MARCH 28, 2007
BEEP!!
"Ano daw ba tayo? Tayo ba?" text niya sa akin.
"Ewan ko po. Gusto mo ba tayo na?" reply ko.
"Opo? Opo, tayo na." text niya
Para akong baliw na nagtatatalon habang naguusap usap kami ng mga pinsan ko. Hindi naman nila napansin na sobrang saya ko kasi masaya din sila pero sa ibang dahilan. haha! Ewan ko pero iba yung feeling. =)
Ay, ako nga pala si Sib. Simple lang, normal na highschool student, tahimik at mahiyain. Ako yung madalas lagyan sa dedication part ng autograph na "magsalita ka naman!". More or less may idea na kayo kung gaano ako katahimik na tao. Ayoko lang kasi magsalita ng mga bagay na walang sense. Kaya they define me as a serious type person. Pero marunong naman ako magjoke at yung mga close friends ko ang nakaka alam kung gaano ako kadaldal. XD
2005
First year highschool ako nung nakilala ko siya. Her name is Erika, ahead siya sa akin ng one year. We are both scouts. Sa school kasi namin pwede kang pumili kung ano gusto mo between scouting and PE. Since scout ang pinsan ko at kailangan nila magrecruit ng members, nagscouting ako. Take note,kilala ko palang siya dito. Alam ko lang pangalan niya kasi may award siya nung camping at magka group sila nung friend ko. Nothing more.
FFWRD>>
Third year na ko. Hectic na schedule!! Alam niyo naman na third year and pinaka mahirap lagi. Lalo na ang trigo at geometry. Ewan ko nga kung paano ako nakapasa dun. Nakaka hiyang magka line of 7 sa card dahil nabibilang ako sa pilot class. So yun, scout pa rin ako pero this time leader na ako ng group. Yung isa kong co-leader ay pinsan ni Erika. At dun kami nagumpisa maging close. Close nga ba? But I was in love with someone else back then.