6-Someone Took My Heart Away

6 0 0
                                    


Pagsapit ng gabi habang nakahiga sa kwarto ko ay hindi ko maiwasan ang nangyari kanina. Naging curious tuloy ako tungkol sa'yo. Kung ikaw ang partner ni Mike bakit hindi kita nakikita kapag may laro si Mike, kapag magkalaban kami ni Mike. Paano nangyaring magkakilala kayo ni Coach? Bakit kilala ka ng mga kaibigan ko? Kilala mo rin kaya sila? Pero bakit hindi kita nakikita noon?

Kung hindi pa sinigaw ni Coach ang pangalan mo kanina ay hindi ko malalaman na ang pangalan mo ay "Herah."

Herah. Hindi bagay ang pangalan mo sa kilos mo. Hindi bagay ang pangalang Herah sa kung paano ka mag-aasta, kung paano ka mangulit, kung paano ka maging kabute, kung paano ka maging peste. Maganda ang pangalan mo, pero hindi talaga bagay sa mga kilos mo.

Para sa akin, kapag naririnig ang pangalang Herah ay mahinhin, professional, finesse, hindi nangungulit ng lalaki. Intimidating ang dating. Pero baka sa pananaw ko lang 'yun. Hindi ko rin mawari kung bakit inaayon ko ang kilos mo sa pangalan mo.

Hindi agad ako makatulog kaya nagtungo ako sa kusina para i-arrange ang mga pinamili ko. Ang mga grocery ko. Buti na lang talaga at nakapamili na ako, hindi ko na kailangan pang kainin ang mga ibibigay mo. Hindi ko na kailangang magsinungaling sa'yo. Hindi ko na kailangan palihim na kuhanin ang iniiwan mong paper bag.

Ng matapos kong asikasuhin at i-arrange ang grocery ko ay inipon ko na ang kalat para itapon. Nasa likod lang rin naman ang lagayan ng basura, nasa labas ng pintuan ng kusina, pero bago ko pa man ginawa 'yun ay hinanda ko na lang din muna ang mga ingredients para sa lulutuin kong pagkain. Ng dumami na talaga ang kalat ay pinagpasyahan ko ng itapon.

Pagbukas at pagbukas ko ng pintuan sa kusina ay 'yung paper bag na bitbit mo kaninang umaga ang bumungad sa akin, nakalapag lang sa labas. Hindi na ako nagtaka pa, alam kong galing sa'yo 'yun. Ang paper bag na iniwan mo ay para ring ikaw kapag nasa labas ng pintuan... hindi ko pinapansin.

Nagkunwari akong walang nakikita na paper bag habang nilalagay ang mga kalat sa trash bin. Pumasok ulit ako sa kusina at isinara ang pinto, hindi ko binigyang pansin ang paper bag. Pero bago pa man lumampas ang ilang minuto ay binuksan ko ulit ang pinto at kinuha ang paper bag na iniwan mo.

Kagaya noong mga nakaraang tagpo ay nakaupo na naman ako sa kusina habang tinititigan ang paper bag mo, ang kinaibahan ngayon ay may nakasulat sa paper bag mismo.

-WALA KA NAMANG ASO! :p Mag-iingat ka lagi sa pagmamaneho. Arf! Arf!

Hindi ko alam kung matatawa ako o kung mapipikon ako, hindi ko rin maintindihan kung matatakot pa ba ako sa'yo o kung matatakot ba ako ng tuluyan sa iyo. Umikot ka pa pala talaga sa likod ng bahay para masigurado kung may aso ba ako o wala, kung pinakain ko ba sa aso ko o hindi ang pagkain na binibigay mo. Hindi ko alam kung saan mo namana ang kakulitan mo, hindi ko mawari ang pagkatao mo. Isa lang ang alam ko—ikaw ay siraulo at 'yun ay nasisiguro ko.

Napatingin ako sa mga ingredients na hinanda ko, nagdadalawang isip ako kung lulutuin ko ba o hindi ang nasa isipan kung lutuin o kakainin ko na lang itong nasa paper bag.

Unang Tupperware- Note: I am Herah, nice to know you <3

Tama nga ako may unnecessarily letter H nga sa dulo ng pangalan mo. Yung H sa dulo ng pangalan mo ay parang ikaw sa buhay ko, hindi kailangan pero nag-exist. Tiningnan ko kung anong laman sa unang Tupperware.

Lobster na malaki. May sabaw o sauce. Inamoy ko. Wow. Oo, aminado ako, natakam agad ako. Buti na lang hindi napanis.

Sa pangalawang Tupperware, hinuhulaan ko na kanin ang laman. Pero mali ang hula ko.

Pangalawang Tupperware-Note: Mas sweet pa ako sa mga 'to ^_^

Dessert. Sliced na prutas na magkahanay sa gilid. Mangga. Kiwi. Ubas. Strawberry. Mukhang ginamitan ng knife skills ang pagkahiwa. Sa kabilang gilid naman ay cupcake na may design na puso at may nakasulat na I <3 U.

You Took My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon