Chapter 22: New Encounters

59 3 0
                                    

#SYATSNewEncounters

LOOKING for my classmates! 2A po ako.

Post ko 'yan sa Facebook Group namin ng PU ng aming course lang. Makailang saglit ay biglang may nag-comment sa post ko at tinignan ko nga ito. Sila na siguro ang mga kaklase ko.

Shaira Taylor
pasingit po thanks

Petersen Cadales
pasali po ate

Genji Jay-r
Two Eyyyyyyy HAHAHAHHA

Natawa naman ako dahil sila lang pala 'tong mga nag-comment na ito. Maya-maya ay may mga ibang pangalan na akong nakita.

Danyael Klave
hello po paadd din po po sana thank you po

Wattine Austin Vachirawit
Just DM me para maadd ka po sa gc💖

Nag-direct message nga ako sa Austin na 'yon at salamat na na-add kaagad ako sa group chat, kaya naman pagka-add ni Austin sa akin sa group chat namin ng BSBM 2A ay in-add ko rin sina Jacques, Peter at si Genji. Maging nga 'yung nakita kong pangalan na Danyael at 'yung iba pa na nag-comment sa posts ko ay naka-add na rin pala rito sa group chat. Currently naga-add lang 'yung Austin sa group chat na 'to.

Pakiramdam ko ay nagbago na naman ang lahat. Parang ayun lang, nangyari lang ang magagandang pangyayari tapos magkakaroon ulit ng bago at magkakaniya-kaniya talaga rin kami.

In short, 'yung ngayon is the new encounters.

Kami nina Shai maging nung mga kaklase ko last school year ay nagkadesisyon na magtulong-tulungan pa rin. Hanggang sa lumipas nang magpasukan na nga ngayon, September Month ulit.

Sa mga lumipas kasi na araw ay palagi kong kausap sina Peter, Jacques at Genji dahil may group chat kaming apat na sarili. Ilang araw ko nga rin iniisip kung aamin ba ako kay Genji kasi ayon ang ino-open up ko kay Peter kamakailan lamang, 'yung feelings ko for Genji.

Peter:
Baka kasi alam na nga nya😭

Me:
Ewan ko HAHAHHAHAHA yan din sinasabi nila Shai

Ayan 'yung chat namin ni Peter no'n. Palagi 'yan din sinasabi nila sa akin kaso baka naga-assume lang ako kaya bahala ba lang.

And now, it's present time... Online class kami ngayon sa first subject namin in this Monday na "Living in IT Era" at talaga namang nakakapanibago ang mga kaklase ko na ngayon.

President namin ngayon dito ay si Austin, siya pa lang ang kakilala ko sa mga bago kong kaklase and our Secretary naman is mabuti na lang na si Peter, then ang Vice President namin ay hindi ko lang kilala.

"Okay, class. All of you will introduce yourself to me and to your classmates. First is name niyo, age, saan kayo nakatira at saan kayo galing na section. And lastly, I know that you're taking a degree na Business Management, but I just want to know why? Why did you choose BSBM? Let's start for the officers," mahabang litanya ni Ma'am.

As expected, introduce yourself kami. Ganito ang feeling ko noong first day of class ko rin sa wanbee. Open cam pa nga kami ngayon sa pagpapakilala kaya nilunok ko na lang ang kaba ko nung ako na.

"Hello, everyone! My name is Shanaiah B. Zamora, 19 years old, nakatira po ako sa Peteros then my former section is 1B and pinili ko po ang course na ito na Business Management dahil alam kong makakatulong sa akin ito and I'm interested with it. Thank you."

"Okay, thank you, Ms. Zamora," nakangiting sabi ni Ma'am sa akin.

Ayan na lang ang pagpapakilala ko at hindi na detailed na detailed. Okay na rin 'yan. Pinakinggan ko nga rin 'yung kay Genji nung siya na ang tinawag.

See You At The StudioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon