?
"Binabakuran ko lang kung ano 'yung akin"
Agad naghiyawan ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi nito. Ako naman ay napaiwas ng tingin dahil sa sinabi niya. Tangina, namumula yata ako. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko. Mas lalo akong namula ng magsimula silang tuksuhin ako.
"Tangina namumula si Ivan" Pakyu, Quan
"Kilig na kilig amputa" tanginamo Zaxchre Yrvos
"Sana ganun din siya sa akin" si Kenji.
"Ganyan pala kiligin ang isang Atienza"
Inanyo.
Matapos kong ihatid si Ziarra sa kanila ay agad akong umuwi para asikasuhin ang nakaplano ko kinabukasan.
Pagdating ko ay nanonood lang sila papa at mama ng tv kaya nagpaalam akong may gagawin muna.
Pumasok ako sa kwarto at agad inilapag ang bag ko. Nagbihis din muna ako bago kinuha ang mga materyales upang gumawa ng bouquet. Sakto naman dahil kahapon lang dumating iyong inorder kong mga libro. Plano ko kasing surpresahin siya.
Nagsimula na akong mag ayos. Bukas ko na ilalagay ang mga tobleron dahil nasa ref pa para hindi matunaw. Bumili din ako ng iilan na sunflower, tulips, at roses upang ilagay sa gilid gilid.
Napangiti ako ng matapos ito. Tangina, magugustuhan kaya niya ito?
Pinag ipunan ko talaga kasi 'to dahil sa mga nakaraan na buwan naming selebrasyon ay gumagala lang kami. Gusto ko ngayon na bigyan siya ng kakaibang surpresa.
Napatingin ako sa mga libro na dati pa niyang gustong bilhin. Nandoon 'yung libro ni Jonaxx, Bluemaiden, JFStories, 4reuminct, Kay KIB, Josh Gonzales at iba pa.
Maaga akong natulog kaya maaga akong gumising. Nagpaalam na ako kagabi pa kina papa at mama na maaga kaming aalis ni Ziarra.
Nakaplano na nakaraang araw pa ang gagawin namin ngayong araw. Magsimba, dalhin siya sa may bundok na makikita ang pagsikat ng araw, bigyan siya ng bouquet of books, mag picnic at iba pa.
Sakto namang natapos ang misa, ay hindi pa sumisikat ang araw kaya agad akong nag drive sa malapit na bundok.
Nagtanong pa siya pero hindi ko muna sinabi kung saan at bakit kami pupunta doon. Huminto na kami kaya pinark ko ng maayos yung kotse. Bumaba ako at pinagbuksan siya ng pinto. Alam kong naguguluhan siya pero binuksan ko muna ang back compartment ng kotse ko.
"Ivan, anong-" Hindi ko na siya pinatapos at dahan dahang iniharap siya sa papasikat na araw.
Napangiti ako ng makita ang mangha sa kanya mukha. Nakangiti ko ding tinignan ang araw.
Ang ganda mo. Kasing ganda mo ang babaeng nasa tabi ko.
Napatingin ulit ako kay Ziarra na manghang mangha pa rin sa nakikita. Nagtama ang mga mata namin at kitang kita ko ang kasiyahan ng mga ito. Damn, ako lang. Ako lang ang kayang makakagawa nito sa kanya. Dapat ako lang.
Niyakap niya ako kaya medyo natawa ako ng kaunti. Ang cute ng ekspresyon ng mukha niya.
"Thank you. Sobrang ganda" ngiti nitong sabi
Sobrang ganda mo din, mahal ko.
"You're welcome babe" hinalikan ko siya sa noo
Kumalas din agad ako at kinuha ang regalo ko sa kanya na bouquet.
"Happy 5th monthsarry babe"
Napangiti ako ng lingunin niya ako na gulat na gulat habang nakatingin sa hawak ko.
"Shock again? Hmm I see" I chuckled
Nanginginig na lumapit siya sa akin at parang maiiyak na. Oh baby, I didn't mean to make you cry because of the happiness but I love how you appreciated my efforts.
Pinalo niya ako sa braso na ikinatawa ko dahil sa ekpresyon ng mukha niya. Kikiligin ka talaga kapag isang Atienza naging boyfriend mo. Ako na'to eh.
"Tanggapin mo na, nasa 14 Wattpad books iyan"
Tinanggap niya iyon at nakita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Damn, medyo na guilty ako dahil sa luha niya.
"Shhh, I'm sorry for making you cry. I just want to surprise you"
"Thank you" mahina niyang sambit
Tumawa ako ng bahagya ng marinig kong suminghot siya.
"You're always welcome babe"
"I love you damn much" Saad ko
"I love you, Ivan" tugon nito
"Pinapakilig mo na naman ako eh" natatawa kong saad kaya natawa na rin siya
"Kaso wala akong gift sayo" nakanguso pa nitong sabi. Tangina, nakakahulog.
"May isa lang akong gusto" lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Manatili ka lang sa tabi ko, that's enough for me"
Sinagot lamang niya ako ng isang mahigpit na yakap. Sapat na para malaman ko ang sagot niya.
Sa ilang buwan naming relasyon, hindi siya vocal sa pagsasalita at dinadaan niya sa ibang paraan para ipaalam sa akin kung gaano niya ako ka mahal.
Kumuha kami ng maraming litrato at hinayaan ko lamang siyang maglikot sa cellphone niya. Seeing her face with a plastered smile on it, makes me keep her more.
Sumilip ako ng kaunti sa cellphone niya at nabasa ko ang mga comments ng mga kaibigan niya. May nabasa din akong ibang tao na kino congrats kami.
"Seems you're very happy" Saad ko
"Happy 5th Monthsarry babe" Saad nito na nakangiti pa
Yumakap siya sa akin kaya ginantihan ko ito ng yakap. Tangina, hindi ko na 'to papakawalan pa.
"I love you Zia ko, ikaw at ikaw lang hanggang sa kabilang mundo"
☕ Sorry sa late ud, it's been a hell week for me. Btw, good luck to your exams!!!