Argus POV
Abalang-abala si Carina sa pagbubukas ng mga pasalubong para sa kanya kaya maghapon lang ito sa taas ng kwarto niya naiintindihan ko naman siya lalo at ngayon lang siya makakatikim ng mamahaling mga damit at gamit.
“Argus kumusta naman ang negosyo?” Tanong ni Kuya ng maabutan ako nitong umiinom ng beer sa balkonahe.
“Ayos lang naman.”
“Hmmm e kayo ni Sofia?” kumuha ito ng isang beer in can at binuksan iyon saka ito umupo sa bench na nasa gilid ng balkonahe.
Tinapunan ko ito ng tingin. “We're not on good terms dati pa. Bakit mo naman na tanong Kuya?”
Lumagok muna ito ng beer bago ako tinitigan. “Kapatid kita at kilala kita simula pagkabata pa lang natin gusto ko lang sabihin sayo na Anak ng Ate Amelia mo si Carina it only means na magkamag-anak na kayo simula ngayon.”
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Kuya Apollo. “Lalaki din naman ako kaso ipapaalala ko lang sayo na off limits na si Carina ha, Bunso.”
Tinapik ako nito sa balikat saka ito humakbang palayo.
“Paano kung gusto ko na siya, Kuya. Magagalit ka ba?” Habol kong turan na nagpahinto sa paghakbang nito.
“Matanda ka na Argus kaya mo na ngang magpatakbo ng kumpanya kaya umaasa akong kaya mo ding mag-isip ng maayos alalahanin mong laging nasa huli ang pagsisisi wag mo na sanang paabutin sa puntong magkakawatak-watak tayo.”
“P-paano kung hindi ko na kayang pigilan?” Mahinang usal ko.
“Ikaw lang ang makakasagot niyan. Malapit na ang pasukan naka-enroll na si Carina sa Hamilton International School bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataon na isubsob sa trabaho ang sarili mo baka sakaling mawala ang nararamdaman mo o kaya ituon mo na lamang sa ibang babae ang kung anumang nararamdaman mo ngayon. Ayokong magkagulo kayo ng Ate Amelia mo.”
Saka ito tuluyang umalis. Inubos ko ang laman ng hawak kong in can beer so ramdam ni Kuya na may kakaiba sa amin ni Carina. Sumasakit tuloy ang ulo ko kakaisip sa lintik na sitwasyon na ito! Bakit pa kasi naging anak ni Ate Amelia si Carina! Bw*sit!
***
Carina's POV
Nagpapakiramdaman lang kami Tito Argus habang nakain ng hapunan na niluto ni Mama. Mukhang malalim ata ang iniisip nito ni hindi ako nito tinatapunan man lang ng tingin.
“Ammm tutal andito na kayo Kuya well siguro it's time for me to go home.” Seryosong saad nito parang kinurot ng pino ang puso ko sa narinig ko uuwi na siya ibig sabihin aalis siga ngayong gabi. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Tinuon ko na lamang sa pagkain ang pansin ko baka dito na matatapos ang kahibangan ko kay Tito Argus. Baka yung sinasabi niyang ‘Boyfriend’ ko siya ay panandalian lang gaya ngayon aalis siya at babalik ang lahat sa dati. Siguradong makakalimutan na niya ako.
“Bakit Anak ayaw mo ba sa niluto kong ulam?” Nag-aalalang tanong ni Mama.
“Po?” Nahagip ng tingin ko si Tito Argus na titig na titig sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin at hindi ito pinansin tutal aalis na siya mamaya siguradong hindi na niya ako babalikan dito.
“Kasi parang wala kang ganang kumain eh masama ba ang pakiramdam mo?”
Umiling ako. “Hindi po masama ang pakiramdam ko Mama, naisip ko lang po kasi na malapit na po pala akong pumasok excited na po ako na kinakabahan k-kasi mayayaman po sila hindi po gaya ko.”
“Carina. Simula nung kinasal kami ng Mama mo parte ka na ng pamilya namin ikaw na ang nag-iisa kong Anak at si Argus naman ang nag-iisa mong Tito kaya kung ano ang meron kaming magkapatid pag-aari nyo na rin yon ng Mama mo lagi mong tatandaan yan.” Parang may laman ang pagkakasabing iyon ni Tito Apollo.
BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomanceMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...