CHAPTER 05

3 0 0
                                    

(Irene's PoV)







Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Anton.

"Ano ka ba naman, hindi mo naman kailangan makipag sapakan sa kaniya." Hinarap ko ito at hinawakan sa mukha. Tinitignan ko baka may galos siya.

"Hindi naman ako na sapak huh, 'wag ka ng mag-alala i'm fine okay." Ngiti nito pero inirapan ko lang siya.

"Kaibigan mo parin iyon hindi mo dapat sinapak." Namilog naman ang kaniyang bibig.

"So, mas concern kapa sa gunggong na 'yon."

"Hindi naman sa gano'n Anton. Ayaw ko lang talaga na nakikipag-away ka ng dahil sa akin. Totoo naman na hindi nila ako nalapitan o nahawakan." Kinuha nito ang kamay ko at marahang pinisil.

"Kahit makipag-basag ulo ako, wala sa akin iyon dahil kayang kaya ko silang durugin 'wag ka lang mabastos. Handa akong protektahan ka Irene, gano'n ka kahalaga sa akin." Sinsero akong ngumiti. Nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng ganitong kaibigan. Na maranasan na maipagtanggol ako.

"Thank you Anton, psh halika sa loob at pagtitimplahan kita ng kape, ng mahimasmasan naman ang kalasingan mo."

"Hindi naman ako lasing eh, mag uumpisa pa nga lang kami." Kunyaring nagugulat ako.

"Ay talaga ba, wala ka palang tama niyan huh, nagda-drama ka lang kasi sa harapan ko kapag nakainom ka eh." Pigil kong tawa, alam kong mapipikon na naman ito sa mga biro ko.

"Ikaw talaga, hindi naman ako nagda-drama totoo ang lahat ng sinabi ko okay, tsk." Sabay pisil sa akin ilong na aking ikina-aray kaya mahina ko itong pinalo.

Nakarating kami sa kusina at ipinag paalam ko kay manang Julieta na titimplahan ko si Anton ng maiinom. Nakipag-kumustuhan din si manang kay Anton. Pinilit ko pa siyang maghintay doon sa living area ngunit hindi naman ako nagwagi. Ang kulit talaga.

"Heto ang coffee mo." Lapag ko sa mesa. Kaming dalawa na lang ang nasa kusina. Napapikit pa ito sa sarap ng malagok ang kape.

"Hm, maayos na ba kayo ni Franco?" Tanong ko ng mailapag niya ang tasa. Umiling naman ito. "Eh bakit magkakasama kayo?"

"Si Robert talaga ang kaibigan ko at friend din siya ni Franco. Si Robert lang din ang nag-aya sa akin na sumama dahil iinom sila sa mansyon ng Rueda. Eh naisip agad kita, gusto kita makita kaya sumama ako." Naglapat ang labi ko. pinigilan ko ang pagkailang. Alam kong nakainom si Anton dahil nasasabi niya ang mga ganito sa harap ko. Base na rin sa pamumula ng kaniyang pisngi.

"Kapag tapos niyan, umuwi kana. Magpahinga kana Anton."

"Wow, pinaalis mo na agad ako. Tsk susumbong kita kay tito Sergio." Malungkot nitong saad. Inirapan ko siya.

"Natural alangan magdamag tayo rito mag-usap. May trabaho pa ako, pero dahil isa kang Rueda ay pinayagan ako ni manang Julieta na asikasuhin ka.

At saka, medyo may pagtatalo kayo ni Franco. Ayaw kong pati kayo mag kasakitan." Patuloy ko pa. Malalim itong bumuntong-hininga.

"Okay ma'am, uuwi na po ako. By the way, sunday bukas baka pwede tayong mamasyal, magsimba. Wala ka naman siguro no'n pasok?" Ngumiti ako rito.

"Sige, magandang ideya iyan, isasama ko si Mico. Halos bibihira na rin kami makapag simba." Lalong lumawak ang ngiti ng loko na ito.

***

Nang maka-uwi si Anton ay nagpatuloy na ako sa paglilinis ng pinggan. Pasimple akong tumingin sa pool area. Mukhang okay naman na ang mga kaibigan ni Franco lalo na si Vincent dahil abala na ito sa pakikipagtawanan sa mga babae. Samantalang seryosong  seryoso ang mukha ni Franco habang may hawak na baso ng alak. Ang girlfriend nito ay nakalingkis sa lalake habang humihimas sa dibdib ni Franco. Mabilis kong binawi ang tingin ng akmang magagawi ang tingin nito sa akin.

Hindi na ako pinalabas ni manang Julieta nang malaman ang nangyaring gulo. Samantalang hindi rin nagustuhan ni Mama ang nangyari. Nagpasalamat pa ito dahil naroon si Anton para ipagtanggol ako sa pambabastos.

"Kaya kapag na riyan ang mga kaibigan ni senyorito Franco ay huwag ka ng lumabas. manang julieta, pwede ho bang ibang gawain na lamang po ang ibigay nyo kay Irene lalo kung nariyan ang mga kaibigan ni senyorito." Pakiusap ni Mama.

"Oo naman Nelia, ayaw ko rin na magkaroon pa ng gulo mahirap na iba rin ang ugali ni donya Esmeralda." Mahinang saad ni manang Julieta.

Alas siyete na ng gabi ay kinuha ko na ang bag ko. Nakapag palit narin ako ng damit. Nagpaalam na kami sa ibang katulong para umuwi.

"Ay naku, kuhanin mo nga sa kusina iyong tupperware. Naiwan ko ang ulam, para kina Mico iyon." Utos ni Mama.

"Opo ma," ngiti kong saad. Paniguradong matutuwa na naman ang makulit na batang iyo kapag nakita ang adobog manok. Dahil marami pa naman ang natira ay ipinauwi na saamin iyon ni manang. Wala ng tao sa kusina. Dahil linggo bukas ay maaga ng nagsitulog ang katulong dahil ang iba ay uuwi sa kanilang pamilya.

Dinig na dinig ko pa ang lakas ng musika galing sa pool area. Agad kong nakita ang tuppeware. Naghanap ako ng plastik na paglalagyan. Ngunit kamuntik na akong mapatili ng may yumakap sa aking beywang habang ang isa niyang kamay ay nakatakip sa aking bibig. Mabilis na gumapang ang kaba sa aking dibdib nang maalala ang mga kaibigan ni Franco.

Akma ko ng kakagatin ang kamay nito na nasa bibig ko ng maiharap ako nito. Ganoon na lang talaga ang gulat ko na si Franco ang tumambad sa akin. Namumula na ang kaniyang pisngi ngunit makikita sa kaniyang mata na hindi pa ito gano'n kalasing.

"F-Franco?" Ngumisi ito.

"Franco huh?" Agad akong napayuko at nanghihingi ng paumanhin.

"Se-Senyorito Franco? Bakit po? M-May kailangan pa po ba kayo?"

"Tsk, boyfriend mo pala ang sira ulo kong pinsan na 'yon." Hindi naman agad ako nakasagot. Ilang segundong katahimikan ang namagitaan sa amin. Malikot ang mata ko dahil kung saan-saan ako tumitingin ayaw kong magdampi ang aming paningin.

"Uh, senyorito kailangan ko na pong umuwi, naghihintay na po si Mama sa lab–" natigil ako ng iakap niya ang kaliwang kamay sa aking bewang at ang kanan naman ay sa aking batok. Marahan niya iyong hinihimas.

"Tell me? Anong klaseng boyfriend ang pinsan ko? Magaling ba sa kama? Satisfied kaba kapag...." binitin nito ang sasabihin dahil tinitigan nito ang aking babang parte. Nagsalubong ang noo sa galit. Itinaas ko ang kamay ko at handa na itong isampal aa kaniya nang mabilis niya rin itong nahawakan. At ang sumunod na nangyari ay hindi ko napaghandaan.




B.S

A Million TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon