Chapter 126

175 10 3
                                    

Roi pov:

"Wala na akong oras!" Nilingon ko si Proxy na abalang-abala kay Alumina. Nais ko siyang lapitan para makausap pero hindi ako hinahayaan ng babaeng ibon na ito! Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang atakihin ako ng paulit-ulit galing sa itaas.

"Iyan na ba? Hindi ba't ikaw ang papalit sa trono ng kahariang Hanazed? Iyan lang ba talaga ang kaya mong gawin? Ang iwasan ang atake ko?" Kanina pa ako naiinis sa bibig niyang walang tigil sa pagdaldal. Sobrang bilis ng kanyang galaw para siyang isang kidlat sa himpapawid kaya nahihirapan akong atakihin siya.

"Manahimik ka ibon!" Huminto ako sa pagtakbo at tumingala. Hindi ko siya mahanap sa himpapawid. Nasaan siya?

"Roi sa likuran mo!" Sigaw ni Proxy dahilan para mapatingin ako sa likuran. Sinubukan kong iwasan ang kanyang atake pero sobrang bilis niya kaya tumilapon ako sa malayo.

"Bwesit!" Dumilat ako. Hindi pa rin ako nahihinto sa paglipad dahil sa lakas ng sipa niya sa'kin. Hindi rin niya ako tinantanan dahil nakasunod siya sa harapan ko. Lumilipad at nakangiti sa'kin.

"Ano na? Prinsepe Roi?"

Bumagsak ang likuran sa isang maliit na bahay. Mabuti nalang at walang ibang naroroon. Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Gabi na, wala na akong oras para makipaglaro pa sa babaeng ibon na yun. Kailangan ako nila ama at ina. "Ano bang ginagawa mo Karex?" Naramdaman ko si Nika sa harapan ko kaya tumayo ako at hinarap siya.

"Mamamatay ka kapag hindi mo sineryoso ang laban na ito, kamahalan." Nakangiti nitong wika at dinilaan ang kanyang punyal. Pinagmasdan ko ang buong kabuuan niya. "Hindi ako mahilig manakit ng babae." Mukhang wala na akong magagawa ngayon. Kailangan ko na ata siyang seryosohin.

"Roi!" Sa kalagitnaan ng paghaharap namin ni Nika ay biglang dumating si Karex at walang hiyang hinila ang kwelyo ko at dinala sa loob ng kagubatan. "Bakit ba?!" Inayos ko ang damit at inis itong hinarap. Hinihingal siya at pinagpapawisan. "Gabi na." Kumunot ang noo ko.

"Ano naman?" Tumingala ako upang bantayan kung may kalaban bang papalapit samin. "Sila Ina at Ama!" Natigilan ako dahil sa sinigaw niya. Punong-puno ng pagaalala ang kanyang mga mata kaya nagumpisa na rin akong kabahan. Malakas si Ama at pareho naming alam ang bagay na iyon pero sa sitwasyon ni Ina ay marahil hindi magagawang protektahan ng sabay ang palasyo at si Ina.

"Karex umuwi ka muna." Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Ikaw ang umuwi, bilang isang tagapagmana ay tungkulin mong protektahan ang kaharian." Napangiwi nalang talaga ako sa ginawa niyang rason. Alam ko namang si Alina ang dahilan kung bakit nais niyang manatili dito, nagdahilan pa talaga. "Oo uuwi na busit!" Tinalikuran ko siya pero hindi rin nagtagal ay sumunod siya sa'kin.

"Ano?!" Irita kong baling sa kanya. "Ako na ang uuwi." Simpleng sabi nito at sumakay sa kanyang paboritong kabayo. Napatulala nalang talaga ako sa kanya. Kahit kailan ay hindi mo talaga maiintindihan ang tumatakbo sa utak ng ugok na'to!

Pinagmasdan ko pa siya na paalis sa himpapawid bago bumalik sa labanan. Naabutan ko pa si Proxy na pinagsasabay si Nika at iyong ahas na si Alumina. Tinawanan ko una siya bago siya tinulungan.

Inabutan ng madaling araw ang labanan. Sa huli ay napagdesisyunan naming umatras dahil sa parami ng parami ang mga dilim kahit anong gawin namin ay dumadami lang sila lalo at ang mga kawal ay pagod at kakaunti na lamang ang natira.

"Bwesit!" Nilingon ko si Proxy na galit na galit habang pinagmamasdan ang kaharian sa malayo. Kasulukuyan na kaming naglalakbay papunta sa kaharian namin.

Tuluyan ng nasakop ng mga dilim ang buong Poliba maliban na lang sa aming kaharian, ang Hanazed. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari doon dahil wala akong mensahe na natanggap galing kila Ama o kay Karex pero nakakasigurado naman akong nadepensahan na nila ang palasyo.

I Was Reincarnated As A Princess season 2 (Royalty series #1)Where stories live. Discover now