Chapter 25

47 0 0
                                    

Walk


"Huh? Saan ba 'yan, architect? Akala ko ba sa site tayo magkikita?"


Napabuntong-hininga ako habang katawag si Architect Gigi. Lumabas ako ng bahay para tumawag sa kaniya. Natagalan pa ako dahil mahina ang signal dito.


"Basta, architect. Saka na ako mag-eexplain. Tawagan mo ako kung malapit ka na. Sunduin nalang kita sa may kanto."


Naalala kong wala nga pala akong sasakyan. I sighed again and cut the call. Bumalik ako sa bahay para sabihin kay Armando na kung pwedeng hiramin ang sasakyan niya para masundo ko si Architect Gigi. Malayo pa naman do'n sa kanto. 


"Tayong dalawa na ang sumundo sa kaniya." He suggested. 


Ayaw niya bang i-drive ko ang sasakyan niya? I think so. He has a luxurious car and no one should ever drive it except him. I agreed to that and when Architect Gigi called, I knew that she's near Zambales already. Inaya ko si Armando na pumunta na. Mas mabuting hintayin nalang namin si Architect doon kaysa lumampas pa siya.


Ilang minuto lang din naman namin sa kanto, namataan ko na ang sasakyan ni Architect Gigi. Bumaba ako para makita niya ako. I'm sure she saw me because she slowed down when she's nearing us. Tumigil siya sa tapat namin. Sumulyap siya sa sasakyan kung sa'n ako lumabas...at alam kong nakita niya rin kung sino ang nasa loob no'n dahil makahulugan niya akong tinignan matapos niyang lingunin iyon.


"Dito 'yong daan, architect." Tinuro ko ang kantong papasok. "Sundan mo nalang kami." Sabi ko.


She nodded. Pumasok na rin ako sa sasakyan. Agad akong lumabas no'ng nakarating kami sa bahay. Armando went out, too. He neared me. Tumabi siya sa akin habang hinihintay ko si Architect Gigi. Lumabas si Architect at kita ko ang namumuong hiya sa mukha niya. Tahimik siyang pumunta sa amin. Parang hindi nag-iingay kung dalawa lang kami ang nag-uusap at inaasar ako.


"Good afternoon po, Sir!" Agad nga lang nawala 'yong hiya niya.


Pinanlakihan ko siya ng mata.


"Good afternoon." Armando said coldly.


Architect Gigi smiled to both of us. 


"Iyong mga gamit mo, architect? Tulungan na kita..." Sabi ko at hihilain na sana siya palayo.


Kaso...


Biglang hinila ni Armando 'yong palapulsuhan ko para pigilan sa gagawin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya.


"Let me..." He said and walked away.


Lumapit siya sa sasakyan ni architect. Nanlalaki ang mga mata ni Architect Gigi sa akin. She's in awe. She was fast to react when I looked at her. Tumitili siyang nilapitan ako.


"Alam ko na kung bakit dito tayo, architect..." Aniya, nakangisi.


Revenge Series 1: Prisoner of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon