CHAPTER 9

185 5 0
                                    

"Fren mag-iingat ka 'don sa condo ni señorito ah." pabulong na saad ni Grace sa dalaga.

Kasalukuyan nilang tinungo kasama si Aling Linda ang kotse kung saan naghihintay ang kanilang señorito Cedrick.

"Mag-iingat ako Grace, pangako." kiming tugon niya na sinabayan pa ng ngiti.

"Bakit ba kasi gusto kang isama ni señorito e." nakangusong wika pa ng kaibigan.

Napabuntong hininga siya kasabay 'non ay ang pagyuko ng kanyang ulo. Hindi niya alam kung bakit. Bakit nga ba siya gustong isama ng binata sa sarili nitong condo? Pakiramdam niya may balak itong hindi maganda sa kanya at hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.

Pero kahit gusto niyang tumutol na wag sumama, matatanggal naman siya sa trabaho. Paano na ang pamilya niya? Paano na lang ang tatay niya ngayon na may sakit? Walang magsusupport sa kanila financially. Gusto niyang sabunotan ang sariling buhok. Hindi na niya alam ang gagawin. Natatakot siya. Ang gusto lang naman niya ang magtrabaho at kumita pero bakit nauwi sa ganito. Sa lahat ng babae bakit siya pa ang gustong pagtripan ng binata. Parang gusto niya tuloy umiyak.

"Anak.." tawag pansin sa kanya ni Aling Linda. Inangat niya ang kanyang ulo at nilingon ito.

"P-po?"

"Lagi kang mag-iingat 'don. Mabuting tao si señorito Cedrick at alam kong wala siyang gagawing masama sayo.Magtatrabaho ka lang naman don." ngumiti ang matanda ngunit may bahid na pag-aalala sa mukha nito hindi niya alam kung bakit.

"Pero sinasabi ko sayo, anak na kahit mabuting tao si señorito dumistansya ka pa din sa kanya." dagdag pa nito.

Napalunok siya sabay tingin sa di kalayuang kotse na nasa unahan. Prenteng nakatayo sa labas ang binata habang nakasandal sa kotse nito at mukhang hinihintay siya. Kita niyang naninigarilyo ito habang ang isang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng suot nitong maong jeans. Kahit medyo malayo ang lalaki mula sa kanila ay ramdam niya pa din ang mainit na titig sa kanya ng señorito.

'Señorito Cedrick.'

Simula ng umapak siya sa mansyon ng Montero at nakilala ang binata maraming nangyari na bago sa kanya. Hindi niya dapat hinahayaan ang señorito na hawakan siya ngunit may parte pa din sa kanya na gusto niya ang mga ginagawa nito. Bakit? Hindi siya ganong klaseng babae. Hindi siya dapat easy to get. Ano na lang ang sasabibin ng kanyang mga magulang sa kanya?  

"Tatandaan ko po , nay." tugon niya sa matanda at nginitian ito upang kahit papaano ay di ito mag-aalala sa kanya. Kita niya ang pagbuntong hininga ni Aling Linda.

"Di ko alam anak kung bakit kinakabahan ako para sa'yo. Ok naman trabaho mo dito." ani nito.

Napatitig siya sa matanda. "Nay..."

"Di mo lang alam pero napapansin ko kung paano ka titigan ni señorito. Ibang-iba sa amin. Wag na wag lang magkakamali si señorito Cedrick na isali ka sa mga listahan ng mga babae niya." dagdag pa nito. Namula siya agad sabay iwas ng tingin.

"Masyado pa akong bata 'nay. Hindi po mangyayari iyon. Madami akong pangarap at uuwi pa ako sa amin." saad niya dito.

Kahit gustohin man ng katawan niya kung sakaling gagawa ulit ng kalokohan ang señorito sa kanya sisiguradohin niyang hindi mangyayari ulit 'yon. Ayaw na ayaw niyang maging parte ng buhay nito. Boss niya ang binata at mananatiling hanggang doon lamang sila pareho.

Hindi na nagsalita ang dalawa niyang kasama at nagpatuloy sa paglakad patungo sa kotseng naghihintay sa kanila. Nang nasa harap na sila dito ay agad na umayos ng pagkakatayo ang señorito. Itinapon ang hawak nitong sigarilyo at tinungo ang kanyang pwesto.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon