ELIZA ROSARIO JARDELEZA
Sumalampak ako sa harapan ng simbahan ng Santa Maria delle Grazie gaya ng nakagawian. Hindi ko na mabilang kung ilang araw, linggo, o taon ko nang ginagawa iyon nang hindi nasisilayan ang katangi-tanging lalaki na inaabangan ko sa tapat niyon. Inakala ko nga na lilisanin ko na naman ang pook na iyon na bigo. Kaya ganoon na lamang ang gulat ko nang biglaang marinig ang pamiyar na tunog ng paparating na sasakyan. Tinakpan ko pa saglit ang mga mata nang binulag ako ng kinang nito. Nang alisin ko ang takip sa mata, napanganga ako sa nakita. Ang itim na Cadillac! Napatayo ako agad at napahakbang palapit dito.
"Francesco?" Halos pumiyok pa ang tinig ko nang sambitin ang kanyang pangalan.
Tumawa siya at binuka niya ang kanyang mga braso. Tumakbo ako sa kanyang mga bisig at niyakap siya nang mahigpit na mahigpit. Kung pahiram lamang ang pagkakataong ito, dapat ay susulitin ko na. Baka maglaho na naman siya bigla.
"Na-miss kita nang husto, mahal ko," naiiyak kong pahayag.
Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ang tungki ng aking ilong gaya ng nakagawian.
"Na-miss din kita nang sobra," madamdamin din niyang pahayag.
"Lagi akong nandito sa pagbabakasakaling masilayan kang muli ngunit lagi akong bigo nitong huli. Mabuti't narito ka na at nakikita mo na ako!" Pagkasambit ng huling pangungusap, biglang may tila umilaw sa isipan ko. Nanlaki ang aking mga mata at bigla akong kinabahan. Rumaragasang emosyon ang kasunod niyon. Gusto ko siyang makapiling magpakailanman, pero ayaw ko rin siyang mamatay!
"H'wag kang mag-alala mahal ko. Tapos na ang misyon ko sa mundo," nakangiti niyang wika at inakbayan ako. Inalalayan niya ako patungo sa makintab na kulay itim niyang sasakyan.
Pagkapasok namin pareho sa loob, pinaandar niya ito at tila lumipad kami sa alapaap. Paglingon ko, kasing laki na lang ng langgam ang simbahan na naging pasyalan ko simula nang mapadpad sa dimensyong ito. Inakala kong malulungkot ako sa paglisang iyon, pero hindi pala. Mas nangibabaw ang kaluwalhatian at kapayapaan sa puso ko.
Hinilig ko ang ulo sa kanyang balikat. Ginagap naman niya ang isa kong palad at dinala sa kanyang mga labi. "Mula sa araw na ito magpakailanman, hinding-hindi na ako mawawalay sa tabi mo, mahal ko."
Humilig ako lalo sa kanyang balikat. At sa unang pagkakataon simula nang magkahiwalay kami, ipinikit ko ang aking mga mata nang may payapa sa aking puso.
**********
ELIZA ROSARIO JARDELEZA
"Francesco!"
Napabangon ako. Nagulat naman ang katabi ko.
"Who?" tanong ni Alessio. He was squinting at me. Napabangon siya nang slight. Bumaba ang kumot sa baywang niya at nasilayan ko ang makinis niyang dibdib at tiyan. Nag-init ang mukha ko nang maalala ang pinaggagawa namin noong nakaraang gabi. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"Who's Francesco?" tanong niya sabay hikab.
Itinaas ko ang mga tuhod at niyakap ang mga ito.
"Napanaginipan ko ang iyong ama," sagot ko. "Sinundo raw niya ako sa Santa Maria delle Grazie at isinakay sa kanyang makintab na Cadillac. Imbes na sa highway dumaan ang kotse, sa alapaap ito dumeretso. And I felt like that was the end of it all, na hindi ko na makikita muli ang simbahan. Imbes na malulungkot ako, I felt peace inside of me."
Pinangunutan ng noo si Alessio. "That's weird. It probably wasn't you but Aurora. I think Papa has finally found her in the afterlife."
Napalingon ako kay Alessio. Naisip kong ang guwapo-guwapo pa rin niya kahit na kagigising lang. May mumunting facial hair nang tumubo sa kanyang pisngi, pero hindi man lang ito nakabawas sa amo ng kanyang mukha. I must have done something good in my past life to have this man in my life now.
BINABASA MO ANG
KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]
RomancePapa-expire na ang working visa ni Eliza sa Italy nang makilala niya si Alessio Conti. Suki ito ng coffee shop ng kaibigan niyang si Manang Cora. Nag-offer itong tutulungan siya sa kanyang problema kapalit ng pagsama niya sa lugar ng lalaki sa Lomba...