A/N:
Okay guys, walang nag-vote, but I'm still happy kasi at least 50+ reads na in just 2 days. Iba talaga pag KathNiel . So here it us guys, PART 3!!! Hope you'll enjoy.-
Kath's POVNagising ako at lahat ng nakikita ko ay puti, ilang segundo, na-realize kong nasa hospital pala ako. Anong ginagawa ko dito? Anong nangyari?
Pag tingin ko sa right side ko, andun si Daniel, nabigla nga ako eh. Pag tingin ko naman sa likod niya, medyo malayo yung sofa eh. Andun naman si Julia.
Kawawa naman 'tong si Daniel, alam kong pagod pa siya dahil sa concert niya. Triny kong umupo pero napaluha ako at biglang sumakit yung ulo ko, parang mac-crack na. Napasigaw ako kaya nagising si Daniel. Nakaupo naman ako.
"Kath? Okay ka lang ba? May masakit ba?" Tanong niya sa'kin. Halatang nag-aalala siya sa'kin.
"D-daniel, ang sakit ng ulo ko." Napaiyak na talaga ako sa sakit.
"Shh. Kath." Sabi niya sabay yakap sa akin. Umiiyak na lang ako sa may dibdib niya, ilang minuto nabawasan din yung sakit.
"U-uhm. Daniel? Anong nangyari? Bakit ako nandito sa hospital? At bakit sobrang sakit ng ulo ko kanina?" Tanong ko sa kanya.
"You fainted kasi sa concert ko eh, nahulog ka na lang bigla sa stage." Whaaat? Seriously? Di ngaaaa?
"A-ah ganun ba?.." sabi ko na lang.
"Kath?" Nagising na ata namin ni Daniel si Julia.
"Good morning Bes!" Bati ko kay Julia.
"Good morning. Okay ka na ba? May masakit ba sa'yo?" Paninigurado niya na okay lang ako.
"Kanina sumakit yung ulo ko, pero ngayon hindi na masyado." Paninigurado ko naman sa kanya na okay lang talaga ko.
"Ah okay. Sige, bili muna ko ng breakfast natin. Maiwan ko muna kayo. Mag-aayos lang muna ako. Tutal wala naman kaming gagawin ngayon ni Daniel. 3 Days kaming day off. Masyado na rin kasi kaming napagod." Sabi sa akin ni Julia. Tumango naman ako.
"Uhm. Kath?" Daniel.
"Oh? Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
"Mahal mo pa ba ko?" Nabigla ako sa tanong niya. Oo! Oo mahal pa rin kita Daniel.
"H-hindi na. Bakit?" Pagsisinungaling ko.
"Kasi ako oo pa." Ano raw? Mahal pa niya ako? Eh bakit siya nakipag-break.
"Hahaha! Joke ba yun?" Sabi ko sabay fake laugh.
"Kath, seryoso ako.. kaya lang naman ako nakipa-.." Pinutol ko ang pagsasalita niya.
"Kasi nasawa ka na diba? Kasi may iba ka nang mahal? Kasi diba nakakairita na ako masyado? Kas-..*tsup*" Pinutol niya rin yung sinasabi ko kasi hinalikan niya ko ng peck.
"Kath hindi. Kaya ako nakipag-break kasi, mahal ako nung kambal mo, hindi mo siya kilala dahil kasama siya ni Mommy at Daddy mo sa ibang bansa. Naki-usap sa akin ang Daddy mo na makipag-break muna ako sa'yo, kasi ako raw ang mahal ng kapatid mo. Nakita niya raw ako sa pictures natin nung bata pa tayo na magkasama, akala niya siya yung kasama ko, pero ikaw yun, may sakit siya sa puso, kaya bawal ang extreme emotions. Linigawan ko siya as your Dad requested. You never knew about your sister because they never showed her to you. Ayaw nilang malaman mo na may sakit ang isa mong kakambal. Na-fall ang kapatid mo sa akin, dahil akala niya na ikaw siya, na akala niya siya ang best friend ko. Dahil di ka rin niya kilala. Nasa hospital lang siya parati. Kaya di mo siya nakikita pag nagvivideo chat kayo ng parents niyo. Kath, nung linigawan ko siya 3 weeks na lang ang buhay niya, na-extend yun ng dahil sa akin. Naging 2 months and 1 week yung buhay niya. Pero Kath, di ko siya minahal, di ko siya mahal, at di ko siya mamahalin kahit kamukha mo siya dahil hindi siya, ikaw." Pag explain niya.
"I can't believe my parents did this to me! All I wished is to have a sibling nung bata pa ako, pero tinago pa nila sa akin na may kakambal ako? At naki-usap pa siya sa'yo na makipag-break sa akin dahil ikaw ang mahal ng kapatid ko? How dare they!" Umiyak ako ng umiyak. Pero na-realize ko na hindi naman ako yung kawawa kundi yung kapatid ko. Yung kapatid ko, kahit di ko siya kilala at nakasama, mahal ko siya.
"I know Kath! But, andito naman na ako eh. Can you please be my girlfriend again?" Tanong niya sa'kin. "If ever.. you don't have a boyfriend.." Paninigurado niya na wala akong boyfriend.
"Yes. I will be your girlfriend.. again." Pagsagot ko sa kanya. Yinakap naman niya ko ng mahigpit at naramdaman kong may tumulong luha sa balikat ko na alam kong galing sa mata niya. Pati rin ako naiyak na.
*After 3 Months*
Hi Guys! It's been 3 months and you know what? Kami na ni Daniel ang bagong loveteam. KathNiel is the loveteam. Julia has her ka-loveteam na rin. Si Diego Loyzaga, JuliEgo is their loveteam. Haha!
-
Kathryn Bernardo
Daniel Padilla
Julia Montes
Diego Loyzaga
signing off..
BINABASA MO ANG
His Secret Fangirl (KathNiel One-Shot)
Teen FictionKathryn is his Ex, and also his secret fangirl. An Ex always hides secrets from his/her ex. Lalo na kung FANGIRL/FANBOY ka ng Ex mo. Diba nakakahiya?