Chapter 20: Care?

88 3 0
                                    

Chapter 20: Care?

Zia's POV

Hindi ko alam kung bat ako napunta sa dito sa clinic basta ang naaalala ko lang na sinabi ko yung tungkol kay Aljur at April kay Christian.

"Zee" rinig kong sabi nung bakla. Joke

"Ikaw ba nagdala sakin dito?" tanong ko sa kanya tsaka siya tumungo. Putnam!

"N-nakita mo ba panty ko!?" diretsong tanong ko sa kanya. Kaya napapoker face lang siya sabay tawa ng malakas!


"Yes kulay Pink" natatawang sabi niya kaya tumayo ako sa pagkakahiga at binigyan siya ng solid punch.


"Aray!" reklamo nung bakla! Dumila lang ako sa kanya at humiga ulit.


"Pwera biro nga ikaw ba talaga nagdala sakin dito?!" tanong ko ulit kaya parang nairita siya.


"Ay hindi Zee! Naglakad ka habang nakapikit tapos nagpunta ka dito sa clinic mag-isa!" ah yun naman pala! Teka! Pano nga pala ako nakapaglakad!?!


"Ang galing ko naman!" manghang naisigaw ko kaya napakamot ng ulo si Christian manyakis bading bakla siraulo at higit sa lahat kiss snatcher. Oh diba? Purga sa pangalan!


"Ganyan ka ba talaga kaslow Zee? Pero pag sa mga kadumihan ng utak expert ka!" aniya ng naiiling-iling pa!


"Okay tanggap ko" sagot ko at natawa


"Ako talaga naghatid sayo dito. Tignan mo alam ko kulay ng panty mo!" -__-


"Suot-suot din kasi ng short Zee. Wag magtipid sa sabon kung ayaw niyo talagang maglaba palabhan mo na lang sa yaya ko!" aniya at napahagikgik sa tawa.


"Manyakis ka talaga!" tsaka ko siya pinagsusuntok. Nakakainis talaga!

Parehas kaming napatigil sa paghaharutan naming dalawa nung marinig naming bumukas yung pinto ng clinic.


"Hey" rinig kong sabi nung pumasok na may kulay pulang buhok na parang si Sakuragi lang! XD


"Lei?" tawag ni Christian dun sa kamukha ni Sakuragi. Tropa nga niya to! Mukha ding basagulero eh.


"Tol! Nandito ka lang pala!" aniya at lumapit kay Christian. Napatingin din siya sakin at ngumiti ng nakakaloko.


"Hi crush." aniya at kumindat >.< .__. G-gwapo siya!


"Ow come on Lei! Wag ka ngang manggulo dito!" sigaw ni Christian . At nakakatawa lang kasi  binebelatan lang siya ni Sakuragi XD


"Bat masama bang magcare sa crush ko?" tinignan nanaman niya ko kaya naman umiwas ako ng tingin. Crush daw ako ni Sakuragi!!!


"Tss. Lalaki lang ulo nyan eh! Di naman maganda yan!" pang-aasar ni Christian kaya naman sinamaan ko siya ng tingin


"Akala mo naman gwapo ka? Pwes kungdi ako maganda edi it's a tie!" pabalik na asar ko kay Christian kaya napatawa yung kaibigan niyang si Sakuragi


"Haha! Cool, crush na talaga kita" rinig kong sabi nung Sakuragi, tsaka inilahad yung kamay niya sakin. Wow ang haba na talaga ng hair ko may gusto nanamang makipag holding hands sakin.


"By the way My name is Lei" englisherong froglet din pala to! Basta mga tropa talaga ni Christian manyak oh! Inabot ko naman yung kamay niya tsaka nagsalita.


"Ako naman si Zi--" O.O Pero hindi pa man ako nakakatapos sa pagsasalita ay bigla na niyang hinalikan yung kamay ko. >.<


"Zia right?" nakangangang tumango ako sa kanya shit tropa ba sila ng mga kiss snatcher!?! >.<


"Ehem" rinig kong pang-eepal ni Christian kaya natauhan ako at hinatak yung kamay ko sa kanya! Bwisit lang kasi ang gwapo din nung tropa nitong Christian na to eh!


"P-pano nalaman yung pangalan ko?" nag-iinit yung mukha ko bat ganto?! Tsaka pano niya ko nakilala?!


"I heard rumors about you" ngumiti siya at inilapit yung mukha sakin. Hala malaChristian din pala tong lalaking to eh! Kaya naman pala sila naging magkaibigan eh!


"At higit sa lahat kapansin-pansin yang ganda mo" naggrin siya oo alam ko meaning nung grin! Baka mamaya isipin niyo Bob-- Teka nga kapansin pansin daw ganda ko!? Oh my! Ganun na ba ko kaganda


"Lei" seryosong tawag ni Christian sa kanya kaya lumayo na yung loko sakin.


"Okay, okay sorry" natawa siya grabe ang gwapo niya hindi pala niya kamukha si Sakuragi sa buhok lang pala! XDDD Napatitig ako sa mata niya laking gulat ko nung kinindatan nya ko.


"See you soon crush" mapang-akit niyang sabi tsaka tinapik si Christian na mukhang bwisit na tsaka tuluyang lumabas. Bakit ba ang daming tukso s paligid!!??


"Nice flirting Zee" mapang-asar na sabi nung manyak


"Selos ka?" ha teka anong sabi ko!?


"Asa may April na ako!" aniya tsaka umirap pa.  Bakla naman! Bigla kong naalala si Aljur nung nabanggit yung unggoy! Biglang sumikip yung dibdib ko bwisit!


"P-pero may Alju--" 

Napatigil  ako sa pagsasalita nung bigla nanaman naming narinig na bumukas yung pintuan ng clinic.


"Ano nanaman ba yun Le--" pero hindi na natapos ni Christian yung sasabihin niya at bigla na lang napuno ng galit ang mata niya.


"Zia" nag-aalalang tawag niya sakin. Malumanay din ang boses niya teka si Aljur nagkicare saakin? Di nga siya may care? pa sakin?! Anu yun pinapaasa nanaman niya ako!? Ang sakit lang kasi kung meron pa naman talaga siyang care! Di niya syosyotain yung unggoy dahil alam niyang gusto ko siya! Hindi na nga lang gusto eh! Mahal ko na siya! Mahal na mahal!


"Okay ka--" O.O

Halos manlaki yung mata ko nung makita kong sinapak ni Christian si Aljur habang papalapit ito sakin. Tumayo lanbg siya na parang walang nangyari pero halos maiyak ako nung makitang may dugo yung labi niyang inasam ko >.< Pero imbis na gantihan si Christian! Lumapit lang siya sakin at hinawakan ang kamay ko .

Nagulat din si Christian kagaya ko. Halata sa mga mata niyaang pag-aalala.


"Ano Zia okay ka lang b---" hindi niya na natapos yung sasabihin niya dahil niyakap ko na siya tsaka tuluyang umiyak. Lintik ka naman Aljur eh! Umaasa nanaman ako eh! Naramdaman kong niyakap niya din ako ng mahigpit dahian para mas lalo akong maiyak.


Mahal ko na talaga ang tindero ng hotdog na to. 



Ang Hotdog Ni Aljur [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon